Kabanata 5
Sorry
--
"Nasaan sina Loreleil at Louissa?"
"Oh, they are a bit busy these days pero nandito lang sila sa bahay ngayon sigurado," I heard Monica answered.
"Really? Ipakilala mo naman kami!"
"I love Johanna's fashion pero mas gusto kong makilala si Louissa. Is she kind? She looks cold kasi. Parang hindi friendly."
"Hindi naman talaga siya friendly pero ang sabi ng Ate ko mabait daw 'yon! Kaklase niya."
"How about Loreleil?"
Narinig kong tumawa ang isa. "Asa ka pang papansinin tayo no'n. Ayos na sanang si Louissa or Elizabeth but Loreleil? I doubt it! I heard siya ang pinaka maldita sa lahat ng Agravante."
"Oh? I thought Elizabeth?" tumawa rin ang isa.
"Maldita rin 'yon pero mas mahirap paki samahan si Loreleil. She's not that very friendly! Masungit at parang ayaw na ayaw sa mga tulad natin."
"Elizabeth isn't really an Agravante."
"Nakakakuryoso naman si Nirvanna. She's the real one, right? Hindi ko pa siya name-meet."
Sumimsim ako sa aking tubig habang pinapakinggan ang mga sinasabi ng mga kaibigan ni Monica tungkol sa amin. I'm here in the kitchen and I could hear them talking from the pool.
Ngumisi ako. Hindi na nakakapanibago. Ayoko mang pinag uusapan nang ganito ang kapatid ko pero... totoo naman 'yon. Mas mabuti nang magpakatotoo.
Pero bakit ba interesadong interesado sila sa amin? We're not the only ones famous here. Marami pang iba kaya bakit laging kami? 'Cause nandito sila ngayon sa bahay namin? Sa bagay. Oo nga naman.
"Girls! Wala ba kayong balak mag swimming dyan? Come on! Join us!" I heard some boys shouted.
I lowered my glass of water and kinda peeked outside. Marami na naman sila roon. Monica's there, too. Hindi na talaga siya magsasawang magpunta rito. Napapagod nalang ako sa pagpapa alis sa kanya. Pinapa alis naman siya ni Lorie sa tuwing dito kami tatambay ng mga pinsan ko.
I also saw Vince in their group. Nakahubad ang kanyang pang itaas na damit at tanging shorts lang ang suot. May akbay siyang dalawang babae habang may hawak na juice sa kaliwang kamay. Tumatawa siya habang nakikipag kwentuhan do'n sa dalawang babae.
Nagtaas ako ng isang kilay. Humalukipkip ako at tumalikod na lamang doon. May mga gagawin pa akong projects sa kwarto ko.
Laging gano'n ang nangyayari tuwing sabado at linggo. Parami na naman nang parami ang mga dinadala ni Monica sa bahay. Minsan iba iba ang mga babaeng kasama niya ngunit ang mga lalaki ay halos pare pareho lang. Gaya ni Vince. Hindi siya palaging nawawala sa grupo ni Monica. I always see him here whenever they come, walang absent.
"Issa, hindi ba napa alis na sa bahay niyo si Monica?" Johanna asked as we walked to our classes. Kasama namin si Cassandra. Nakauwi na siya at pumupunta nalang dito sa school dahil pinipilit lagi ni Johan.
"Oo. Bakit?"
"Bakit pumupunta pa rin siya ro'n? Ako tuloy pinagbubuntungan ng inis ni Lorie, e."
I chuckled. "Hinahayaan nina Mom at Dad. Wala naman na akong pakialam do'n. Si Lorie, nabubwisit pa rin."
"Who's Monica?"
"Nothing!" sabay naming sagot ni Johan kay Cassandra.
"Huh?" kumunot ang noo niya sa amin.
BINABASA MO ANG
Forgotten Letters (Agravante Series #4)
Storie d'amore[COMPLETED] Louissa Agravante, the coldest and most feared of all the Agravantes, is very irritated with Monica Salazar, the daughter of her mother's friend, who is now dead because of an accident. Monica wants everything she has: family, friends, c...