KABANATA 22

450 8 2
                                    

Kabanata 22

Talk

--

Hindi ako nagpakita kay Vince sa araw na 'yon. Nakangisi akong umalis sa school at umuwi sa bahay.

May gagawin pa ako, noh. Marami akong gagawing assignments, projects at isama mo pa ang mga pinapagawa ni Lolo para sa kumpanya. Not that I don't have time to go to the field even just for a moment... I smirked. Ayoko ngang magpakita sa kanya.

Tss. Ang arte, Issa.

Pagkarating ko sa kwarto ay nilagay ko ang bagong rose sa vase na nasa study table ko. Ang mga dating rose ay medyo nalalanta na. Ang pinaka una nga ay lanta na talaga. Pero hindi ko inaalis do'n ang mga 'yon.

Pagkatapos ay binuksan ko naman ang drawer ko sa study table ko rin. Nilagay ko roon ang panibagong letter ni Vince. His letters from the past few days are all there. Iniipon ko.

Wala lang. Gusto ko lang... ipunin.

Meron na namang rose sa locker ko kinabukasan. Of course, there's also a letter. I took them and put them in my bag. Napapailing akong nagtungo sa cafeteria.

"Bumili na ako ng pagkain. Hehe..." si Sarah na nagsisimula nang kumain.

Tss. Lagi niya naman akong hindi hinihintay.

I was about to get up to buy food when Marco suddenly appeared in front of me. Bahagya akong nagulat. Nakangisi siyang tumingin sa akin at ngayon meron namang nginunguyang bubble gum, hindi na lollipop.

Sumulyap siya kay Sarah na nakaupo. Napasulyap din tuloy ako sa kanya. Nakita kong nanlalaki na ang mga mata niya habang nakatingin kay Marco ngunit agad ding kumunot ang kanyang noo.

Bago pa man makapag salita si Sarah ay bumaling na sa akin si Marco. Inangat niya ang dala dala niyang paper bag para sa akin. Kumunot ang noo ko roon.

Akala ko ba isang beses lang akong bibigyan ni Vince at hahayaan na akong pumili ng gusto kong kainin? Bakit meron na naman?

"Take it," si Marco nang hindi ko kunin.

Kinuha ko naman habang nagtataka pa rin. Muli siyang sumulyap kay Sarah bago mapaglarong ngumisi. Nginunguya niya pa rin ang bubble gum niya. Tumalikod siya sa amin at nagtungo sa malayong table kasama ang mga kaibigan niya.

"What the hell? Magkakilala kayo?!" bumaling agad sa akin ni Sarah pagka alis ni Marco.

Nagtaka ako sa reaksyon niya.

"Oo..."

Binaba ko ang paper bag sa tabi ko at umupo na ulit.

"Pa'no kayo nagkakilala? And why is he giving you that? Siya rin ba ang nagbigay sayo ng pagkain kahapon?" sunod sunod niyang tanong habang nakakunot ang noo.

She looks very pissed. Mas lalo akong nagtaka.

"Oo. Siya ang nagbigay pero..." naalala kong hindi ko pa nga pala nakukwento sa kanya ang tungkol kay Vince.

I sighed.

"Ano? Nililigawan ka?!" iritadong tanong ni Sarah.

"What? Hindi, noh!"

"E, ba't binibigyan ka niya ng ganyan? Hindi mo ba alam na playboy ang Marco na 'yon?!"

"You know him?" I asked, confused.

Napakurap kurap siya bigla, naitikom ang bibig at hindi ako nasagot.

"Uh..."

"Magkakilala kayo?" ngayon ako naman ang nagtatanong.

Forgotten Letters (Agravante Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon