IHAWAN NI EUNBI, BAYOT STREET.
7:43 P.M.
---"minjung gabi po aling eunbing" bati ko sa kay ate eunbi habang nagtitingin ng ipapa-ihaw, bumati naman ito pabalik kahit na nag-iihaw. ako palang ulit bibili. "at sa'yo rin"
"anong minju gabi?" tanong naman ng baby ko– si chaewon pala. kasamahan ng ale.
"siyempre maganda ako"
"mas maganda ako" taray naman niya habang nakatingin lang sakin. taray taray ka diyan kala mo naman kung ano. "tusukin kita ng stick eh"
"ate eunbi oh may bastos dito!" sigaw ko doon sa busy na nag-iihaw pero nakatingin sa selpon.
"sabi ng walang hiya!" sabat din ni chaewon.
"mananahimik kayo o kayo iihawin ko?" napatingin saamin si ate eunbi ng masama kaya tumigil na kami at nagsisihan pa.
"para kasing tanga, kung namili ka nalang sana di'ba" pabulong na sabi ni chae.
"ikaw lang pipiliin ko"
"anak ka ng tinola matutusok na talaga kita" tumawa nalang ako tapos inabot yung dalawang isaw tsaka dalawang ano, yung bilog-bilog na ano. basta yon. at isang hatdog "ayan tumino rin"
pininturahan niya muna yung mga yon ng kulay red na parang sauce at binigay na kay ate habang ako umupo sa gilid lang mismo nila.
wala pang nag-papa ihaw ule kaya nung makita ako ni chaewon naki-upo naman ang gaga. ngayon magka-harap kami habang may lamesa sa gitna.
"ubos?" paumpisa niya.
"oo, ubos na pasensiya ko sa'yo" pangiti kong sagot. sinamaan nako ng tingin kaya sumagot nako ng maayos. "medyo marami pang naiwan 'don sa motor ko"
"ok, daming tao sa pinagbebentahan
mo di'ba?""mas marami pa rin pagmamahal
ko sa'yo""tangina ang landi mo" tinakpan nito ang bibig ko at inalog-alog bago itulak. napaka bayolente naman nito.
"napaka mapanakit mo rin"
"kasi naman, manahimik ka nalang napaka ano eh" siya na nga nanakit siys pa galit. may sayad na sa utacc 'to.
"kilig kalang eh" pag-ngiti ko agad ko naman itong binawi dahil inambaan na ako ng suntok. "pinaglihi kaba sa sili?" nanahimik na siya. "hindi siyempre charot lang, ikaw naman hindi mabiro"
"sa sobrang tuwa ko sa'yo malapit na kitang ibaon sa lupa"
"bakit sa lupa lang?"
"saan mo ba gusto? sa dagat? pwede na ngayon" aya pa niya at halata mong tuwang-tuwa nga.
"you're so brutal naman"
"kadiri ka naman" nanggigigil kasi 'to sa mga conyo, kala mo naman hindi siya ganon.
"why am i kadiri? i don't do nothing kaya"
"ha?"
"ha–"
"hahampasin na kita kanina pa kita tinatawag!" biglang sumulpot ang nakakabibinging sermon ni aling eunbi. kung 'di pa piningot si chaewon 'di talaga ata 'to babalik doon eh.
may dalawang pulis at anim na matatangkad na mga teenager pala ang bumibili sakanila, ako naman tawa lang si gilid. ang cute ng baby habang pinipingot.
ilang minuto pa ang tinagal niya at bumalik narin ito, dala dala niya na rin yung pina-ihaw ko. yung mga bumili humanap narin ng mauupuan. nasaktong tumabi saamin yung dalawang pulis.