KABANATA 39

502 14 5
                                    

Kabanata 39

Name

--

Umiiyak pa rin ako habang pabalik na sa resort. I can't believe it. Nag sink in na sa utak ko ang lahat ng sinabi ni Monica ngunit hindi ko matanggap. So he doesn't know me because he doesn't remember anything. And if he continues to see me, his memories may be ruined and he will never remember anything anymore!

Bakit kailangang mangyari 'to? Bakit sa lahat ng tao, siya pa? Bakit kailangang si Vince pa? At bakit sa lahat ng pwedeng saktan, bakit ako pa?

Oo, inaamin ko, hindi ako mabait. I have never been kind. I am cruel to people, to employees, to friends. I'm selfish. Inaamin ko lahat 'yon. Pero sapat ba lahat ng 'yon para parusahan ako ng ganito?

Masakit. Sobrang sakit. Mas lalo lang nadurog ang puso ko. Mas lalo lang nilukot na parang papel. Mas lalo lang nawasak.

Pero atleast buhay siya, 'diba? Mas mabuti nang ganito kesa sa 'yong hindi ako sigurado kung buhay pa ba siya. Atleast ngayon alam kong nasa maayos siyang kalagayan.

Pinunasan ko ang aking mga luha habang pumapasok sa resort. Mabuti nalang may sumbrero ako kaya naitago ko ang aking pag iyak. Hanggang sa makapanik ako at makalayo sa maraming tao.

He was in a coma for five years. Ang tagal no'n. I just want to go back in time and visit him in this place. Take care of him until he wakes up. Sana ako 'yong una niyang nakita pagkagising niya. Sana ako ang kasama niya habang wala siyang naaalala. Sana ako ang naglayo sa kanya sa lahat.

Pero nasasaktan ang ulo niya sa tuwing nakikita ako kaya mas mabuti na rin siguro talaga 'to. At isa pa, hindi ko na maibabalik ang nakaraan.

Hindi namin natingnan ang lugar na 'to noong hinahanap namin sila sa pinakamalalapit na isla kung saan lumubog ang barko. Medyo malayo kasi ang lugar na 'to do'n but still, sana pala tiningnan namin lahat ng isla. Kahit pa mapunta kaming Mindanao! Dapat tiningnan at chineck namin lahat!

Pero... siguro ginawa talaga 'yon para maligtas si Vince. Kung nahanap namin sila at nakita niya kami, his memories might be gone now. I don't really believe in destiny but maybe the destiny really did that so that he would still remember us one day.

Muntik na ako mapaupo sa sahig sa sobrang panghihina. Akala ko walang tao sa hallway. Puro pintuan na ang nandito at nasa may dulo pa ang villa ko. An arm held my wrist stopping me from falling.

Nagtama ang mga mata namin ni Vince. Sa pangatlong pagkakataon, nakita niya na naman na umiiyak ako. I quickly averted my eyes and helped myself stand up properly. I withdrew my arm he was holding. How I missed his touch but I know I should stay away.

"Thanks..." I said softly and tried to walk away na parang walang nangyari at parang hindi ko siya kilala.

Hinawakan niya ulit ang pulsuhan ko. Napabalik ako sa pwesto at bahagyang nagulat sa ginawa niya. Nagkaharap ulit kami. His serious eyes almost made my heart sank. Napasandal ako sa pader at halos malagutan ako ng hininga nang lumapit siya.

"What the hell are you doing?" mariin kong tanong at matalim siyang tinitigan.

"Sabihin mo lang ang pangalan mo at titigilan na kita," he said coldly.

Hawak niya pa rin ang pulsuhan ko. Binawi ko 'yon ngunit masyado siyang malakas at ayaw akong pakawalan! Nag aalala na ako na baka sumakit ulit ang ulo niya. I looked at him and saw that he was still serious and had no signs of a headache.

"I look like your boyfriend? Well, ikaw, pamilyar ka sa akin..." he said slowly.

Umawang ang bibig ko. Tinikom ko rin naman agad at matalim pa rin siyang tinitigan.

Forgotten Letters (Agravante Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon