Chapter 5

187 6 0
                                    

Maaga akong pinauwi nila ate Yumi para daw makapagpahinga ako.
"Mama may sakit ka po?!"-nag aalalang tanong ng anak ko.

"Ahh wala akong sakit anak."

"Ehh bakit po ang tamlay nyo?"

"Pagod lang si Mama ,baby Gab."
[Ring!] [Ring!]
Tumatawag ngayon sakin si Jane ,ano kaya Kailangan niya?

"Ohh Bessy bakit napatawag ka?"

[Bessy!]tili ni Jane sa phone.Nailayo ko agad Yung phone ko sa tenga ko.
"Ano ba kasi yun?!"-tanong ko.

["Bessy may mga artista na gagamitin yung place natin para magshoot ng movie!"]-masayang Sabi Niya.
"Ahhh okay."-bagot na tanong ko.

["Hoyy hindi kaba excited na may artista bukas sa restaurant?"]

"Hindi."

[Alam mo Bella ,ang pangit mo kausap ,bye na nga!"]-huling Sabi niya sabay patay ng tawag.
Napaka pikunin talaga ng babaeng iyun.

"Si tita Jane po ba iyun Mama?"

"Oo anak."

"Bakit daw po siya tumawag?"

"Ahh may artista raw na magso-shooting sa restaurant."

"Hala!kung ganon Mama,matulog na tayo ng maaga bawal kang ma-late!"
Sabi ng anak ko habang hinihila ako papunta sa kwarto naming dalawa.

"Mama matulog napo tayo!"

"Oo sige natutulog na tayo anak."
Nag-Surrender na ako ,hindi ako titigilan ng anak ko ehh

Kinaumagahan ang agang nagising ng anak ko.5am palang ehh gising na ang batang iyon.Dahil sa masyadong excited ang anak ko dahil nabalitaan niyang may Vip na artista samin ay ginising niya rin ako para makapag ayos.
Dating gawi magluluto ako ,paghahandaan siya ng baon and kakain kami.
After namin kumain ehh nag-ayos na kami at nag abang ng Jeep.
Nakasakay narin kami sa jeep at ilang minuto lang ay nakarating na kami sa school ni baby Gabriella.After ko siyang mai-hatid ay nag jeep ulit ako papunta sa Restaurant.
Nang makarating ako sa restaurant ay nakita kong inaayos na yung restaurant para sa shooting ng movie daw.Pagpasok ko sa restaurant ay dumeretsyo ako papunta sa office ni ate Yumi.
Kumatok muna ako bago pumasok.

"Ate Yumi , ngayon ba iyong shooting dito?"

"Ahh oo, Bella."

"Kilala mo kung sino Yung mga artista?"

"Hindi ko nga kilala ehh,Basta ang sabi Lang ng asawa ko,itong place natin sila gustong mag shoot."

"Edi ibig sabihin niyan ,wala muna tayong costumer ngayon."

"Yup,babayaran naman nila tayo and aasikasuhin din natin Yung mga staff pati yung mga artista."

"Ahh...akala ko ehh wala tayong gagawin ."
After kung makausap si ate Yumi ay dumeretsyo na ako sa C.r para magbihis ng uniform namin.Paglabas ko ng c.r ay lumapit sakin si ate Yumi.

"Nga pala Bella ,ikaw ang mag entertain dun sa mga artista mamaya ahh."

"Ahh sige ate Yumi."

Tinulungan ko sila Hannah at Jane ng mga table para sa paparating na mga bisita. Maya Maya lang ay nakaramdam ako ng uhaw kaya dumeretsyo ako sa kusina para uminom.After Kung uminom ay lumabas nako.Napansin kong may mga nakaupo na dun sa table na inayos namin,siguro nandoon na yung mga bisita .Lalapit na sana ako dun ng mamukhaan ko yung isang artista.S-si Kyle ,andito si Kyle! Agad akong tumalikod at pumunta Kay Ate Yumi.

"Ate Yumi si Kyle ,andito si Kyle!"-natatarantang sabi ko.

"Hayss....nakita ko nga siya kanina."

"Ate Yumi utusan mo na lang yung iba na I- entertain sila."

"Bella ,ikaw ang manager dito.Alam kong may issue ka sa kanya pero kailangan mo rin na maging professional sa trabaho mo,isantabi mo muna iyang problema mo at harapin mo siya bilang costumer mo.Sige na Bella lumabas kana baka naiinip na sila."

Tama ang sinabi ni ate Yumi kailangan Kong isantabi ang issue ko sa kanya at mag focus sa trabaho ko.Lumabas na ako sa office at unti-unting  lumalakad papalit kila Kyle.

Kailangan kong mag focus!Mag focus ka self! be professional!
Nang makalapit ako ay nakita ko kung paano manlaki ang mata ni Kyle ng makita ako.

"Ano pong order nyo."-pormal kong Sabi.

"Ahh isang beef grilled ,salad and burger at    orange juice for three"-sabi nung isang lalaki na kasama niya noon.

"Wala na po ba kayong gustong i-order?"-tanong ko

"Ahh Wala na."-sagot nung Isa pa nilang kasama.Bali tatlo silang nakaupo sa table na iyun.
Tumalikod na ako ng tawagin ako ni Kyle.

"Isabella ,i-ikaw ba iyan!?"-tanong niya.
Hinarap ko siya at sinabing.

"Yes po Sir ,ang pangalan ko ay Isabella."-pormal na Sabi ko.
Nabigla ako ng tumayo siya at niyakap ako.sobrang higpit ng yakap niya.

"S-sir h-hindi ako makahinga!"-utal na Sabi ko.
Buti at agad siyang kumalas sa pagkakayakap sakin.

"Lalo kang gumanda Isabella!"masayang sabi Niya.

"Alam ko,sige aalis nako."-bagot na sagot ko.

Bago pa ako maka hakbang paalis ehh hinawakan niya ang wrist ko at hinila ako paharap sa kanya.Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya!Bakit ganyan siya maka react!?

"Yung sinabi mo sakin 5 years ago,totoo ba iyon?"-tanong niya.

"Ang alin ba iyun?!"-medyo inis na sabi ko .pinipilit kong ilayo ang katawan ko sa kanya kaso lalo niya lang akong nilalapit!

"Yung tungkol sa buntis ko noon,totoo ba iyun!?"-seryosong tanong niya.
Dahil sa tanong niya ay nagpanic ako,Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya!Halos lahat ng tao dito sa loob ng restaurant ay nakatingin samin.Siguro nagtataka sila kung bakit ganito ang posisyon namin.

"P-palusot ko lang iyun p-para hindi moko hiwalayan!Kaya bitawan mo na ako!"-utal utal na Sabi ko.
Patawarin moko Baby Gabriella.Hindi ko pa kayang makausap ang tatay mo.Sana mapatawad mo ako kung masisinungaling ako sa tatay mo na Isa ka lamang kasinungalingan ko noon.
Unti unti niya akong binitawan.

"So Hindi totoong buntis ka noon?!"-medyo pagalit na tanong niya.
Medyo napikon ako sa tono ng pananalita niya.Parang ako pa ang may malaking kasalanan sa kanya!

"Teka nga bakit nagagalit ka na nagsinungaling ako sayo noon!Ehh kung tututusin mas malaki ang kasalanan mo sakin noon!Diba ikaw ang nagloko at ano nga iyong Sabi mo sakin noon?!Na ipalaglag ko ang bata dahil mas Mahal mo ang career mo!
Ako ba ginag*go mo Hah!"-galit na Sabi ko.
Alam kong nagbubulungan na ang mga kasama namin aa restaurant .Siguro ay nagulat sila sa mga pinagsasabi naming dalawa.

"Isabella sa loob ng limang taon ,hindi ako pinatulog ng mga sinabi mo sakin tungkol sa pagbubuntis mo na hindi naman totoo!"-galit rin na Sabi niya.

"HAHAHA!(sarcastic na tawa ko)Kahit naman magkatotoo na buntis ako ehh mas pipiliin mo lang din naman ang career at ang babaeng iyun!At dapat lang na Hindi ka patulugin ng konsensya mo!Dahil manloloko ka!-halos Pasigaw na Sabi ko at dali daling pumasok sa office ni ate Yumi.
Ayokong makita siya,dito muna ako sa office ni ate Yumi.Kailangan kong makapag isip!

Hiding the famous actor's daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon