KABANATA 28

398 9 1
                                    

Kabanata 28

Talk

--

Tanga na ba ako? Tanga na ba ako sa pag ibig? Masyado na ba akong tatanga tanga?

Nando'n pa rin sila. Yakap yakap pa rin ni Monica si Vince at hindi ko makita ang mukha niya. While Vince is just standing there, arms down and looking at the sky.

Nakita niya ako pagkababa ng kanyang ulo. He was about to push Monica away from him but he saw me. Halata ang pagkakatigil sa mukha niya. Mabilis niyang tinulak si Monica at naglakad papunta sa akin. That's when I saw Monica's face. She's crying. And that's not the cry I always see in her. Iyak 'yon na para bang talagang nasasaktan siya.

Hinawakan ni Vince ang braso ko pagkalapit niya palang sa akin. Nanatili akong nakatayo roon habang hawak hawak ang payong. Nagkatinginan kaming dalawa. Kahit madilim ay nakita ko kung paano agad agad nanimbang ang kanyang mga mata. Nagsusumamo na para bang may gustong sabihin ngunit hindi magawa.

"Issa--" bago pa siya makapag salita, sumigaw na si Monica.

"Siya ang pipiliin mo, Vince? Pagkatapos ng lahat?" umiiyak niyang sambit.

Bahagya siyang lumapit sa amin. Kahit na umuulan ay parang wala lang 'yon sa kanya. Basa na rin si Vince dahil sa pagpunta sa akin.

"Simula palang tayo nang dalawa! Nakilala mo lang siya! Ako naman talaga ang gusto mo! Ako ang girlfriend mo!" sunod sunod niyang sigaw.

"What the hell are you talking about, Monica?" galit na humarap si Vince sa kanya.

I remained standing there, staring at the two of them.

"I was your girlfriend! Nakilala mo siya tapos ano? Iniwan mo ako?! Ako 'di ba ang nililigawan mo? Sinagot kita kahit alam kong playboy ka! Tapos sa huli iiwan mo lang din pala ako?" pulang pula na ang ilong at mga mata ni Monica sa kakaiyak.

"What the hell--"

"At talagang si Louissa pa, ah? Alam mong kapatid ko siya!" sigaw pa ni Monica.

Umiling si Vince at hinarap ako. Hinawakan niya ang mga braso ko at handang handa nang magpaliwanag. Hindi lang siya makapag salita dahil sa sunod sunod na mga sigaw ni Monica. Kaya sa mga mata niya nalang ako kinausap. Mga mata niyang tila sinasabing huwag akong maniwala sa mga sinasabi ni Monica.

"Ano? Pagkatapos ko, si Issa naman? Playboy ka! Sabi mo mahal mo ako!"

"Please... Let's just go. I don't know what she's saying," Vince whispered to me and pulled my arm.

Ngunit hindi ako maka alis. Parang napako ang mga paa ko roon. Monica then punch Vince over and over again dahilan para madamay na rin ako at bahagyang masaktan. Lalo na at hindi ako binibitawan ni Vince. Nilagay niya ako sa likuran niya habang hindi pa rin binibitawan.

"Stop it, Monica! Nababaliw ka na ba?!" galit niyang singhal.

"Manloloko! Umaakto ka pang mahal na mahal mo ako tapos--"

"Monica, ano ba? Ano bang pinagsasasabi mo?" Vince looked pissed and confused at the same time.

"Pumili ka! Ako o siya?" tinuro ako bigla ni Monica.

"Monica, what the hell? Alam mong--"

"We've been together ever since! You just met her. She just came! I am your girlfriend but when she came you suddenly broke up with me! Asshole!"

"What the fuck--"

Inalis ko ang braso ko sa hawak ni Vince. Hindi ko na kaya. Agad siyang natigilan at nilingon ako. Sinubukan niya akong hawakan ulit.

Forgotten Letters (Agravante Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon