KABANATA 13

446 9 3
                                    

Kabanata 13

Saved

--

Napatili ako nang bigla nalang tumilapon sa sahig si Joaquin habang pilit niya akong niyayakap doon! Sumugod sa kanya si Vince na galit na galit at sunod sunod siyang pinagsusuntok!

"Vince!" I said shocked.

I saw his friends running towards us. Mabilis nilang kinuha si Vince at nilayo kay Joaquin. Nakita ko rin ang ibang mga students sa malayo na sumilip at lumapit na rin sa gawi namin, nagtataka at nagugulat sa nangyayari.

"Enough, Vince!" one of his friends shouted dahil nagpupumiglas pa si Vince sa kanila.

Bahagyang kumalma si Vince ngunit nag aapoy pa rin ang mga matang nakatingin kay Joaquin. While Joaquin slowly stood up, hirap na hirap at pinupunasan ang kanyang labi na may dugo.

"Gago ka, ah?" galit niyang tiningnan si Vince.

Pumagitna agad ako dahil mukhang siya naman ngayon ang susugod!

"Tama na, Joaquin," I said calmly.

Tinuro niya si Vince at tumingin sa akin.

"Sino ang gagong 'yan, Issa? Bakit nakikialam dito?"

Pumiglas si Vince sa hawak ng mga kaibigan niya at nilapitan ako. Hinawakan niya ang braso ko at nilagay sa likod niya. Pinigilan ko agad dahil ngingisi ngisi pa siyang nakatingin kay Joaquin!

"Ako ang boyfriend niya. Bakit?"

Hindi ko inasahan ang sinabi niya! Nanlaki ang mga mata ko.

What...

"Ano?" tumawa si Joaquin at tumingin sa akin. "Anong pinagsasasabi nito, Issa?"

"Nangangati pa ang kamao ko sayo, bata. Kaya kung ako sayo, umalis ka na. Huwag na huwag mo na ulit masusubukang hawakan ang girlfriend ko dahil makakatikim ka talaga," punong puno ng yabang ang boses ni Vince!

Hinawakan ko ulit siya sa braso at hinila para pigilan. I know this isn't the right time to think about this but... ngayon ko lang siya nakitang ganito! 'Yong galit... at iritadong iritado.

"Ang yabang mo, ah? Taga rito ka ba? Iba ang uniform niyo, ah?" matapang na humakbang si Joaquin palapit at tiningnan ang mga kaibigan ni Vince.

"Joaquin, tama na--" pigil ko sana ngunit muli akong hinawakan ni Vince sa braso para hindi ako makalapit sa kanya.

"Tang ina, sino ba kayo? Umalis na nga kayo rito! Sino ba 'tong mga gagong 'to at bakit ka hinahawakan niyan, Issa?!"

"Tama na sabi, Joaquin!" sigaw ko nang hindi ko na napigilan.

Napatingin siya sa akin.

"Umalis ka na," mariin kong sambit.

Matalim niya akong tinitigan, walanh magawa sa sinabi ko. Lumipat ang paningin niya kay Vince at sa mga kaibigan nito bago unti unting tumalikod at umalis. Parang doon palang ako nakahinga ng maluwag habang pinagmamasdan siyang mawala roon.

Tiningnan ko ang mga students na hanggang ngayon nanonood at ang iba ay nakatingin pa sa amin ni Vince, lalo na ang mga babaeng nagbubulungan. Nang nakita nilang nakatingin ako ay hindi sila nagkandaugagang nagtulakan para maka alis na.

"Ayos ka lang?"

Hinarap ako ni Vince kaya nalipat sa kanya ang paningin ko. Tumango ako at bumuntong hininga.

"Thanks."

Sumipol ang kanyang mga kaibigan sa likod at sumenyas kay Vince na aalis na sila. Tumango lang si Vince, seryoso pa rin at muling tumingin sa akin. Nag iwas naman ako ng tingin at tumikhim. Binalingan ko ulit ang locker ko na para bang walang nangyari.

"Who's that guy? Bakit palagi ka nalang ginugulo no'n?" tanong niya.

"He's nothing," sagot ko.

"Really?" pinatong niya ang isa niyang kamay sa katabi ng locker ko.

Napatingin ako sa kanya and I saw how pissed he is right now.

"Kaya pala narinig ko kanina sabi niya... Let's get back together, Issa, please?"

What the hell?

Napatitig ako sa kanya. I can feel my heart throbbing just because of our stare at each other. I know what I'm feeling and I don't like it. I felt this before... with Joaquin. Ang problema lang... parang mas malala 'to. At alam kong dapat na akong umiwas dahil hinding hindi ko na ulit hahayaang mangyari ang nangyari noon.

"That means he's your ex, right?" nakangising tanong ni Vince pero kitang kita ko ang iritasyon sa mga mata.

Sinarado ko ang locker ko at hinarap na siya. Humalukipkip ako.

"Yes. He is my ex. So what?"

Nagtiim bagang siya at hindi nakapag salita. I'm very pissed, too. Sa nararamdaman ko. I don't like it. I hate it, actually!

"At bakit ka sumusugod ng gano'n? Pa'no kung may nakakitang teacher sa nangyari? Edi madadamay pa ako sa ginawa mo?" iritado kong sambit kahit nag alala lang naman talaga ako na baka mapa guidance siya at hindi na makabalik dito sa school namin.

Natawa siya na para bang hindi makapaniwala.

"I just saved you from your bastard EX..." pinakadiinan niya pa 'yon. "And now you're telling me that?"

"Kailan ko ba hiningi ang tulong mo? At anong sinasabi mo na boyfriend kita? Alam mo bang maraming nakarinig no'n?"

"Sinabi ko 'yon para tumigil na 'yang ex mo sa panggugulo sayo. Why can't you just say thank you?"

"Nag thank you na ako pero sige. Thank you!" I said sarcastically. "Thank you so much for saving my life kahit hindi ko naman kailangan!"

Kumunot na ang noo niya.

"What the hell is wrong with you?"

"Sana kasi hindi ka na nakikialam ng gano'n. Sa lahat ng ayoko ay 'yong pinapakialamanan ang buhay ko, Vince!"

"Then, fine! Hindi na ako makikialam! Sorry kung niligtas kita, ah? Sana hindi nalang kita niligtas para nahalikan ka na ng tarantadong 'yon sa kung saan saan!"

Isang malakas na sampal sa kaliwang pisngi ang ginawad ko sa kanya. Mabilis ang paghinga ko habang tinititigan siyang nakatagilid ang ulo, hinihingal pa sa sigawan naming dalawa. Wala na akong pakialam kung may nakikinig o nanonood sa amin. I am very pissed!

Tinalikuran ko siya at iniwan roon. Sa sobrang iritasyon ko ay parang gusto ko nalang umiyak. No! I won't cry. Crying is not my thing. At bakit ako maiiyak sa ganito ka-simpleng bagay? Such a waste of time, Issa! He doesn't deserve your tears!

Forgotten Letters (Agravante Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon