TZUYU.
"KIM HYUNJIN!!! KIM MINJU!!! MGA PUNYETA TULUNGAN NIYO KO SA MGA GAWAING BAHAY!" sa sobrang animal ng mga 'to ay sumigaw na ako.
kasisilip ko lang sa balkonahe ng apartment namin at yun bitch, napaka-init at medyo madami rin nakasampay. kaya pagpunta ko sa sala, sigaw talaga ang inabot nila.
yung isa naglalaro, yung isa naman kumekerengkeng habang ako kumikilos sa mga gawaing bahay. mga anak ng tinola.
napatayo naman agad ang dalawang tamad, muntik pang madapa ang isa. "tanga AHAHHAHAHAH" tawa namin ni hyunjin kay minju habang napa pout naman ang tanga.
ay gago galit pala dapat ako. "hyunjin baka gusto mong itulak kita sa baba" pagbabanta ko. natahimik sila bigla. "titingin lang ba kayo?"
"sungit mo naman, hindi pa ba kayo bati ng crush mo?"
"boom sapol!" pag-cheer pa ni hyunjin matapos kong batuhin ng hanger si minju.
"sapol" ngiti ko rin kay hyunjin matapos ko siyang batuhin ng tsinelas.
---"uulan ata beh" sabi ni minju, mahangin kasi at medyo kumulimlim na rin. "pano ko na pupuntahan ang baby ko niyan" landi parin talaga iisipin.
"walang aalis hangga't hindi maayos ang apartment" tugon ko habang nangunguha ng sinampay.
"hoy kaninong panty 'to? bago? ganda ng design ah, pink na pink" tangina talaga kim hyunjin.
napatingin kaming tatlo sa baba matapos humangin at tangayin ang panti ko sa baba. ang sarap manulak sa baba ng apartment na 'to.
"sapol." tingin saakin ni hyunjin at ngumiti pa ng sobrang mapang-asar.
"sapol na sapol?" dagdag pa ni minju.
SANA.
"tang–" pasubo palang ako sa kinakain kong tokneneng nang may bagay na nahulog sa ulo ko. gago ano to.
"hulog ng langit" pagpipigil ng tawang sabi ni jihyo, yung tindera ng tokneneng. "cutie pa ng color oh" at tumawa na nga ang hangal.
nang pulutin ko sa ulo ko yun, napamura nalang talaga ako. "kay ano to ah"
"tanga pano mo alam?" gulat na tanong ni dahyun.
"bobo hindi, kasi ano" napasapo nalang ng noo, ano ba yan nakakahiya. "wag ka ng magtanong sasapakin kita" natawa nalang din ako habang tinupi yung panti at binulsa. bagong laba.
pero paano to nalipad beh?
"gago ka kanino yan?" binatukan na ako ni dahyun. aray ko naman beh.
"kay ano ngaaa"
"sa dami ng babae mo malalaman ko?"
"hala pasmado ata labi mo beh, kay ano nga 'to" ngumiti nalang ako at kumain na ng tokneneng. malinis kamay ko wag kayo mag-alala.
kinulit-kulit pa ako ni dahyun pero ayaw ko nga sabihin sakanya kung paano ko nalaman na kay tzuyu 'to.
papunta palang sana ako sa apartment nila pero ba't parang ako naman nasalubong ng pupuntahan ko. "hi" pa-inosenteng ngiti ko kay tzuyu.
"nasaan na?" sungit.
"wait lang, makinig ka muna sakin"
"tangina mo nasaan na nga yun?"
nandito kami ngayon, sa gilid lang ng kanto. medyo nakalayo narin sa tindahan ni jihyo kaya pwede na kaming mag-usap ng walang makaririnig.
malapit lang din kasi apartment nila ss pwesto nila jihyo.
"hindi ko bibigay sa'yo hangga't dika nakikinig saakin" pagsusungit ko rin. "una sa lahat..."
"ano?"
"sorry na nga kasi, dala ko yung akin ngayon actually"
"pangalawa?"
"anong pangalawa?"
"sabi mo 'una sa lahat' di'ba?"
"tzuyu, ang sarap mong sapakin" tumawa nalang siya at tinignan uli ako ng masama. "pero hindi ko naman kasalanan na malikot pala kuko ng pusa ko"
"ni di'ko nga alam na may pusa ka"
"pwede naman tayo bumili ulit, di'ba? color yellow naman this time?" pag-aaya ko pero sinamaan lang ako ng tingin.
ganito kasi 'yon. nung nakaraan, bumili kami ng panti, matchy-matchy kami bilang bago palang kami sa relasyon namin at ito na nga, napunit yung panti ko na pink din kasi pinakialaman ng pusa ko yung mga maruruming damit.
"ok, saan ka pala pupunta?" hihi, cutie talaga.
"sainyo, nagdala nga ako tokneneng para narin kina hyunjin at minju" tinaas ko yung plastic na hawak ko at naglakad na kami ng sabay papunta sakanila keysa mag-talo pa sa daan.
"
