KABANATA 18

487 8 0
                                    

Kabanata 18

Every Day

--

Hindi na nagpakita pa si Monica sa bahay kahit sabado at linggo. Pumayag sina Mommy at Daddy doon because they think it's already too much. Pinalagpas nila ang paggamit ni Monica sa mga importante naming gamit ni Lorie but this? Hindi na. It's already too much. Masyadong lumaki ang ulo niya.

Pero pinagsabihan pa rin kami nina Mom at Dad. Lalo na si Lorie. Pinagalitan nila siya sa inakto niya sa harapan ni Monica. Sabi nila kahit gano'n na ang nangyayari, pigilan pa ring magalit at piliting maging mabait.

Madali lang para sa akin magpigil ng galit. But for Lorie? Imposible pa sa imposible 'yon. Hindi siya marunong magtimpi.

Umayos ang pamilya namin sa mga sumunod na araw. It became quiet when Monica disappeared. Lorie went back to being sweet to Mom and Dad and even to me.

I don't know where Monica is now. Siguro naman hindi binawi sa kanya nina Mom at Dad ang condo namin. Hindi 'yon gagawin nina Mom at Dad. Siguro pinalayo na muna talaga siya. Hindi na muna siya pwedeng pumunta rito sa bahay. They want her to learn. Ewan ko nalang sa mga binibigay nilang pera. Baka binawasan nang kaunti.

Joaquin:

Good morning, Issa!

I sighed when I read Joaquin's text early in the morning and I just woke up. This isn't the first time he's texted me. Simula yata no'ng nagkausap kami sa basketball court, sinimulan niya na akong i-text nang i-text kada araw. Hindi naman ako nagre-reply.

Joaquin:

Are you gonna eat lunch with your cousins? If not, sana tayo nalang mag sabay. :)

Binalewala ko ang cellphone ko at nilipat sa kabilang page ang binabasa ko sa libro. Nandito ako sa library. Walang kasama. Maya maya pa ang klase ko kaya naisipan kong pumunta. May mga klase kasi ang mga pinsan ko at si Sarah.

Joaquin:

May klase ka ba ngayon? Anong oras ka walang klase? Baka parehong oras 'yong wala nating klase.

Umirap ako. Binalewala ko ulit ang mga messages niya. Ilang beses pa 'yong nag vibrate pero hindi ko na tiningnan.

Ilang minuto pa ako sa library hanggang sa oras na ng susunod kong klase. Umalis ako at naging busy ulit. Tahimik lang ako lagi sa klase, minsan lang makipag usap sa mga kaklase. Hindi rin kasi malapit sa akin ang iba. I don't know why they are very scared at me.

May kausap lang ako sa tuwing kaklase ko si Sarah. Syempre siya lang ang pinaka malapit kong kaibigan. My old friends, I don't talk to them anymore. They turned their backs on me just because of Monica's gossips about me.

"Hey, Louissa!"

I saw Joaquin running towards me with a smile on his lips. Inaayos ko ang bag ko.

"Hey..." bati niya sabay ngiti.

"Anong ginagawa mo rito?" malamig kong tanong.

I just came out of the classroom. I'm going to my next class now and I don't want to be late.

"Uh, I just want to ask if you read my messages? You're not replying," naninimbang niyang tanong.

"Yes," sagot ko sabay halukipkip.

"Oh! Uh, busy ka siguro," pilit siyang tumawa. "Do you have a class today? Ako kasi wala. Yayayain sana kita sa cafete--"

"I have a class. Sorry but I'm busy," sabi ko at nilagpasan siya.

"W-Wait, wait, Issa!" he grabbed my arm.

Iritado akong bumaling sa kanya. Agad niya akong binitawan. Nakita ko ang pagtingin ng iilang students sa amin.

Forgotten Letters (Agravante Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon