Kabanata 37
Name
--
Eugine del Rosario... I read.
Tinitigan ko ang pangalan niya sa list. Is this impossible? Hindi ba talaga siya si Vince?
Pero bakit malakas ang pakiramdam ko? Bakit sinasabi ng puso ko na siya 'yon? Na siya ang lalaking mahal ko? Na siya si Vince. Siya ang taong matagal ko nang gustong makita. Siya 'yon!
I don't know what to feel at that moment. I almost crumpled the paper because of my trembling hands. And then suddenly, my phone rang. Tiningnan ko at nakitang si Lolo tumatawag.
I sighed heavily. I returned the list to the manager and answered Lolo's call. Kinumusta niya lang ako. Sinabi kong ayos lang ako at aksidente lang ang nangyari kagabi. Hindi ko napansin na marami na akong nainom. Pinagsabihan niya ako kahit matanda naman na ako at kaya nang protektahan ang sarili. Pero tama pa rin naman. Gumawa ako ng eskandalo kagabi.
Doon ko lang din napagtanto na nakakahiya 'yon. Damn it, it was a formal party! At halos lahat ng guests ay kilala ako! Ano nalang ang sasabihin nila? Na lasinggera ako?
Shit. You are so irresponsible, Louissa.
Pero nawala rin 'yon sa isip ko nang dumating ang mga pinapunta kong tauhan. Hapon na sila dumating. Sinabi ko agad ang mga kailangan ko at sinabi ring kailangan ko nang malaman ang lahat lahat sa lalong madaling panahon.
"Madali lang 'to, Ma'am. Maipapangako namin na mamayang gabi rin ay ibibigay namin sayo ang mga kailangang pangalan."
Kaya naman nang nag gabi na ay naghihintay ako sa party. Nakakahiya pa rin ang nangyari kagabi pero nabawasan naman ang kahihiyan ko dahil wala namang tumawa sa akin. Kinamusta pa nga ako ng iilan. But it's still a little embarrassing, really.
I am an Agravante. I should behave. I should control my actions and emotions! Damn it.
Umuwi na si Sarah. Pero nandito naman si Marianna at kinamusta niya rin ako. Kinwento niya sa akin kung paano niya ako hinatid kagabi sa villa ko. Nagsorry ako sa kanya at mas lalo lang akong nahiya. Sobrang nakakahiya ang nangyari. But she said it's okay.
Naghihintay ako ng tawag. Nawala na talaga sa isip ko ang mga nangyari at ang kahihiyan. Nakikipag usap pa rin naman ako sa mga matatanda ngunit 'yong utak ko nasa kung nasaan na ang mga tauhan ko at ano ano na ang mga nalaman nila.
Busy rin ang mga mata ko sa paghahanap sa malaking venue. Maraming tao ngunit hindi ko mapigilan. Nagbabaka sakali na waiter ulit 'yong lalaki rito.
Nandito kaya ulit siya? Waiter siya kagabi kaya dapat waiter din siya ngayon. Tatlong araw ang gathering na 'to kaya tatlong araw din dapat sila... hindi ba?
I look so stupid looking around but I want to... see him again.
Bumuntong hininga ako nang napagod sa paghahanap. Sa laki ng venue na 'to ay siguradong hindi ko siya makikita. Lalo na at nandito lang ako sa iisang table, kasama pa rin si Marianna at ang iilang matatanda ngunit busy na sila sa kanya kanya nilang kausap.
Pero kagabi ay nasa malapit ko lang siya, ah? I sighed when I realized I'm getting distracted. I should be talking to big people for good investing. What the hell am I doing?
Nagpasya akong makihalubilo na lamang sa kanila. Hindi pa rin mapigilan ng mga mata ko na mapalingon sa mga dumadaang waiters sa banda namin ngunit ngayon ay mas attentive na ako sa mga tao.
Tatlong oras na pakikipag usap sa lahat ng bumabati ay napagod ako. Kumuha ako ng juice, hindi na wine dahil baka makagawa na naman ako ng eskandalo. Damn, naalala ko na naman 'yon. So embarrassing, Louissa.
BINABASA MO ANG
Forgotten Letters (Agravante Series #4)
Romansa[COMPLETED] Louissa Agravante, the coldest and most feared of all the Agravantes, is very irritated with Monica Salazar, the daughter of her mother's friend, who is now dead because of an accident. Monica wants everything she has: family, friends, c...