Kabanata 2
Letter
--
Indeed, Monica left. Mom and Dad also transferred her out of school. Hindi na siya mag aaral sa Georgina University kung saan ako nag aaral. Of course I won't allow her to study at our school. Hindi bagay ang isang basura na kagaya niya sa school ng mga Agravante.
Nagkahiwalay din sila ni Joaquin dahil doon. Malayo na sila sa isa't isa at hindi ko na inalam kung paano pa sila nagkikita. Wala na akong pakialam. I still love Joaquin but I'm trying to move on. I'm trying to forget him. Tama na 'yong kinaawaan ko nang sobra ang sarili ko.
"College ka na!" tili ni Lorie pagkatapos ng graduation ko as a high school student.
Ngumiti ako. Niyakap namin ang isa't isa at pagkatapos bumaling na sa mga bisita sa munting handaan para sa pag graduate naming dalawa ni Johanna dito sa bahay namin.
Johanna is the first born of the Agravantes. Siya ang pinaka matanda sa aming lima. Magkasing edad lang kami pero mas matanda pa rin siya ng limang buwan.
She's the most playful of the five of us. Palaging may boyfriend, hindi nawawalan. Ang daming nabibihag na mga lalaki at ilang balde na rin sigurong luha ang pina agos niya.
She's the first born but she's also the one who's not interested in our business. She likes music. She loves to sing. Hindi naman 'yon big deal sa amin dahil nandito naman ako at si Elizabeth. We both like business pero ang alam ko gusto rin ni Eli ang modeling. I don't know.
While Loreleil, my younger sister, is the most moody. Minsan masungit, minsan mabait, minsan makulit, at minsan madaldal. Pabago bago ng mood kada minuto. Ewan ko ba.
Michelle, on the other hand, the soft girl, is the younger sister of Johanna. I don't know but they are very different. Mahiyain, mahinhin at inosente si Mina. Habang si Johanna ay parang nakakawala lagi sa kural. Laging naka party, laging may boyfriend, laging masigla, at parang walang problema sa sobrang hyper niya.
"Congratulations, anak!" niyakap ako ni Mommy.
"Thanks, Mom."
"I have a gift for you," si Daddy naman at ngumiti rin sa akin.
"Really?" gulat kong tanong. "What is it, Dad?"
Inangat niya ang kanyang kamay at nakita ko roon ang isang susi. Nanlaki ang mga mata ko at parang maiiyak dahil alam ko agad kung ano 'yon!
"Oh my gosh! Thank you so much, Dad!" niyakap ko siya agad.
Nakangiti kaming pinapanood ni Mommy at ng iba ko pang pinsan doon. Nandoon din si Lolo.
"As long as you're being careful. Babawiin ko 'yan sayo kapag naging pabaya ka."
"Yes, Dad!"
We ate foods after that. Marami kaming ginawa. Maraming nag-congratulate sa akin. We talked about so many things. We danced. We sang. We had so much fun!
Hanggang sa nag college na nga ako. I got so busy. Wala na akong panahon para mag aksaya pa ng oras sa ibang bagay.
Monica comes to our house every Saturday and Sunday. She even brings her friends because she obviously wants to annoy me but I didn't care. Tinuring ko siyang parang hangin dahil may mas importante pa akong ginagawa.
"I'm sorry. Hindi ko--"
Pinulot ko ang aking mga libro at tiningnan ang nakabangga. When I saw her, Lola immediately came to my mind.
She looks exactly like my grandmother, that's the first thing that came to my mind.
Natigilan ako no'n dahil hindi ko talaga inasahan na makakatagpo ako ng isang babaeng kamukhang kamukha ng pinaka mamahal kong Lola. I have a picture of her when she was a teenager and she looks exactly just like this girl. I don't know but I felt weird.
BINABASA MO ANG
Forgotten Letters (Agravante Series #4)
Storie d'amore[COMPLETED] Louissa Agravante, the coldest and most feared of all the Agravantes, is very irritated with Monica Salazar, the daughter of her mother's friend, who is now dead because of an accident. Monica wants everything she has: family, friends, c...