Kabanata 10
Crush
--
"Hindi pa ako tapos sa essay ko. Sayo ba tapos mo na?"
Tumingin ako kay Sarah na namomroblema sa hawak niyang mga papel. We are here in the cafeteria, early in the morning. Sinasamahan ko siya dahil mamaya pa naman ang klase ko.
"Tapos na 'ko. Akala ko tapos mo na rin ang sayo. Madali lang naman, ah?"
"It wasn't that easy, Issa!?"
Ngumisi ako sa iritasyon niya. Hindi na ako nagsalita at humalukipkip nalang sa inuupuan ko sa kanyang harapan. She was very stressed as she stared at the paper. Hawak pa ang ulo niya.
"Ang dami ko kasing ginawa nitong mga nakaraang araw. Hindi ko naasikaso 'to. Damn, this is stressing me out."
"Hanggang bukas pa naman 'yan. Don't think about it too much. Just write what you have in mind. Basta tungkol lang sa topic natin, baka lumayo ka mawalan 'yan ng sense."
She sighed and put aside her papers. Tumingin siya sa akin.
"Sabi mo nagkausap kayo ulit ni Joaquin?"
Hindi ako agad nakasagot doon.
"Oo."
"At nakikipag balikan siya sayo, huh? After so many years?"
"Yeah..."
"Ang kapal ng mukha ng lalaking 'yon. Hay nako! Baka naman pumayag ka!?"
"Tss. Hindi, Sarah. Ayoko nang makipag balikan sa kanya."
"Mabuti naman! Hindi siya bagay sayo hay nako!"
"Huwag na natin siyang pag usapan. Kumusta na ang pinsan mo? 'Yong inaalipin ni Monica?"
"Mmm, ayos na. Lumayo na siya sa kanila. Pinagsabihan ko na kasi. And wait... back to the first topic. Nakikipag balikan sayo si Joaquin. Ibig sabihin break na sila ni Monica. Ano kayang nangyari?" chismosa niyang tanong.
Pagod akong bumuntong hininga.
"Hindi ko rin alam, Sarah."
"Ilang taon na sila. Siguro toxic naging relationship nila kasi pareho naman silang toxic."
"Tss. That's enough. Let's not talk about them anymore."
She smirked.
"Are you still affected? You still like Joaquin?"
"No," kumunot ang noo ko. "I don't love him anymore."
"Mabuti! Kakalatukan sana kita kung um-oo ka, e."
Nagpatuloy kami sa pag uusap ngunit tungkol na sa ibang bagay. Ayoko nang pag usapan ang dalawang 'yon. Wala na akong paki at nakalimutan ko na ang lahat. Ayoko nang balikan pa.
"Malapit lang ba 'yon dito?" tanong ko kay Vince habang pinagbubuksan niya ako ng pintuan sa kanyang sasakyan.
I'm wearing a simple white off shoulder top, black jeans and white sneakers. I am carrying my red shoulder bag. Nandoon ang mga gamit ko kasama na ang phone at mga papel at ballpen pangsulat.
"Mmm, it's a bit far but I'm sure you'll enjoy the ride. Maganda ang tanawin papunta roon," he answered.
Tumango ako at sumakay na sa kanyang sasakyan. Nagpaalam na ako kina Mom at Dad na aalis ngayong araw. Hindi naman sila masyadong mahigpit sa amin kaya pumayag din sila agad.
Medyo hindi pa ako komportableng sumakay sa sasakyan niya. It was very clean and fragrant. First time ko rito.
Deretso ang paningin ko nang pumasok si Vince sa sasakyan. Siya ang magda-drive. Kaming dalawa lang ang aalis. Walang ibang kasama.
BINABASA MO ANG
Forgotten Letters (Agravante Series #4)
Romance[COMPLETED] Louissa Agravante, the coldest and most feared of all the Agravantes, is very irritated with Monica Salazar, the daughter of her mother's friend, who is now dead because of an accident. Monica wants everything she has: family, friends, c...