Chapter 1

393 7 0
                                    

"Makinig ka sakin babe,buntis ako!"
"Tsk,edi ipalaglag mo!"

"WAGGG!!"-Sigaw ko sabay upo.
Nana-naginip lang pala ako.Limang taon na ang lumipas pero naa-alala ko parin siya!Gusto kong kalimutan na ang mga pangyayari na iyun pero wala ehh ,ayaw ko naman magka amnesia!

"MAMA ,GUSTO KO NA PONG KUMAIN!"-Sigaw ng anak ko.
Hindi ko ipinalaglag ang bata,binuhay ko sya ng walang tulong ng lalaking iyon!
Hindi pa pala ako nagpapakilala ,ako nga pala si Isabella De Leon 25 yes old na at may anak na ako siya ay si Gabriella De Leon. 5 taon na rin ang anak ko.

Inayos ko ang kama at pumasok sa c.r para mag ayos.Pagkatapos kung mag ayos ay lumabas na rin ako para paglutuan ang anak ko.

"Mama gusto ko po  ng itlog!"-masayang sabi ng anak ko.
"Sige anak paglulutuan kita ng itlog!"
"Yehey!The best ka talaga mama!"
"Asus nangbola pa!"
"Talaga naman po mama ,Yung teacher ko nga po ehh may crush sayo!"
"Hayaan mo na iyon anak ,crush lang naman iyon."
"Kahit na crush iyun mama,ayaw kong may gusto sila sayo!Baka agawin ka po nila sakin!"
"Hindi nila ako aagawin sayo anak!"

Habang nagk-kwentuhan kami about sa teacher nya na may gusto raw sakin ehh sinimulan ko ng magluto para sa baunan nya mamaya at pang-almusal na rin.
Ilang minuto ang lumipas ay naluto narin ang mga niluto ko.

"Anak ito kain kana."
"Okay po!"

Sinimulan na naming kumain para maihatid ko na rin sya sa school at makapag trabaho na rin ako.Nang matapos na kaming kumain ay inihanda kona ang bag ng anak ko at naglagay na rin ako ng mga pagkain niya kung sakaling magutom siya.
Mga ilang minuto lang ng matapos ako ay nagpasya na kaming umalis.Sumakay kami sa jeep dahil malapit lapit lang naman ang school ni Gab.Nang tumigil na sa harap ng school nila Gab ang jeep ay bumaba na rin kami.

"Anak mag aral kang mabuti ahh!"
"Oo naman mama!"
"Ikaw bata ka ,wag na wag kang magsusungit sa teacher mo ahh,galangin mo sila!"
"Opo mama di na ako magsusungit!"
"Good!"
"Bye mama!"
"Bye!"

Masayang pumasok sa gate ang anak ko ,hai nako sana hindi talaga sya magsungit lalo na sa teacher nya.Palibhasa nagmana sa tatay ,tsk!
Nag-abang ako ng Jeep papunta sa trabaho ko.ilang minuto lang ay nakasakay na rin ako.
After 30 minutes nakarating na ako sa trabaho ko.

"Uyy Isabella andyan kana pala !"
"Yahh napa aga ako ng gising ehh alam mona may klase pa ang anak ko!"
"Alam ko naman yun Bessy!"

Diko pa pala naipapakilala siya si Hannah Jimenez.Siya ang tumulong sakin nung walang wala ako.

"Uyy andyan kana pala Isabella ,may ipapakita ako sayo!"
"Huh? Ano Yun?"
"Ito ohh picture ng idol ko!"
"Patingin nga!"-sabi ko sabay lapit sa kanya.Nang Makita ko ang picture ay para akong nanginig sa takot at kaba.Ang lalaking nasa picture ay ang lalaking iyun!

"Diba ang pogi nya ,Alam mo sikat na sikat talaga sya ngayon .Sana makilala ko sya sa personal!"-sabi ni Jane.
Si Jane nga pala friend and ka-trabaho namin ni Hannah.
"Ahh m-magkikita rin kayo nyan hehe!"
"Sana nga Bessy!"-sagot ni Jane.

Hiding the famous actor's daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon