KABANATA 24

437 10 1
                                    

Kabanata 24

Friends

--

"Ano 'tong kumakalat, ha?" mukha ni Lorie ang bumungad sa akin pagkasara ko palang ng locker ko.

Medyo nagulat ako sa kanya. Kung saan saan sumusulpot 'tong isang 'to!

"What do you mean?" naglakad ako paalis, iniiwasan ang kung ano man ang sasabihin niya dahil parang alam ko na 'yon.

Nanunukso siyang sumunod sa akin.

"Kunwari ka pa! Sabi may nanliligaw daw sayo? Taga kabilang school? Sino 'yon? 'Di ko matandaan pangalan, e!" sunod sunod niyang sinabi.

"Tss. That's not important, Lorie."

"Anong not important, e binigay mo nga daw 'yong number mo?"

Kunot noo ko siyang tiningnan habang umuupo sa table dito sa cafeteria. Umupo siya sa harapan ko at sinakop ang buong table para lang makalapit at makadukwang sa akin.

"Oh, ano? Hindi ka naman basta basta nagbibigay ng number sa kung sino sino lang, ah? Ba't nagbigay ka raw ng number no'ng nakaraan?"

"Chismosa ka na ba ngayon, Lorie?"

"Gusto ko lang malaman!"

"Gusto mong malaman, e halos alam mo na lahat!"

Ngumisi siya at umayos ng upo.

"So, totoo nga? May nanliligaw sayo?" tanong niya.

"Tss. What's new?"

"Wow! Haba ng hair mo, ha!? Bakit? Lagi bang may nanliligaw sayo?" nagtaas siya ng isang kilay.

"Let's stop talking about that thing, Lorie! Kumain nalang tayo. Nasa'n ang iba?" pag iiba ko sa usapan.

Humalukipkip siya, nakangisi pa rin.

"It's just me. They're busy. Iniiba mo ba ang usapan?"

Damn this! Matalim kong tinitigan ang kapatid. Hindi ko alam na chismosa na rin pala siya ngayon! Akala ko wala siyang pakialam sa paligid niya. Sabagay. I am her sister so of course, she's curious about what is happening in my life. But I won't tell her about Vince! Saka nalang.

"Fine! I'll stop," she said and chuckled. "Where's Sarah?"

Nagkibit ako ng balikat.

"Baka papunta na."

"Sa kanya nalang ako magtatanong," ngisi niya.

Hindi pa rin talaga siya tumitigil!

"Tss. Stop it, Lorie! Hindi naman gano'n ka-importante 'yon, okay?"

"Oo nga. Gusto ko lang malaman kung sino ang lalaking 'yon na ma-swerteng nakakuha sa number mo," she smiled sweetly.

I rolled my eyes and just left her there. I went to the counter to buy food. Whatever! Alam ko namang kahit anong gawin ko, malalaman at malalaman niya ang tungkol kay Vince. Hindi naman sa ayaw ko talagang sabihin. I just can't say it myself, confess it myself and explain it myself.

Nahihiya ako... Tsaka ito ang unang beses na may lalaki ulit na nalapit sa pangalan ko pagkatapos ni Joaquin.

"Hey, what's up?" nagbeso si Sarah at si Lorie.

Umupo si Sarah sa tabi ko while Lorie is in front of us. May pagkain na kaming dalawa. Si Sarah kadarating lang.

"Natagalan ka yata?" si Lorie.

"Uh... may inayos pa ako sa building namin, e," she answered a little hesitantly.

Napansin ko 'yon pero hindi ko nalang pinuna.

Forgotten Letters (Agravante Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon