Kabanata 26
Masters
--
Kapag masaya ka, hindi mo mamamalayan ang oras. Parang kailan lang ang saya ko pang cine-celebrate ang new year, now it's already May. Bakasyon at magpapasukan na sa June.
Ilang buwan na akong nililigawan ni Vince. Paminsan minsan niya akong niyayayang lumabas sa dalawang buwan na bakasyon na 'yon. Nagpakilala na rin siya sa mga magulang ko at sinabing nanliligaw siya sa akin.
I actually didn't expect that from him. Kahit naman masaya ako at gusto ko na siya, hindi pa rin nawawala sa isipan ko na playboy siya at magaling maglaro o... magpanggap. Natatakot pa rin ako at hindi pa siya kayang pagkatiwalaan nang buo.
Pero nang ginawa niya 'yon, pormal na nagpakilala sa parents ko, medyo namangha ako at gumaan ang loob ko. Sabi ko, siguro nga nagbago na siya.
Pero may nagsasabi sa isip ko na kailangan ko pa ng time. Time para makayanan ko na ulit magtiwala sa iba.
Tingin ko 'yon nga ang kailangan ko. Lalo na at playboy talaga si Vince. Hindi ko naman siya hinuhusgahan at masasabi ko naman talagang nagbago na siya. He's always texting me and always want to know whatever I am doing. Kahit kakasama lang naman namin kanina. Hindi siya matigil sa pangungulit sa akin at hindi talaga titigil hanggat 'di nalalaman kung anong ginagawa ko. But if I say it's private, he will respect it and will not force me anymore.
Pero may isang bagay lang talaga sa akin na hindi pa kayang magtiwala. I need more time.
My Mom and Dad agreed with Vince. Mom likes him, actually. While he's fine with Dad and Dad didn't say anything anymore. Basta Vince is fine with him, sabi niya.
I smiled. But I know my smile will still look like I'm not smiling. It's a cold smile, my cousins said. Nakikita ko rin naman ang sarili ko sa salamin kaya masasabi ko ngang... parang hindi rin ako ngumingiti sa tuwing nakangiti.
Kapag din masaya ako, parang hindi naman ako masaya. Ewan ko. My eyes are giving it away. Hindi ko na mabago ang mga mata kong parang tamad na tamad tumingin sa isang bagay.
Wearing a white off shoulder longsleeve top, jeans, and sneakers, bumaba ako sa sasakyan ko at tiningnan agad ang phone para sabihin kay Vince na nandito na ako sa mall. We'll have a date today. Hindi na ako nagpasundo dahil gusto kong gamitin ang sasakyan ko. Matagal ko nang 'di nagagamit 'yon dahil sa kanya.
Tuwing nagda-date kami ng ganito, syempre ang sasakyan niya ang ginagamit, hindi ang motor. Hindi ko yata kakayaning sumakay do'n. Gusto kong subukan pero ayaw ni Vince dahil mukha raw akong takot. Hindi niya na pinilit.
Vince:
Pupuntahan kita.
Kumunot ang noo ko.
Louissa:
Huh? E, nasa parking pa 'ko. Ako nalang ang pupunta sayo. Sa'n ka ba?
"I'm here," biglang may nagsalita.
Napalingon ako do'n at nakita si Vince na may ngisi agad sa labi. He's wearing a plain black t-shirt and faded jeans. Naamoy ko agad ang madalas niyang mabangong amoy. He walked towards me while looking at my body. May napaka gwapong ngiti pa rin sa labi. Hinarap ko naman siya at nagtaas ako ng kilay.
Hindi ko talaga alam kung bakit sa lahat ng lalaki, siya ang nagustuhan ko. Sa tinagal tagal ng panahon after my last break up. Siya pa talaga na playboy, huh, Issa?
Halata sa itsura niya ang pagka playboy. His jaw was very define. Kitang kita at malaki. Makapal ang kilay at madilim ang mga mata, para bang walang seseryosohin at unang tingin palang talaga, alam mo agad na he's just up for a game.
BINABASA MO ANG
Forgotten Letters (Agravante Series #4)
Romance[COMPLETED] Louissa Agravante, the coldest and most feared of all the Agravantes, is very irritated with Monica Salazar, the daughter of her mother's friend, who is now dead because of an accident. Monica wants everything she has: family, friends, c...