Chapter 27

220 6 0
                                    

Hindi ako pumasok sa trabaho ngayon dahil baka bumalik doon sila Papa.
Kagabi ay kinausap ko sila Hannah at Inexplain ko kung ano yung nangyari.
Akala ko nga ehh magagalit sila sakin pero hindi Pala.
Lalabas ako ngayon para sana mag grocery ,dahil masyadong busy sila ate Yumi at naka day off yung ibang kasambahay at iisa lang yung kasambahay na nandito.Ako na lang ang nag volunteer na lumabas.
Kakatapos ko lang magbihis ngayon.

"Anak aalis muna si Mama!Wag kang pasaway sa kasambahay ahhh!"-sabi ko sa anak ko.

"Opo Mama!"
Paglabas ko sa gate ay nagulat ako sa lalaking nakasandal sa kotse.

"S-sir Paolo?Bakit po kayo nandito?"-tanong ko kay sir Paulo.
Siya yung lalaking nakasandal.

"Hmm...binibisita kita!"sabi niya sabay ngisi.
May batang lumabas sa kotse.Kasama pala ni sir Paolo ang anak niya,Si William.

"Hi William!"-bati ko sa bata.

"Hi tita Bella!Andyan po ba si Gab?"

"Ahmm...oo nasa loob."

"Pwede pong pumasok sa loob?Gusto ko pong makipaglaro sa kanya!"-masayang Sabi ni baby William.

"Ahh sige pumasok kana."
Agad na tumakbo papasok ang bata ,masyado atang na miss ng batang iyun si baby Gab!

"Ahh saan ang punta mo ngayon?" Tanong ni Paolo.

"Sa supermarket balak ko kasi mag-grocery ngayon."

"Tamang tama wala akong gagawin ngayon ,samahan na kita!"

"Wehhhh?!Sure Ka?"

"Aishh ayaw pang maniwala!Po nga wala akong gagawin ngayon kaya sumakay kana sa kotse!"
"Ayus yan iwas gastos!"
Sabi ko bago pumasok sa kotse.
Ilang minuto lang ng byahe ay nakarating na agad kami sa supermarket.
Pinark niya ang kotse at agad siyang lumabas at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse.

"Naks naman Paulo! Gentle dog!"-pang aasar ko.

"Wow gentle dog talaga!Sa gwapo kung Ito!"

"Talaga gwapo ka?!Saan Banda!?"
"Sa lahat!"sagot niya.

May pagkayabang din itong lokong Ito!Purket pinagpala ng kagwapuhan ehhh!
Agad na akong lumabas at iniwan siya sa parking lot.

"HOY HINTAYIN MOKO!"
Sigaw niya.

Hindi ko na lang siya pinansin at pumasok na ako sa supermarket.
Kukuha na sana ako ng cart ng maunahan ako ni Paolo na mukhang napagod kakatakbo.

"A-ako na bahala dito!"

"Tayo nang bahala sa cart!Mukhang napagod ka kakahabol sakin ehh!"-sagot ko.

"Buti naman alam mo!"sagot niya.
Siniringan ko na lang siya.
Sabay naming dalawa itinulak ang cart habang ako ay busy kaka kuha ng mga kailangang bilhin siya ay nakasunod lang sakin.
Napansin kona pinagtitinginan kami ng mga Tao,may mga nagbubulungan pa!

"Ang swerte ni ghurl!Ang pogi ng jowa niya!"-bulong ni maharot girl 1

"Tangek Pareho silang swerte sa isat isa!Pareho silang may itsura!"bulong ni Maharot girl 2.
Napagkamalan pa nga kami,hayss!

"Uyy Isabella ,mag jowa daw tayo!"bulong sakin ni Paolo.

"Hayss !Hayaan mo sila!"sagot ko.
Mga ilang minuto rin kaming naghanap ng mga bibilhin.
Ng makumpleto na namin ay pumunta na kami sa may cashier.
Palingon lingon saamin yung babae na nag a-assist samin.

"Ahmm sir Mag jowa po kayo?"tanong nung babae kay Paolo.
Tumingin sakin si Paolo at ngumisi,may balak ang lokong Ito!

"Naku miss asawa ko na yan HAHAHA!"Pagsisinungaling ni Paolo.
Pinanlakihan ko ng mata si Paolo at pasimple ko siyang kinurot sa braso.

"Ouch! Masakit yun ahh!"

"Tsk!Arte mo!"
Sagot ko sabay siring sa kanya.

"Naku miss huwag kang maniwala sa lalaking iyan!Hindi pa kami mag asawa!"Sabi ko sa babae na nagtanong.

"Ohh narinig mo Miss sabi niya diba HINDI PA!It means may pag asa pang maging mag asawa kami miss!"ngising Sabi ni Paolo.
Tinignan ko si Paolo ng masama.At sinenyasan ko siya na lagot siya sakin mamaya!

Kyle's Pov:
Papunta ako ngayon sa lugar kung saan pansamantalang nanirahan ang mag ina ko.
Ng makarating ako ay agad akong pinapasok ng maid ,siguro ay kilala niya ako.
Ng makapasok ako ay nakita ko ang anak ko na naglalaro,pero may kasama siyang batang lalaki.Nasaan si Isabella?
Agad akong lumapit sa anak  ko.

"Baby Gabriella!"

"Papa!"-masayang sabi ng anak ko sabay yakap sakin.

"Hindi kana galit kay Papa!?"

"Hmmm Hindi na po!Basta love nyo pa rin ako ,okay napo ako!"Sabi ng anak ko.
Maganda ang pagpapalaki ni Isabella sa anak namin,napaka mature mag isip!

"Teka anak sino siya?!"tanong ko sa anak ko sabay turo dun sa batang lalaki na nakatingin samin.

"Ahh Siya po si William!Anak po siya ni Sir Paolo!"

"What anak siya ni Sir Paulo?!Yung may gusto sa mama mo?!"-tanong ko.

"Opo!"
Bakit andito ang batang ito!?

"Nasaan nga pala ang mama mo baby Gab?"

"Nag grocery po si Mama kasama si  sir Paolo ,papa!"

"What?!"
Aba kailan pa nagsasabay na mag grocery sila Isabella!Nagpapaligaw ba siya doon sa lalaking iyun!?

Isabella's Pov:
After naming makapag bayad ay nagpunta na kami sa parking lot para syempre ilagay sa kotse yung mga pinamili and maka uwi na ako.
Sinimulan narin paandarin ni Paulo ang sasakyan.
Mga ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bahay.
Napansin ko na may nakapark na kotse.Sa pagkaka alam ko ehh wala namang bisita ahh!?
Lumabas na kami ni Paolo sa kotse at agad na pumasok ng bahay.
Ng makapasok ako ay nakita ko si Kyle na kalaro ang mga bata.
Anong kailangan ng lalaking to!
Agad na tumakbo si Baby William kay Paolo.

"Hmm aalis na kami Isabella!"Sabi ni Paolo.

"Sige!Salamat sayo!"

" You're Welcome!"Sabi ni Paolo sabay wink sakin.
Luhh may pa wink pa nga HAHAHA!
Ng makalabas na sila ay pina akyat naman ni Kyle si Baby Gab sa taas.

"Anong kailangan mo?"
Tanong ko kay Kyle.
"Mamaya ko na iyan sasagutin!Bakit kasama mo si Sir Paolo?!"
"Wala ka ng pake kung kasama ko si Sir Paolo ,Kyle!"
"May pake ako dahil nanay ka ng anak ko!"
"Pwede ba Kyle ,wag ka ngang pakialamera! ehh ano naman kung kasama ko si Paolo,single naman ako ahhh!"sagot ko.
Maka Asta akala mo may pannaagutan sakin.Akala mo ehh Boyfriend! T*nga lang sis!?
"Hindi mo man lang iniisip kung anong iisipin ng anak ko sa ginagawa mo!"
"Wow!Coming from You!
Ehh ikaw minsan mo rin bang inisip kung anong mararamdaman ng anak mo?!"Diba HINDI! KAYA WAG KANG FEELING PERFECT DYAN!"Pasigaw na Sabi ko.
"Manang! pa-aalisin nyo na nga ang lalaking iyan!"Sabi ko dun sa kasambahay.
"Sige Ma'am."
"Umalis napo kayo sir!"Sabi nung kasambahay habang pilit itong tinutulak paalis.
"Oo miss aalis ako!At ikaw Isabella!Mag uusap pa tayo!"-sabi nito bago tuluyang lumabas ng bahay.
"Tsk, usap mo mukha mo"

Hiding the famous actor's daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon