Chapter 7

177 4 0
                                    


4pm na and kailangan ko na ring umuwi baka hinahanap na ako ng anak ko.Nag aayos na rin ang ibang staff.Unti unti ng nag uwian ang mga staff at mga ka trabaho ko.Kami na lang ni ate Yumi ang natira sa loob.Kami ang maglo-lock ng restaurant ehh.Ng makalabas na kami ay may naka park sa labas na  kotse.kanino kaya ito?
Biglang nagbukas ang pinto ng kotse at lumabas si Kyle?!
Amp*ta!Bakit nandito pa ang lalaking Ito!?

"Aba't bakit nandito kapa?!"-tanong ko.

"Hinihintay kita."-sagot niya.

"Sinabi ko bang hintayin moko hah?!"-inis na tanong ko.

"Hindi, Wala kang magagawa gusto ko ehh."-mayabang na sabi niya.
Napahilamos na lang ako sa mukha.Ano bang kailangan ng lalaking Ito sakin!?

"Ano bang kailangan mo ahh?!"

"Mag uusap tayo."

"Wala akong time para makipag usap sayo!"

"Mag uusap lang naman tayo ehhh!"

"Ehh sa ayokong kausap ka ,anong magagawa mo aberr?!"

"Meron akong magagawa."
Sabi nito sabay lapit sakin at binuhat ako na parang sako ng bigas!Aba dinaan ako sa lakas ng lalaking Ito!

"Hoy!Ibaba mo ako!"-sabi ko habang pinapalo siya sa likod.

"Hoy manahimik ka babae."-sabi niya sabay palo sa pwet ko.

"Aba bakit namamalo ka hah?!Bastos ka talaga!Makakababa lang talaga ako dito,kakatayin kitang hayop ka?!"-galit na sabi ko.
Ang lakas ng loob mamalo ng pwet ,ano kami close?!
Pinaupo niya ako sa passenger seat.Bubuksan ko sana kaso naka lock!Nang lumingon ako sa kanya ay nakangisi siyang nakatingin sakin.

"Bubuksan mo Ito o bubuksan
mo?!"-inis na tanong ko.

"Hindi ko bubuksan iyan.Mag uusap lang tayo ,kaya wag kang mag alala."
Nang dahil sa sinabi niya ay medyo guminhawa ako Hinayaan ko na lang siya.Mga ilang minuto lang ay dumating kami sa isang park.Pamilyar ang park na ito.Dito kami nagde-date noong kami pa.

FLASHBACK:

"Alam mo Babe ,masaya akong nakilala kita!"-sabi ko kay Kyle habang naka yakap sa kanya.

"Masaya rin akong nakilala ka.Kapag nagka anak na tayo dito tayo mag picnic lagi at i-kwento natin sa kanya na dito tayo laging nagde-date."-masayang sabi ni Kyle.

"Luhh anak agad ,ayaw mong kasal muna?!"-tanong ko kay Kyle.

"Syempre anak muna para wala ka nang kawala HAHAHA!"

END OF FLASHBACK

Habang inaalala ko iyun.Medyo na cringe ako ahh!Ang corny namin noon,tsk!

"Pamilyar ba sayo ang lugar na Ito?!"-tanong niya sakin

"Malamang."-pataray na sabi ko

"Sungit mo naman sakin parang hindi ka nabaliw sakin."-mayabang na sabi niya.
Siniringan ko siya dahil sa sinabi niya.Parang hindi kami nag away kanina ahh!

"Ano ba kasing kailangan mo?!"-inis na sabi ko.

"Gusto ko na mag karoon tayo ng closure."-mahinahong sabi niya.

"Okay."-sagot ko.
Umupo ako sa swing at umupo rin si Kyle sa kabilang swing.

"Gusto kong mag sorry sa ginawa ko noon sayo.Alam kong maling mali ako noon.Hindi ko sinasadyang magustuhan ang half sister mo."-dahil sa mga katagang iyun naalala ko ang panahong nahuli kong nagtataksil sila sakin.

FLASHBACK:

Balak kong I-surprise si babe .Ang sabi kasi sakin ng manager niya naka-uwi na raw sila galing Paris.Nag shoot sila duon ng bago niyang movie.
Nasa labas ako ngayon ng condo niya.Well alam ko ang password nito nohh.
Nang mabuksan ko ang condo at may napansin akong Heels ng babae.May iba siyang kasama dito.Dahan dahan akong naglakad sa kusina at nang makarating ako duon ay kitang kita ko kung paano sila mag halikan ng babaeng iyun.At ang malala ang half sister kopa!Bakit ang half sister ko pa!
Kahalikan ni Kyle si Chloe De Leon.mas matanda siya sakin ng isang taon.Anak siya ni Papa sa labas.Ang taong tinuring kong kapatid ay siyang mananakit sakin!
Unti unting tumulo ang luha ko.Nakaramdam ako ng panghihina kaya naibagsak ko ang mga dala kong groceries,dahilan ng mapatigil sila sa ginagawa nila.Nakita ko kung paano manlaki ang mata ni Kyle,habang si Ate Chloe ay nakangisi.Agad na lumapit sakin si Kyle.Nang hahawakan na sana niya ako ay agad ko iyong tinabig.Ayokong hawakan niya ako,nandidiri ako sa kanila!
Pinilit ko ang sarili kong tumayo ng mag isa at tinalikuran sila . Tumakbo ako palabas ng condo niya.

Hiding the famous actor's daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon