Kabanata 11
Stay
--
"Hindi mo talaga ako gagawan?"
"Hindi!" iritado kong sagot kay Vince.
Malakas siyang humalakhak. Napagtanto niya siguro na hindi pa rin malamig ang ulo ko sa kanya. I also don't know why am I so irritated!
Naiinis ako sa pinaparamdam niya sa akin. Ngayon lang ako kinakabahan sa harap ng isang tao kaya naiinis ako at naiirita ako! At hindi pa nakatulong ang pagiging mapaglaro niya. Mas lalo lang akong nabubuwisit.
"Why are you so mad? I'm not doing anything wrong!?" natatawang sinabi niya.
Tiningnan ko lang siya at hindi na nagsalita. Ayoko nang sumigaw. Hanggat maaari hindi ko hinahayaan ang sarili kong sobrang mairita. Kapag galit ako ay pilit ko 'yong pinipigilan para hindi ako sumabog.
"Look. I'm sorry, okay? Kung ano man ang nagawa ko, sorry. Sinabi ko lang naman ang crush ko. Bigla ka nang hindi makapag focus."
Hindi talaga siya nakakatulong sa pagtitimpi ko!
"Hindi naman kasi iyon ang dahilan!"
He laughed so hard as if this is exactly the reaction he wants to see! Kumunot ang noo ko at mas lalo pang nairita habang pinapanood siyang tumatawa.
"Damn... This is the first time I laughed so hard," he said while still laughing a little.
Inis kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Tumingin ako sa magandang dagat. Malakas ang hampas ng alon. Palubog na rin ang araw at kulay kahel na ang langit. Napaka ganda sanang tanawin kung wala lang nakakabwisit.
"Are you done?" Vince asked after a while.
Hindi ako sumagot. Oo, tapos na ako. Kanina pa. Pinilit ko lang magfocus kahit nasa tabi ko siya at ramdam na ramdam ang bawat titig niya.
Nang nilingon ko si Vince ay nakita kong may multo pa rin ng ngiti sa kanyang labi habang titig na titig sa akin. Pagod akong umirap at umayos nalang ng tayo galing sa pagkakasandal sa kanyang sasakyan. Nauna na akong maglakad papunta sa dalampasigan. I heard him chuckled behind me.
"Still mad?" naramdaman ko ang pagsunod niya.
"Gawin nalang natin 'to," tanging sinabi ko.
"Hindi mo manlang ba tatanungin kung sino ang sinulatan ko?"
I turned to him and smiled mockingly.
"I don't care."
He chuckled again. Hindi na yata siya magsasawang tumawa sa bawat sasabihin ko.
"Lola mo lang ang gagawan mo ngayon? Wala nang iba? Marami pa namang bote sa kotse."
"Kung umaasa kang gagawan kita, huwag na dahil hindi talaga."
Tumawa siya. "Hindi gano'n! Baka lang naman may gusto ka pang sulatan! Tss. You're such a bully."
"Bully?!" iritado ko siyang nilingon.
He smiled. "Just kidding."
Kunot noo ko siyang tinitigan pero sa huli ay inirapan. Umupo ako sa may alon. Syempre, hindi ako umupo nang tuluyan. Wala akong dalang extra na damit. Hindi ko hinayaang mabasa ang pang upo ko.
Ginaya ako ni Vince. Umupo rin siya at pinatong ang mga siko sa kanyang tuhod.
"Ready?"
Tumango ako. Sabay naming pinasok sa loob ng bote ang ginawa naming sulat at tinakpan 'yon pagkatapos. I smiled. Parang do'n palang gumanda ang mood ko.
"I wonder if may makakabasa nito?" tanong ni Vince habang nakatitig sa boteng hawak.
Nagkibit ako ng balikat.
"Maybe."
Bigla siyang natawa mag isa. I looked at him weirdly.
"Siguradong pagtatawanan ako ng kung sino man ang makakabasa nito."
Bigla tuloy akong na-kuryoso sa sinulat niya. At parang gusto ko na ring malaman kung sino ba ang sinulatan niya. Pero... hindi na ako nagtanong. Bumaling na lamang ako sa dalampasigan.
"Let's go. Let's do this," sabay tayo niya.
Tumayo na rin ako.
"Ihahagis ba natin?"
"Kung gusto mo," tumingin siya sa akin.
"Baka manatili lang 'to rito kung hindi natin ihahagis."
"Then, let's throw it away," mabilis niyang desisyon.
Ngumiti ako at tumingin sa boteng hawak. Gaya ng kay Daddy, simpleng sulat lang din ang ginawa ko para kay Lola.
Hi, Lola! I hope you're doing good out there. Always remember that I love you so much and I misses you everyday. Take care. Though, I know you are in good hands now so I shouldn't worry anymore but still... take care of yourself, La. I love you. - Issa.
Sabay naming hinagis ni Vince ang aming mga bote sa dagat. Pinagmasdan namin 'yong mawala sa ilalim ng tubig. Maya maya lulutang na rin 'yon. Kung may makakabasa man no'n, sana mabuting tao ang makabasa.
"Do you wanna stay for a while o uwi na tayo?" tanong ni Vince habang nakatitig pa rin ako sa harapan.
Masarap ang hangin dito. Maganda rin ang tanawin. Tahimik. At talagang makakapag relax ka.
Ngumiti ako.
"Mamaya na tayo umuwi."
Then, he nodded. Para siyang payag sa lahat ng gusto kong gawin.
"Ikaw? Ayos lang ba sayo na magtagal? Baka may gagawin ka pa?" puna ko.
He shook his head and smiled.
"I want to stay for a while, too."
BINABASA MO ANG
Forgotten Letters (Agravante Series #4)
Romansa[COMPLETED] Louissa Agravante, the coldest and most feared of all the Agravantes, is very irritated with Monica Salazar, the daughter of her mother's friend, who is now dead because of an accident. Monica wants everything she has: family, friends, c...