Kabanata 35
Close
--
No. It's just the alcohol. Lasing na yata ako. Pinaglalaruan lang ako ng mga mata ko. Imposibleng...
Muli kong nilingon ang gawi ng lalaki. An old man called him so he immediately came to them give juice to that table.
Naubos ang laman ng tray niya. Nakita kong tinanguan niya ang lalaking kasama bago umalis at nagtungo sa kitchen para siguro kumuha pa ng mga juice.
Sinundan ko siya ng tingin.
Kahit ang paglalakad kuhang kuha niya. Ang buhok, ang mukha, ang kilay, ang mga kamay...
But this is still impossible... Kasi kung si Vince siya, dapat nakilala niya na ako. Dapat kilala niya ako!
Nanginginig ang mga kamay ko. Pinunasan ko ang luhang umagos sa aking pisngi at tumayo.
I don't know what to do. Kung lalapitan ko ba ang lalaki o hindi. Halatang hindi niya ako kilala. Ni hindi niya ako binalikan ng tingin!
If it was Vince... he would definitely talk to me. He will definitely approach me! Pero bakit parang hindi niya ako kilala? Sino siya? Bakit kamukhang kamukha niya si Vince?
Ngunit sa pagkakatanda ko, hindi gano'n ka-moreno si Vince. Mas matangkad din ang lalaking 'to kung ikukumpara ko sa Vince noon. Maraming nagbago. Kahit ang buhok nagbago ngunit kilalang kilala ko pa rin! Tandang tanda ko pa rin... Hindi ako pwedeng magkamali!
Sino siya?
Siguradong maraming makakapansin sa akin na ganito ang itsura ko kaya napagpasyahan kong lumabas na muna. I went to the balcony of the resort where there weren’t too many people. Kung may tao man, mga couple lang na masayang nag uusap at nasa malayo.
Pinunasan ko ulit ang aking mga luha. What do I do? Should I go to him? Should I talk to him? What should I do?
This is the first time I've ever felt this. Hindi ako mapakali. Hindi ako makapag isip nang maayos. Hindi ako makapag desisyon. Idagdag mo pa ang wine na tinatamaan na ako. Nahihilo na ako.
Damn it! Dalawang baso lang 'yon! Bakit ganito? Ano bang wine 'yon? O naka dalawang baso lang ba talaga ako? Hindi ko alam!
Huminga ako nang malalim at pilit pinakalma ang sarili. Hinawakan ko ang mga kamay ko at naramdamang nanlalamig na rin pala 'yon. I saw the waves crushing in front. The beach is far away but I can still see it. The breeze was also strong and cold.
Tinakpan ko ang bibig ko at bumuga ng hangin para makaramdam nang kahit kaunting init. My eyes are still watering. Am I overreacting?
Pwedeng kamukha lang 'yon ni Vince. Maraming magkakamukha sa mundo, right? At kung si Vince 'yon... dapat umuwi na siya. Kung si Vince 'yon dapat kinausap niya na ako. He saw me. I know he saw me! If he was Vince he wouldn't ignore me like that!
Pero kung si Vince 'yon... kung siya talaga ang waiter na 'yon... bakit siya nandito? Bakit hindi siya umuuwi? Bakit parang hindi niya ako kilala? Kung si Vince siya... bakit hindi siya bumabalik sa amin? Sa akin?
Pilit ko pa ring pinapakalma ang sarili ko. Iniisip ko na nga kung tatawagan ko na ba sina Tita Lourinda para sabihin ang nakita ko. They need to know this!
But what if it wasn't Vince?
Hindi niya ako kilala. Paano ko ipapaliwanag 'yon sa kanila?
I remember the four girls. Those girls selling souviners! They mentioned Vince's second name. Eugine! Posible kayang...
Nilingon ko ang loob ng party. Marami pa ring tao at mukhang mamaya pa ito magtatapos. Hindi ko na mahanap 'yong lalaking kamukha ni Vince.
Napalunok ako. Ang Eugine ba na sinasabi nila ay ang... lalaki na nandito? Na kamukha ni Vince?
BINABASA MO ANG
Forgotten Letters (Agravante Series #4)
Romans[COMPLETED] Louissa Agravante, the coldest and most feared of all the Agravantes, is very irritated with Monica Salazar, the daughter of her mother's friend, who is now dead because of an accident. Monica wants everything she has: family, friends, c...