KABANATA 21

443 8 0
                                    

Kabanata 21

Lunch

--

Hindi mapakali ang puso ko. Gusto kong umiwas. Gusto ko talaga! But something inside my head telling me to just go with the flow. To just go for it! To just do it! Again!

Ito ang pinaka nakakatakot, e. 'Yong kapag nagsama na ang puso at isip. 'Yong pareho na sila ng sinasabi. Na wala ka nang magagawa kundi sundin nalang ang lahat.

The saturday and sunday passed. Napaka bilis ng panahon para sa akin. Siguro dahil marami rin akong ginagawa. Hindi lang sa school kundi sa kumpanya na rin. Pinagpapahinga naman ako ni Lolo minsan pero sa tuwing hindi ko pahinga ay ang dami niyang pinapagawa!

I love doing all those things but... I groaned. Napapagod din kaya ako! Ayoko namang magreklamo dahil alam kong ito naman talaga ang dapat kong gawin. I chose it. At wala namang madaling trabaho. Lahat ng bagay, pangarap at gustong gusto mong makuha ay pinaghihirapan.

Monday came. Papunta ako sa locker ko para ilagay do'n ang napaka dami kong libro na dala. Hindi ko na kailangan 'yon kaya itatabi ko na.

I just stopped walking when I saw a man leaning next to my locker. He's wearing our uniform so that means he's studying here. May dala siyang isang paper bag at may subo na lollipop.

I glanced at my locker and saw another red rose stuck in there. My heart immediately pounded when I saw it. Naglakad ako palapit.

The man saw me. Umayos agad siya ng tayo at ngumisi. Inalis niya ang lollipop sa kanyang bibig.

"Louissa Agravante," he greeted.

"Hi," medyo nagtataka kong bati pabalik at huminto sa tapat ng locker ko.

"Marco," naglahad siya ng kamay.

Ilang sandali pa bago ko tinanggap 'yon dahil medyo nagtataka pa. He smirked after the handshake and lifted the paper bag he was carrying. Sinubo niya ulit ang kanyang lollipop. Napatingin naman ako sa paper bag.

"Vince wanted me to give this to you," he said.

Vince? Mabilis akong nag angat ng tingin sa kanya.

"Vince?" I echoed.

"Yup!"

Dahan dahan kong kinuha ang paper bag. Sinilip ko at natigilan nang nakita ang isang container na may lamang pagkain. May mineral water din do'n na mukhang malamig pa.

"Wait," sabi ko nang may napagtanto. "Are you a friend of Vince?" sabay tingin ko sa kanya.

He smirked. He looks so playful just like Vince. Hindi na ako magtataka kung magkaibigan nga silang dalawa. Ang pinagkaiba lang siguro nila ay ang itsura. Vince have a face like a bad boy, while this Marco in front of me looks like an angel, like some good boy from heaven but also looks like a devil at the same time.

"Well, yeah," he answered.

"And... are you also the one putting letters on my locker? And this rose?" turo ko sa rose sa locker ko.

He just chuckled at that and stepped back. Inalis niya ang kanyang lollipop sa bibig niya at pinang kaway 'yon sa akin, as if saying goodbye. Pagkatapos no'n ay tumalikod na siya at naglakad palayo, putting his lollipop again inside his mouth.

What the hell? Kunot noo ko siyang pinanood lumayo.

I glanced at my locker and just opened it. He's a little... weird, huh?

Kinuha ko ang rose at ang letter sa loob at pagkatapos nilagay ang mga 'yon sa bag ko. Dala ang paper bag ay nagtungo ako sa cafeteria para puntahan na si Sarah na paniguradong kanina pa naghihintay sa akin.

"Oh? Ba't may paper bag ka?" bungad niya pagkaupo ko palang sa lamesa.

Kumakain na agad siya.

"My food."

"Your food?" kunot noo niyang tanong. "Sino nagbigay?"

Tss. Alam niya agad na may nagbigay? Hindi ba pwedeng binili ko lang para sa sarili ko?

Sarah smirked as if she knows all my dirty secrets.

"What?" tanong ko.

"Sino nagbigay niyan, ha? Ikaw, ah! Wala ka nang sinasabi sa akin."

"Tss. May nagbigay lang."

"Sino nga?!"

"I don't know!"

"Sus. May pa-sikreto ka na ngayon, ah. Sige, ganyanan na pala ngayon, ah."

I chuckled a bit at that.

"Hindi na pala tayo magkaibigan. Sige, ganyan ka na. Hindi na rin ako magsasabi ng sikreto sayo. Lahat ng secret ko tungkol sa lovelife 'di ko na sasabihin sayo. Madaya ka..." nagpatuloy sa pagtatampo si Sarah habang tinatawanan ko lang siya. Alam kong nagbibiro lang siya.

Nilabas ko ang container na may lamang pagkain at ang mineral water. Binuksan ang container and it smells so good! It's a chicken omelette. This is one of my favorite foods!

"Mukhang masarap!" dumukwang agad si Sarah nang nakita ang laman para lang maamoy 'yon.

I smirked and took the letter I put inside my bag earlier. I opened it and saw Vince handwriting. I am already familiar with his handwriting. Ewan ko ba. I’m getting familiar with everything about him and I'm not liking it but...

'Hope you enjoy your lunch! Ngayon lang 'yan 'cause I don't wanna interfere with whatever you wanted to eat everyday. Ako nagluto niyan. Huwag mong itatapon! Masarap 'yan. At oo, alam kong napaka imposible at hindi ka siguro naniniwala pero marunong akong magluto! Alam ko agad iniisip mo, e...

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang ngiti. Nakita kong nanliit ang mga mata ni Sarah sa akin nang nakita niyang gano'n ang itsura ko ngunit hindi naman siya nanukso o nang usisa. She just continued eating her food while shaking her head.

'Anyway, mamaya nasa school niyo ulit ako. Let me see you, please. I wanna see you. So bad. - Vince.'

Alam ko sinabi ko nang pipigilan ko na at gusto ko nang umiwas. I can just ignore him and make myself busy with my studies and works. This isn't what matters right now that I am super busy with everything, isali mo pa ang trauma ko sa nangyari sa nakaraan. Kaya hindi na dapat ako umulit pa. At bata pa ako. Marami pa akong makikilala. And whatever this is, it can wait. If he truly likes me.

But that afternoon... after reading his letter... I smiled... for the first time.

Forgotten Letters (Agravante Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon