Kabanata 27
Scene
--
The days just went by fast. Kasisimula palang ng klase ay marami na agad ginagawa. Nung una medyo maluwang luwang pa ang schedule ko pero pagkatapos ng isang linggo, dumarami na nang dumarami ang ginagawa ko.
Siguro dahil last ko na 'to. Huling taon ko na 'to sa college at kailangan ko pang pagbutihan. Especially now that I’m also starting to work at Lolo's company.
Napili kong kay Lolo magtrabaho dahil bukod sa do'n ako nasanay, gusto ko rin siya makita palagi. Tumatanda na ang Lolo namin. Maputi na ang buhok at medyo may kulubot na ang mukha. Pare pareho lang naman ang business ng mga Agravante pero siguro sa susunod na ako magtatrabaho kina Daddy. Kay Lolo muna ako.
Sumasali na ako sa mga meetings minsan. Pero nakikinig lang ako. Hindi ako nakikialam. Minsan pinagsasalita ako ni Lolo at hinihingi ang opinyon ko. I'm a little nervous but at least I can voice out what I want to say or what are my suggestions on what they're talking about. Nasusulyapan ko lagi si Lolo na nakangiti akong pinapanood. As if very proud.
Masaya. Nae-enjoy ko. Siguro dahil ito naman talaga ang nakatakda kong gawin balang araw. I'm happy.
Kay Vince naman, nagpapatuloy pa rin siyang manligaw. At dahil nagsimula na naman ang pasukan, may mga letters at roses na naman akong natatanggap galing sa kanya. Lanta na ang mga naunang roses na binigay niya pero nakatabi pa rin 'yon sa kwarto ko. Binilhan ko na ng vase para lalagyan.
Tinutukso na ako ng mga pinsan ko dahil nalaman ang tungkol kay Vince. Hindi naman ako nagsasalita o nagkukwento. I don't usually talk about what's going on in my life. Lalo na kung ang bagay na 'to. Nahihiya ako at... kailangan pa bang ikwento sa kanila ang mga gano'ng bagay? Hindi ba pwedeng... sa akin nalang 'yon? Ngumisi ako.
We're all close, alright. We tell secrets to each other. It's just that... hindi ko talaga kayang ikwento sa kanila 'to. Pero hindi ko naman sinisikreto. At alam kong alam na rin naman nila! Isa rin sa dahilan kung ba't 'di na ako nag abalang magkwento talaga.
Unti unti ko na ring natanggap na aalis na nga siya. It's fine. It's really fine. Naisip ko na aalis din naman ako. And maybe... I can do it even if he's too far away? I don't know. Basta ang naiisip ko lang, aalis din naman ako. At kahit hindi ako aalis, hindi naman ako pwedeng magalit nalang nang dahil lang aalis siya. It's his masters. Naiintindihan ko.
"Projects?" Joaquin raised an eyebrow at the portfolios I was carrying.
I glanced at him before turning my eyes to my locker.
"Yeah," I said and put all of my portfolios inside.
"Ang dami mo talagang ginagawa. Ang sipag sipag. And I heard, you're already working for your company?" pumamulsa siya at sumandal sa gilid ng mga lockers, paharap sa akin.
"Uh-huh."
"You're probably busy everyday. I don't always see you at school anymore. Ngayon nalang ulit."
"Yeah. Busy na talaga ako these days," sabi ko habang tinitingnan ang isang libro ko, nakabukas pa rin ang locker.
"Mind if I join you for lunch today? O baka sa library ka ulit?" anya dahil tinanggihan ko siya no'n kasi nga pupunta akong library. Kumain naman na ako no'n at kailangan ko talagang mag aral.
Sinulyapan ko siya. Gano'n pa rin ang posisyon niya, nakapamulsa at nakaharap sa akin, nag aabang ng sagot. Eventually I nodded and closed my book. Sinarado ko na rin ang locker ko dahil tapos nang mag ayos.
Ngumiti si Joaquin at sabay na kaming naglakad papuntang cafeteria.
Wala namang masama. Magkaibigan naman kami, 'di ba? At hindi na siya palaging nanggugulo. He's not that annoying anymore. He really meant what he said that he will just treat me as his friend and he knows his limitations. Hindi na rin siya palaging mangungulit and I'm happy somehow. Atleast tinupad niya ang sinabi niya. I won't give him another chance anymore.
BINABASA MO ANG
Forgotten Letters (Agravante Series #4)
Romance[COMPLETED] Louissa Agravante, the coldest and most feared of all the Agravantes, is very irritated with Monica Salazar, the daughter of her mother's friend, who is now dead because of an accident. Monica wants everything she has: family, friends, c...