Kabanata 42
Plan
--
Mabilis ang lakad ko papuntang sasakyan. Uuwi ako ng Manila. Wala akong sinabihan but I want to do everything on my own right now. Lalo na ngayong parang sasabog ang dibdib ko sa galit na nararamdaman.
Bakit alam ni Joaquin na buhay si Monica? Bakit alam niya ang tungkol kay Vince? May nangyari ba noon na hindi ko pa alam? Kasinungalingan lang ba ang mga sinabi ni Monica? O baka may isang bagay pa siyang hindi sinasabi sa akin?
Matinding galit ang nararamdaman ko para kay Joaquin. Kung matagal niya nang alam na buhay ang dalawa, bakit hindi niya sinasabi sa akin? Hiniling ba ni Monica sa kanya na huwag munang sabihin sa lahat para protektahan ang mga alaala ni Vince? Pero bakit may alam siya? Sa pagkakatanda ko, matagal na silang hiwalay ni Monica no'ng nangyari ang aksidente, bakit may alam siya?!
Ako mismo ang nagdrive papuntang Manila. Hindi ako nagtawag ng driver o bodyguards. Iniwan ko rin ang mga gamit ko sa aking villa at hindi pa ako umaalis doon dahil may balak pa akong bumalik. Gusto ko lang munang tapusin 'to.
Mabilis ang patakbo ko pero wala akong pakialam. Ngayon wala na ako ni isang hindi malalaman sa totoong nangyari noon.
Dumating ako sa malaking restaurant na napili kong pagkitaan namin ni Joaquin sa Manila. Nagpa reserve na siya ng private room. Giniya ako ng waiter sa kung nasaan siya at dere deretso lang ang lakad ko.
Binuksan ang pintuan. Bumungad sa akin si Joaquin na tahimik na naghihintay sa lamesang pandalawang tao lang. Dumeretso ako sa kanya. He immediately stood up when he saw me.
"I-Issa... maupo ka muna..." he said when he saw my burning eyes.
Umupo ako. Kanina pa ako nagpipigil nagdadrive palang ako. Nag iingat lang dahil baka mabangga. Ginawa ko ang lahat para hindi siya matingnan nang masama.
"Kumain ka na ba? Gusto mo bang--"
"Let's just get straight to the point," putol ko. "Bakit mo alam ang lahat lahat?"
He swallowed hard. Ilang sandali pa bago siya nagsalita.
"A-Alam mo na pala ang tungkol kay Monica. Pwede ko ba muna bang malaman kung paano mo nalaman?" tanong niya.
"Nakita ko sila. Sa Batangas kung saan ako nagbabakasyon ngayon."
Nagulat siya.
"Nakita ka ni Monica?" he asked shocked.
"Yes," I answered coldly.
"At alam mo na rin ang tungkol kay Vince? Na buhay din siya?"
"Yes," mas mariin kong sinabi, nawawalan na ng pasensya.
Para siyang biglang nataranta at hinawakan ang lamesa sa harapan namin para makausap pa ako nang maayos.
"Kung alam mo na ang lahat baka may posibilidad na ilayo niya ulit si Vince sayo! O sa pamilya niya!"
Kumunot ang noo ko.
"Issa, sinadya niyang pumuntang Amerika noon at sumakay ng barko para masundan si Vince. Wala sa planong lulubog ang barko pero iyon ang nangyari. Ang plano niya lang sana ay sundan si Vince hanggang Amerika--"
"Wait," pigil ko dahil sunod sunod at mabilis ang mga sinasabi niya.
Seryoso akong nag angat ng tingin sa kanya. Plano ni Monica na sundan si Vince hanggang Amerika? Kaya sumakay din siya ng barko kasi alam niyang doon din sasakay si Vince? Plano niya... pero ang sabi niya hindi niya alam na nasa barkong 'yon si Vince!
BINABASA MO ANG
Forgotten Letters (Agravante Series #4)
Romance[COMPLETED] Louissa Agravante, the coldest and most feared of all the Agravantes, is very irritated with Monica Salazar, the daughter of her mother's friend, who is now dead because of an accident. Monica wants everything she has: family, friends, c...