WAKAS

1.1K 33 5
                                    

This is the last part of Forgotten Letters, my fourth Agravante Series. Thank you sainyong lahat!

--

Wakas

--

'Vince...

This is the second year of that accident...

Kumunot ang noo ko at tinigil ang pagbabasa. Naisip kong hindi sa akin ang sulat na iyon at wala akong karapatang basahin 'yon kaya hindi ko dapat pakialamanan.

I found this letter at the sea. Nakita ko ang isang bote na inaanod at malapit na sa buhangin. I got curious kaya kinuha ko. I never thought makakakita ako ng letter sa loob no'n.

Bumuntong hininga ako at kinuha ang bote na nasa maliit na lamesa. Itutubi at ibabalik ko na sana ang sulat sa loob ng bote nang natanaw ko ang pangalan ng sumulat. Natigil ang kamay ko sa paggalaw at ang mga mata ko'y nanatili sandali roon.

Adreanna Louissa Agravante...

I don’t know but it piqued my interest to read the letter after reading that name. Something strange. This name is familiar. Hindi ko lang malaman kung saan ko 'yon narinig. Wala naman akong kilalang babae na ganito ang pangalan.

Dahan dahan kong binuksan ulit ang sulat at binasa. Hindi tama dahil hindi naman sa akin 'to pero...

This is the second year of that accident. Hindi ka pa rin nagpapakita. I miss you. Hanggang ngayon umaasa pa rin ako na buhay ka pa. I don't believe those people saying that you're already dead, there are no evidence.

Nagtatrabaho na nga pala ako sa kumpanya ni Lolo, matagal na. Close ko na rin ang pinsan kong si Cassandra, 'yong totoo kong pinsan? Nagkakasundo kami sa maraming bagay.

Maayos ako rito. Kaya lang nami-miss ko pa rin ang kakulitan mo. When are you coming back? Are you still coming back? I hope you come back. Hindi ako naniniwalang wala ka na. I will never believe that you are dead. Because I know you won't leave me. Hindi mo 'ko kayang iwan.

I miss you, Vince. Please, come back. I will wait for you until the end.

-Adreanna Louissa Agravante.'

Louissa...

I closed my eyes tightly when my head suddenly ached. Nabitawan ko ang sulat sa kamay ko. Some pictures suddenly appeared in my head, but it's blurry. I heard some noises too and I don't know where it is coming from.

I saw a smile of a girl. Her rolling her eyes. And her laughing.

Hindi ko makita nang maayos kung sino 'yon. Natigil ang mga litrato na lumalabas at unti unti ring natigil ang sakit ng ulo ko. I opened my eyes slowly.

What was that? Who was that?

Wala akong kilalang babae bukod sa asawa ko. That girl doesn't look like Maxine. Malayo. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit pagkatapos kong mabasa ang sulat na 'yon, bumagabag na siya sa isipan ko.

Ang sabi ni Maxine, I've been in a coma for five years. Back then I couldn’t speak very well, nor could I move properly. But after a few years, naging maayos din ako.

I don’t remember anything about my past. Maxine said my parents are dead too. She said we met in Baguio because we were both from there and became a couple. After a few years, we boarded a ship to move here to Batangas, but it sank causing me to fall into a coma. But she also said that she did everything so that she could still take me here to Batangas after the accident at dito na pinagamot. Wala na raw kasi kaming babalikan pa sa Baguio.

Forgotten Letters (Agravante Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon