KABANATA 36

444 8 1
                                    

Kabanata 36

Coincidence

--

How I miss him so much. Walang araw na hindi ko pinagdasal na sana makita ko ulit siya. Walang araw na hindi ko pinagdasal na sana makita ko ulit ang ngiti niya. Na sana mahawakan ko ulit siya. Na makasama ko ulit siya.

Sa loob ng labing isang taon, binabalik balikan ko ang mga lugar kung saan kami nagpunta. Sa mall man, sa dagat, sa school, sa kahit saan. Sa loob loob ko may nagsasabi na kalimutan ko na siya dahil napaka imposible na. Labing isang taon na ang lumipas. Dapat mag move on na ako. Pero hindi. Ayoko. Ayoko siyang kalimutan.

His letters and roses... are still with me. Wala akong pakialam kung halos buhangin na ang mga roses na 'yon. Nakatabi pa rin sila sa loob ng condo ko.

I don't want to forget every bit of him. Dahil naniniwala pa rin ang puso ko na buhay pa siya at babalik sa akin.

Now that I'm seeing him now... in front of me... parang gustong sumabog ng puso ko sa sobrang saya. Hindi panaginip ang lahat. Nandito siya. Nandito si Vince.

"Ma'am?"

Doon lang ako natauhan. At doon ko lang din narealized na nangingilid na pala ang luha sa mga mata ko at kitang kita niya 'yon.

Nag iwas ako ng tingin at tumalikod sa kanya. "Pakipasok nalang."

I wiped away my tears. Hindi ko alam kung bakit hindi niya ako kilala. Siya si Vince, alam ko. Sigurado ako. Siguro kamukha niya lang pero iba ang pakiramdam ko.

Siya si Vince.

"Nasaan ba 'yong ano ko--Issa!" Sarah came out of the bathroom.

Ngunit nasa pintuan pa lamang siya ay natigilan na siya at nalaglag ang mga bulak at kung ano ano pang hawak niya. Suminghap siya. Her eyes widened and she covered her mouth while looking at the man behind me.

"Vince?!" she screamed.

Pumikit ako nang mariin. Humarap ako sa lalaki at nakita kong nagtataka siyang nakatingin kay Sarah. He looked at me and stared at me for a moment. I stared at him too.

"Oh my gosh! I-Issa..." biglang napalapit sa akin si Sarah, tila natatakot habang nakatingin kay Vince.

"Vince?" the man asked.

Kumalabog ang puso ko at parang mawawarak 'yon. Sa tanong niya ay parang hindi niya alam ang pangalan niya. Hindi siya si Vince?

Napatingin sa akin si Sarah. Hindi naman ako makatingin sa kanya. Nanatili ang titig ko sa lalaking kumunot na ngayon ang noo.

Kamukhang kamukha niya talaga si Vince. Simula sa mata, sa ilong, sa bibig, pilikmata, sa laki ng katawan, sa tangkad... At ang matagal ko nang hindi nararamdaman ay nararamdaman ko na ulit ngayon.

He feels like Vince. Like Vince is here. I don't know if it's just because he looks exactly like Vince but... I feel home. Almost home.

"Ma'am... last night you also called me Vince. I thought you were just mistaken because you were drunk. Pero po ngayon..." natigilan siya sa pagsasalita.

His forehead furrowed and his head tilted slightly, pumikit siya na tila may sumakit na kung ano sa kanya.

Bahagyang nanliit ang mga mata ko habang tinititigan siya.

"H-Hindi ikaw si Vince?" si Sarah na hanggang ngayon hindi makabawi sa gulat.

Dahan dahang dumilat ang lalaki at nag angat ng tingin sa amin. He looked at me. His eyes narrowed. Para siyang may tinitingnang mabuti sa akin. Para akong magulong puzzle na pilit niyang pinagtatagpi tagpi.

Forgotten Letters (Agravante Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon