Kabanata 44
Kiss
--
Dahil nakabakasyon pa rin naman ako hanggang ngayon sa trabaho, hindi na ako nag alinlangang pumuntang Batangas. Kaunting gamit lang ang dinala ko at sa resort ulit na 'yon ako nag check in. Ang villa ko rin dati ang naging kwarto ko.
Ang una kong naisip ay ang bahay nila noon ni Monica. Iyon ang una ko sanang pupuntahan. Naisip ko kasi na iyon lang ang alam niyang lugar dito. At wala pa siyang maalala kaya wala naman siguro siyang ibang pupuntahang lugar? At ang paalam naman niya kay Tita ay sa Batangas lang siya.
I am so nervous. Buong buhay ko ngayon lang ako kinabahan nang ganito. 'Yong hindi ko na malaman ang gagawin ko. Kinakahiya ko nga ang sarili ko dahil noon, ayaw ko pa nga sa kanya. Naiinis ako sa kanya at ayaw na ayaw ko talaga! Kasi playboy siya at masyadong mapaglaro. Para bang lahat biro sa kanya. Seryoso pa naman akong tao kaya naiinis talaga ako sa mga taong hindi kayang magseryoso.
Tapos ngayon... ako pa ang pupunta sa kanya? Ngayon gusto ko ako ang mag alaga sa kanya? Kahit hindi niya ako maalala, gusto ko ako ang nasa tabi niya hanggang sa maalala niya na ako. Hanggang sa maalala niya na ang lahat.
Ako ang palaging nagtataboy sa kanya noon, ako ang unang lalapit sa kanya ngayon.
Pero hindi naman na mahalaga ang mga nangyari noon! The important thing is, he's already here and all he has to do is remember me. He can't just forget me forever. Kailangan niya akong maalala at dapat pilitin niya!
Binuksan ko ang pintuan ng aking villa para sana umalis na at puntahan si Vince sa dati nilang bahay ni Monica. Doon lang naman kasi siya pwedeng pumunta, hindi dito sa resort at talagang kaharap ko pa ang kwarto niya! Sabay kaming nagbukas ng pintuan.
My eyes widened a bit. I felt that he was stunned too but that was only for a moment. Bumalik din sa pagiging seryoso ang kanyang mga mata. Sa totoo lang I’m not used to him being serious all the time. I’m used to him being funny, playful, and always smirking like a devil. Ngayon na-realized ko tuloy na hindi pala ako naiinis sa kanya dahil sa pagiging mapaglaro niya noon, naiinis ako kasi kung ano ano nalang ang pinaparamdam niya sa akin. Tulad nalang ngayon, my heart is pounding so hard!
Mas gusto ko palang mapaglaro siya. At hindi ganito kaseryoso na para bang hindi ko na mabibiro. Iyon ang nagpapaalala sa akin na oo nga... hindi pa siya nakakaalala. Hindi niya pa ako naaalala.
"Vince..." I said almost a whisper.
Sa sobrang gulat ko ay para akong nawalan ng boses. Anong ginagawa niya rito? Buong akala ko sa bahay nila ni Monica siya bumalik!
Hindi siya nagsalita. Nakatitig lang sa akin. I noticed he's watching my whole face, like he's memorizing it.
"Anong... ginagawa mo rito?" tanong ko, halos pumikit ako nang mariin!
Really? Hindi mo magawang aminin na sinundan mo siya rito, Issa?!
"Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" balik niyang tanong sa akin, halos kilabutan ako sa lalim ng kanyang boses. Seryoso pa siya kaya mas lalong nadepina ang lalim ng boses!
"Uh... magbabakasyon," kaswal kong sagot.
Nagtaas siya ng kilay. Gusto kong ngumuso dahil tinanong niya talaga ako kung anong ginagawa ko rito. Parang kailan lang kinukulit niya ako, siya ang sunod nang sunod sa akin. Tapos ngayon... parang ayaw niyang nandito ako?
Tss. Issa, wala nga kasi siyang maalala. He's confused. Huwag kang madrama dyan! At huwag kang mag overthink!
"Hindi ba, katatapos mo lang magbakasyon?"
BINABASA MO ANG
Forgotten Letters (Agravante Series #4)
Romantizm[COMPLETED] Louissa Agravante, the coldest and most feared of all the Agravantes, is very irritated with Monica Salazar, the daughter of her mother's friend, who is now dead because of an accident. Monica wants everything she has: family, friends, c...