Kabanata 32
Party
--
"Good evening po, Ma'am," nginitian ako ng kasambahay at pinapasok ako sa loob.
"Si Tita?" tanong ko.
"Nasa loob po at hinihintay na kayo. Nagpahanda po siya ng dinner para sainyo."
Tumango ako at pumasok. Ang malawak na bakuran ng mga Villarba ay napaka gandang pagmasdan. Punong puno ito ng halaman at mga bulaklak. Sa gitna ay may napaka laking fountain pa. I smiled because that's my favorite part of their house; the fountain.
"Hello, hija. Good evening..." Tita Lourinda smiled immediately when she saw me.
Hinihintay niya pala ako sa sala. She's in a wheelchair, tinutulak ng isang kasambahay niya. I smiled back and bowed a little to kiss her cheek.
Tinitigan ko si Tita. Mahigit isang buwan siya no'n sa ospital. Isang linggo rin kasi bago siya nagising. Naputulan siya ng isang paa dahil sa trahedya. Dahilan kung bakit matindi ang sakit na naramdaman niya. Idagdag mo pa ang nag iisa niyang anak na hindi pa rin nahahanap.
Hindi naging maganda ang relasyon nila noon. She hated Vince. Hindi niya gusto na engineering ang kinuha nitong course imbes na gaya nilang abogado sana. She regretted it so much. She cried for so many months. I tried to comfort her with all of me. Kahit sobra rin akong nasasaktan.
I felt her pain. I felt how miserable she was, until now. Siguro ngayon nakakangiti na siya dahil maraming taon naman na ang lumipas. But I know deep inside she's still hurting. And I also know that like me, she's still hoping that one day, Vince will come back.
"I hated him for a petty thing. Hindi ako naging mabuting ina..." umiling si Tita habang nakaupo siya sa kama ng ospital. "Hindi niya ako kailanman sinuway kaya hindi ko matanggap na hindi niya ako sinunod sa gusto kong aralin niya sa college. I wanted him to know how disappointed I was with him so I showed him that I hate him. It was the biggest mistake of my life. He has never been a bad son..."
She cried. Tumulo rin ang mga luha ko habang nakikinig sa kanya.
"Kung sana sa eroplano nalang kami sumakay. Hindi ko alam kung bakit sa barko ko pa pinilit! O sana hindi ko nalang siya hinayaang sumama sa akin. Sana pinilit ko nalang siyang sumakay sa eroplano! Sana..." humikbi siya. "Sana ako nalang..."
Tumayo ako sa upuan at niyakap siya. I can't imagine how painful it is for her. Her own son was still not found.
We checked the near islands where the tragedy happened. We checked the hospitals. The houses. The barangays. But we found nothing. Vince is not on those islands.
Pareho kong dinamayan si Tita at si Mommy. My mother was so miserable, too. Habang tumatagal na hindi nakikita si Monica, mas lalo siyang nagmumukhang stress at pagod. Ginagawa naman ng mga Agravante ang lahat pero... wala talaga.
"She said she wanted to get away. Nakiusap siya sa akin na kung pwede sa America ko nalang siya pag aralin. I agreed dahil kaya ko naman siyang pag aralin doon. Mas makakabuti rin siguro 'yon dahil baka mas maging better siya kapag doon siya nag aral..." si Mommy habang umiiyak.
I just listened to her.
"I asked her why she wanted to ride a ship. Pwede namang mag eroplano nalang siya para mas mabilis. She said she loves the ocean kaya wala na rin akong nagawa. I never thought this would happen..."
I gritted my teeth. She wants to study in America? Bakit parang hindi ako kumbinsido roon? Gusto niyang umalis na alanganin ang school dito?
Nagkataon lang ba na sabay sila ni Vince, parehong araw, at parehong barko?
BINABASA MO ANG
Forgotten Letters (Agravante Series #4)
Romance[COMPLETED] Louissa Agravante, the coldest and most feared of all the Agravantes, is very irritated with Monica Salazar, the daughter of her mother's friend, who is now dead because of an accident. Monica wants everything she has: family, friends, c...