Chapter 24

192 3 0
                                    

Isang linggo na ring hindi nagparamdam ang loko.Sabi sa balita ehh nasa Spain siya para mag shoot ng bagong movie niya.
Medyo nakaka labas na ako ngayon at nakakapagtrabaho na rin.
Pansamantala munang nag aaral sa bahay ang anak ko gawa ng marami rami parin ang hinahanap siya.

Nalulungkot ako para sa anak ko dahil mas pinili pa ni Kyle na umalis papuntang Spain kaysa makipag ayos sa anak niya.

Nandito ako ngayon sa restaurant.Tumutulong ako sa ibang mga waiters gawa ng maraming costumers.

Habang nag se-serve ako sa isang costumer ay biglang nag breaking news.

"Breaking news ini- announce na ni Chloe Dr Leon na sa susunod na week ang kasal nila ni Mr.Kyle Anderson.
Ako si Molly Asuncion nagbabalita"
Dahil sa narinig ko sa t.v ay bigla akong nanghina,hindi ko sinasadyang matapon ang kapeng hawak ko.

"Hoy miss ano ba?!"-sigaw sakin ng costumer.

Natauhan ako sa ginawa ko kaya agad ko itong inimis at nag sorry ako sa costumer.
Pinaupo muna ako nila Hannah sa isang tabi.

"Uyy anyari sayo ghurl?!"-tanong ni Jane.

"Baka nagulat siya sa balita?!"-sabi ni Hannah

"K-kailangan kong umuwi!Paki sabi kay ate Yumi ahh!"

Sabi ko bago tumayo at nagpalit ng damit bago lumabas ng restaurant.
Agad akong nakasakay Ng Jeep papunta sa bahay nila Ate Yumi.
Pagdating ko sa bahay ay agad akong pumasok at tinanong ang isang maid kung nasaan ang anak ko.

"Nasaan si Baby Gab?"

"Nasa taas po!"

"M-may napanood ba siya kanina?!"
"Ahmm napanoood niya po yung breaking news ,tapos po tumakbo siya sa taas."

"Ahh sige salamat!"
Agad akong umakyat sa taas at dumiretsyo agad ako sa kwarto namin.
Ng makapasok ako ay nakita ko ang anak ko na umiiyak sa ilalim ng kama.
Kapag natatakot or nalulungkot ang anak ko gawain niya na mag mukmuk sa ilalim ng kama.

"Anak lumabas ka dyan ,andito ang mama!"
Lumabas sa ilalim ng kama ang anak ko at agad itong yumakap saakin.

"M-mama b-bad po si Papa!"

"Anak hindi sa ganon-"

"Hindi!Bad si Papa!Bad siya!"

Aishh!Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa anak ko!

Kyle's Pov:
Pauwi na ako sa mansyon ngayon.Nalaman ko ang tungkol sa ini- announced ni Chloe.Wala akong kaalam alam na next week na pala ang kasal namin?!
Ng makarating ako sa mansyon ay nakita ko si Chloe na nakaupo sa sofa kasama sila Mrs at Mr.De Leon.
Lumapit ako kay Chloe at hinila siya palabas.
"A-aray nasasaktan ako Kyle!"

"Manahimik ka!"medyo pasigaw na sabi ko.
Ng makarating kami sa garden ay binitawan ko na siya.

"Papaanong nangyari at next week na ang kasal natin?!"-tanong ko.

"Inayos ko na lahat ng papeles at ang mga kakailanganin sa kasal!"

"What!Tapos wala ka man lang sinabi sakin!?"

"Ehh sa excited ako!"-sabi ni Chloe.
Napasabunot na lang ako sa buhok ko.Sh*t!
Baka magalit sakin ang anak ko!

Chloe's pov:
Hindi ko hahayaang mapunta si Kyle kay Isabella!ANG AKIN AY AKIN LANG!
Wala akong pake sa anak nila ,tsk!

Hiding the famous actor's daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon