Kabanata 34
Familiar
--
Dinala lang ang lunch ko sa aking villa nang magtanghali na. Pagkatapos kumain ay bumaba ulit ako para makisalamuha sa mga guests sa party. Naabutan ko silang nagsuswimming sa pool sa ibaba at ang iba ay sa beach. Ang iba naman ay patapos palang kumain sa restaurant.
Nakipag usap ulit ako. Medyo mahaba habang pag uusap 'yon kesa sa inakala ko. Marami ulit nakipag usap sa akin. Kadalasan ay business ang gusto nilang pag usapan habang ang iba ay tinatanong kung kumusta na si Lolo.
I also saw some of my past friends. Nagbatian kami at nag usap sandali. Pero mas madalas akong makipag usap sa mga matatanda at malalaking tao dahil sa business.
Nang maghapon ay nagsimula na akong mag ayos. May mga gown na akong susuotin para sa tatlong araw na party. Do'n ko lang napagtanto na mahabang araw 'to kahit tatlong araw lang naman.
I wore a formal black dress. May pinadalang make up artist sa akin at ang mag aayos sa buhok ko. At nang matapos sa lahat lahat ay naiwan na akong mag isa sa aking villa, nakatingin sa itsura ko sa salamin.
Hindi na ako kabado pagdating sa mga ganito. Sanay na sanay na ako. I know how to talk to adults and I’m good at convincing people when it comes to business.
I've always been very passionate about our business. I want nothing more than that. At oo, pangarap kong balang araw mapa sa akin ang pinaka malaki naming kumpanya ngunit hindi ako ang magdedesisyon no'n. Kundi si Lolo. Kung kanino niya ipamamana ang kumpanya. At kung makapili siya, irerespeto ko 'yon.
I took a deep breath and decided to go down. Marami nang tao. May mabagal na music at medyo maingay na dahil sa pag uusap usap. May tumawag sa akin na isang kakilala kaya agad akong nagtungo sa kanya at ngumiti.
Nagbeso kami at umupo ako sa table niya.
"You look stunning! No wonder why men go crazy for you, Issa!" Marianna said.
She was one of the member of Zheill. Dating grupo nina Johanna. Ngayon ay disbanded na sila dahil gusto nang mag kanya kanyang buhay. Their group was very successful. Maraming nasayangan dahil malayo pa sana ang maaabot nila kung nagpatuloy sila.
Nakilala ko siya dahil lang din kay Johanna. Nagt-training palang sila no'n. Pinakilala siya sa amin. Ngakasundo agad kami pagkatapos no'n.
Bahagya akong natawa sa sinabi ni Marianna. Tinawag ko ang isang waiter na may mga dalang wine at kumuha ako ng isa.
"But they can't even approach you. Nakakatakot ba naman ang isang Louissa Agravante?" humalakhak siya.
"Tss," ngumisi ako. "I didn't know you were here. Sinong kasama mo?"
"My husband," tiningnan niya ang asawa niyang nasa malapit lang at nakikipag usap sa iilang matatandang businessmen.
Oo nga pala. Business man nga pala ang asawa niya.
"Ikaw? Mag isa ka lang?" she asked and sipped on her wine.
"Yeah. We both know Johanna's busy with her upcoming wedding while my other cousins have something else to do."
"Bakit? Magtatrabaho na ba sainyo si Johan?"
"Siguro hindi pa sa ngayon dahil busy pa. But she said she would try."
Tumango tango siya. Dumating ang kanyang asawa kaya tumayo siya at tumayo na rin ako. Pinakilala niya ako. Nagkamayan kami ng asawa niya. At nakapag usap pa kami tungkol sa business at nagulat ako na may alam din si Marian sa pinag uusapan namin.
Ilang minuto ang lumipas ay may mga lumalapit na sa akin. Kaya naman nagpaalam muna ako kay Marianna bago umalis sa table.
Ilang oras na namang pagkausap sa iilang matataas na tao. Hindi pa naman ako pagod pero gusto ko muna sanang maupo. Wala lang akong nagiging bakante dahil sunod sunod ang mga taong kumakausap sa akin.
At nang sa wakas ay nakawala sa mga tao, I looked for a table to sit at. Nakakita naman agad ako. Lumapit ako roon at sandaling nagpahinga. Hawak ko ang wine glass ko at paunti unti 'yong iniinom. Pangalawa ko na 'to. Hindi naman ako madaling malasing kaya okay lang.
"Louissa Agravante?" I heard someone.
I looked to the side and saw a woman maybe a little younger than me. Lumawak ang ngiti niya nang nakita nang mabuti ang itsura ko. I stood up and smiled at her as well.
"OMG! Ikaw nga! Hello po! Pwede pong magpa-picture?"
Nagulat ako roon. Akala ko panibagong usapan na naman ang kakaharapin ko.
"Idol na idol ko po kasi ang pinsan niyong si Johanna Agravante! At kayo rin po! I also want to be a businesswoman like you one day! Pero... nandito po ba si Johanna?" sunod sunod niyang sinabi at naghanap ang mga mata.
"Ah, no. Wala siya rito. Ako lang. Don't worry, ikukwento kita sa kanya," sabi ko.
"Talaga po? Naku! Thank you! At... pwede pong pa-picture?"
"Sure," I smiled a bit.
Nagpicture kami at pagkatapos no'n umalis na siyang namumula pa ang pisngi. Wala sa plano ko ang magpapicture lalo na at business ang pinunta ko rito pero wala namang big deal do'n. Umupo ulit ako sa table ko at inubos ang wine.
Hindi ko akalaing makakapag focus pa ako nang ganito pagkatapos ng nangyari kanina. Pero wala lang naman 'yon, 'diba? Maraming gano'ng pangalan sa mundo. Kahit nga babae, may pangalan na Eugine!
I groaned. What's so big deal, Issa? Dahil ba gusto mo pa rin siya? Kaya ganyan ang reaksyon mo? Yes! I still like him until now. I love him! Hindi ko lang akalain na pagkatapos ng labing isang taon... labing isang taon! Gano'n pa rin ang magiging reaksyon ng puso ko. How ridiculous...
Ngumisi ako at tinaas ang isang kamay para sa waiter. Maybe it's just the alcohol kaya kung ano ano na ang naiisip ko. Naka ilan na ba ako? Pangalawa palang, 'diba?
Nilahad ng waiter ang tray na may juice.
Tiningnan ko 'yon at matalim na tinitigan. "I want wine."
"Juice nalang po ang sine-serve sa ngayon, Ma'am."
Gusto ko sanang magreklamo tungkol do'n ngunit natigilan na ako. Nanatili akong nakatitig sa juice. I can feel my heart throbbing so hard. I tightened my grip on the wine glass and for a moment my breathing stopped.
That voice...
"Maya maya pa po ulit ang wine," dagdag niya sa matigas na boses.
My heart pounded even more. I took a deep breath and remained tightly held to the wine glass.
"Okay. Thank you..." parang nagbabara ang lalamunan ko.
Imposible. Nababaliw na yata ako. Tinamaan na agad ako ng alcohol samantalang pangalawang inom ko palang 'yon.
Umalis ang waiter. Hindi ko na napigilan. Nag angat ako ng tingin sa kanya ngunit nakatalikod na siya. But even when I can't see his face, he's so familiar to me that I can't be wrong.
Nagtungo siya sa isang kasamahan niyang waiter na nakatayo lang at naghihintay ng tatawag. Tumabi siya roon. At parang mawawarak na ang puso ko nang unti unti siyang humarap sa gawi ko para gayahin ang katabing waiter dala pa rin ang tray at nasa likod ang isang kamay. Tumayo siya roon nang tuwid, naghihintay din.
Nangilid ang luha sa mga mata ko. Ngayon mas lalo ko lang nakumpirma.
Impossible, right? Imposibleng... nandito si Vince.
BINABASA MO ANG
Forgotten Letters (Agravante Series #4)
Romance[COMPLETED] Louissa Agravante, the coldest and most feared of all the Agravantes, is very irritated with Monica Salazar, the daughter of her mother's friend, who is now dead because of an accident. Monica wants everything she has: family, friends, c...