Kabanata 25
Pendant
--
Louissa:
I'm home.
Vince:
Good.
Hindi ko alam kung paano pero bigla ko nalang natakpan ang mukha ko. Pakiramdam ko namumula ang buong mukha ko! Ramdam na ramdam ko ang init do'n. Nilapag ko ang phone ko sa mga papel na naroon sa study table ko at pumikit nang mariin, nasa mukha pa rin ang mga kamay.
Ilang sandali akong nanatiling gano'n. Nilagay ko sa ulo ko ang mga kamay ko at tiningnan ang mga papel na kailangan kong basahin at trabahuhin do'n. I then bit my lower lip and suppress a smile.
Nababaliw na yata ako! Ngayon lang ako mag isang ngumingiti sa loob ng kwarto ko! Mabuti nalang sinasarado ko na ngayon ang pintuan ko kundi baka may nakakita na sa akin na ganito ang itsura at sabihan pa akong nababaliw na!
Days passed again. Lagi kaming nagte-text ni Vince kahit pa palagi naman kaming magkasama tuwing uwian na sa school. Sa tuwing nakakauwi ako ng bahay ay nakakatanggap ako ng text galing sa kanya.
Vince:
What are you doing?
Louissa:
Just doing some papers.
Vince:
Do you have so many things to do today?
Louissa:
Yes.
Vince:
Ako rin. Marami akong projects at kung ano ano pa. Wish me luck, please?
Ngumisi ako.
Louissa:
Goodluck :)
Laging gano'n ang nangyayari. Nagkikita pa naman kami sa school. Hindi ko alam kung bakit meron pa siyang oras pumunta sa school namin para lang makita ako samantalang ang dami niya paniguradong gawain. He's an engineering student. He must be very busy.
But still... hindi siya nabigong makipag kita sa akin tuwing uwian. He's always there with his friends. O minsan pa nga wala ang mga kaibigan niya at siya lang mag isa dahil nga mga busy sila. Para lang makita ako.
Sabi ko huwag na siyang pumunta kung masyado siyang maraming gagawin, pero matigas ang ulo niya at ayaw akong sundin.
"I do a lot of assignments, projects and all that. But a few minutes with you won’t stop me from doing those," he only said.
Hindi ko mapigilang mapangiti. Umirap lang ako sa huli dahil ayokong makita niya na natutuwa ako at... kinikilig. Tss!
Until weeks and weeks passed. The exam is coming up again. Naging busy ulit ako sa mga gawain at pagbabasa ng mga notes ko. Halos saglit nalang akong kumakain sa cafeteria ng lunch dahil marami akong kailangang gawin sa library at kailangan ko talagang magbasa nang magbasa.
Hindi na rin ako laging nakikipag kita kay Vince. Hindi na rin naman siya pumupunta dahil busy na rin sa nalalapit nilang exam. Minsan pumupunta siya tuwing wala siya masyadong gagawin. Pero saglit lang din kaming nakakapag usap dahil kailangan ko na agad umuwi.
That's okay with him, though. Naiintindihan niya raw dahil busy rin naman siya. Normal lang daw ito tuwing malapit na ang exam.
Until the exam finally came. I think I did a great job. Masaya pa naman ako nitong mga nakaraang araw kaya masyadong maraming pumapasok na lessons sa utak ko. Habang itong si Vince ay nagmamayabang.
BINABASA MO ANG
Forgotten Letters (Agravante Series #4)
Romance[COMPLETED] Louissa Agravante, the coldest and most feared of all the Agravantes, is very irritated with Monica Salazar, the daughter of her mother's friend, who is now dead because of an accident. Monica wants everything she has: family, friends, c...