Chapter 4

189 6 0
                                    

After kong makita at makausap ang nanay at kapatid ni Kyle ,ay mas lalo akong nakaramdam ng kaba at takot.Feeling ko malapit ng magkita si Gabriella at ng tatay niya.

"Mama tawagan po natin si Tita Samantha."-sabi ng anak ko sabay bigay saakin ng calling card baka bigay Ito sa kanya ni Samantha nung nag ikot sila sa Mall.
"Sige tatawagin natin sila pero saglit lang ahh."

"Opo Mama!"
Sinimulan ko nang i-type yung number ni Samantha at ilang Segundo lang ay sinagot na kami.
"Hello Samantha?!"
["Ohh ate Isabella ikaw pala,bakit napatawag ka?"]

"Ahh Namiss ka kasi ni Gabriella at gusto kang makausap."

["Talaga! Pwede bang makausap siya?!"]

Ibinigay ko sa anak ko ang phone para makapag usap  sila.Mukhang masaya ang pinag uusapan nila dahil abot langit ang ngiti ng anak ko.

"Mama kakausapin ka raw ni tita Samantha!"-sabi ng anak ko sabay bigay sakin ng phone.
"Ohh bakit Sam!?"

["Ahh.. pinatatanong ni Mommy kailangan daw ba namin pwedeng mabisita si Gabriella?"]

"Ah...sa susunod na sabado."

["Ahh okay po,sige papatayin kona itong tawag kailangan ko narin kasing matulog ate."]

"Ahh sige ,bye."

"Ma ano po sabi ni tita?"
Tanong ng anak ko.

"Bibisita raw sila sa susunod na sabado.

"WAHHH!!! Talaga po ba?Yes!!"masayang Sabi ng anak ko at nagtata-talon.

Kinaumagahan ay maaga akong nagising dahil may Vip raw na dadating sa Restaurant.Maaga akong nagluto at nag ayos .Natapos na rin nag ayos ang anak ko at sinimulan na naming kumain.Pagkatapos namin kumain ay hinanda na namin ang gamit namin at nag abang ng Jeep. Nang may dumating na jeep ay agad kaming sumakay ni Gab.pagdating sa school ay hinalikan ako ng pisnge ng anak ko bago tumakbo papasok ng school.Nagmadali na rin akong pumunta sa Restaurant.
Pag dating ko sa restaurant ay nakita ko ang iba na abalang abala sa ginagawa nila.At naka make up ng bongga sila Hannah at Jane!Ano meron?

"Uyy ano meron?"-tanong ko kila Jane

"May pogi tayong VIP mamaya!"-kinikilig na sabi ni Jane.

"Kaya ikaw Isabella ,mag ayos Karin."-sabi ni Hannah

"Psh,paki ko kung pogi."

"Ang sama mo ghurl."
Dumeretsyo na ako sa C.r para magpalit ng uniform namin sa trabaho.
Paglabas ko ehh halos lahat ng ka-trabaho ko ay naka abang sa labas ng pinto.

"Nandyan naba yung Vip?"-tanong ko kay Hannah.

"Oo andyan na SILA!"

"Huh sila?"

"Oo dalawang pogi ang VIP natin!"
Ng Makita kong palabas na ng kotse yung dalawang VIP ehh para akong na-estatwa.Dahil yung Isa sa dalawang lalaki ay si Kyle!
Ang lakas ng tibok ng puso ko!Hindi niya ako pwedeng makilala!
Nagmadali akong naghanap ng surgical mask at sumbrero.Ayokong makilala niya ako.HINDI PWEDE!
Nakapasok na ang dalawang VIP namin.Nakita Kong ini entertain sila ni Ma'am Yumi.Habang sila Hannah at Jane ay nakatitig dun sa dalawang VIP.Siguro nagtataka kayo kung bakit iba ang reaksyon nila?Hindi nila alam kung sino ang tatay ng anak ko.Ayokong malaman pa nila.Napansin kong maraming tao ang nasa labas ng restaurant namin.Siguro Alam nilang dito pupunta ang idol nila.

"Uyy Isabella ikaw daw ang kumuha ng order nila."-sabi sakin ni Jane

"Huh?Ako?Bakit ako?"-sunod sunod na tanong ko.

"Ehh ikaw ang gusto ni ate Yumi na kumuha ehh."-sabi ni Jane.

"Jane ayoko!"

"Ayy wag kang choosy,lapitan mona sila!"-sabi ni Jane sabay tulak sakin ng medyo malakas.
haysss!Wala na akong choice .
Lumapit ako sa pwesto nila Kyle.

"Anong order nyo mga sir?"-pormal na tanong ko.

"Ahmm...isang Salad ,beef grilled and for drinks orange juice na Lang."-sabi ni Kyle.

"May gusto pa poba kayong i-order?"-tanong ko ulit.

"Ikaw?"-sagot nung isang lalaki.

"Huh?ako po?"tanong ko.

"Ahh... I mean ikaw anong pwede masarap na makain dito?!"-paliwanag nung isang lalaki.

"Ahh ....akala ko kung ano na."-bulong ko sa sarili.

"Hintayin nyo na lang po yung order nyo."-sabi ko sabay talikod sa kanila.Hindi pa ako nakakahakbang palayo ng bigla akong tanungin ni Kyle.

"Miss nagkita na ba Tayo?"-tanong ni Kyle.

"Hindi po."-maikling sagot ko.

"Familiar kasi yang mata at kilay mo."

"Baka iba pong tao iyun hindi ako."-pormal na Sabi ko sabay lakad ng mabilis papalayo sa kanila.

Kyle's Pov:
Parang familiar talaga siya sakin ehh Yung mata at kilay niya Familiar talaga ehh..

"Uyy bro bakit mo naman natanong yung babaeng iyun?"-tanong sakin ni James.
Siya si James Sanchez.
Kaibigan ko.

"She's familiar."

"Ahh,kaya."

"Ehh ikaw bakit may pasimpleng banat ka dun sa babae ahh!?"-tanong ko kay James.

"Feeling ko kasi maganda siya ehh,kahit naka mask at sumbrero yung babae ehh parang ang ganda parin Niya tignan."kinikilig na Sabi ni James.
Hanep na lalaking Ito kapag talaga feeling niya na maganda yung babae ,dumadamoves!

Isabella's Pov:
Andito ako ngayon sa C.r, ayokong lumabas ehh.Ayokong makita siya,baka mamaya makilala niya ako.
Mga ilang minuto akong nasa C.R bago lumabas .Paglabas ko ay saktong palabas na rin sila kyle.Aalis na siguro sila.Salamat naman kung ganon.Nang maka alis na sila ay para akong nanghina at bigla na lamang napaupo sa lapag.

"Hoy Bella anong nangyayari sayo,bakit ka umiiyak?!"-nag aalalang tanong sakin ni Ate Yumi.
Inalalayan ako ni ate Yumi ,na umupo sa bakanteng upuan at binigyan ako ng tubig.

"Ano okay kana ba?"-tanong niya ulit.

"Oo ate ,salamat."

"Ano bang nangyari sayo?"

"Ate Yumi ,nakita ko na naman siya ulit!"-umiiyak na Sabi ko na akala mo ay nagsusumbong na bata.

"Huh ,sino?"

"Ang tatay ng anak ko nakita ko na naman siya!"

"Saan mo siya nakita?"

"Dito."

"Sa restaurant natin?"

"Opo,huhuhu!"

"Ehh dalawa lang naman ang costumer natin ngayon?wait! I-isa sa dalawang artista na iyun ang ama ni Gabriella?!"
Tumango lang ako bilang sagot sa tanong niya.

"Sino sa kanila ,Bella?"

"S-si Kyle Anderson."sagot ko

"Oh My Gulay! Bessy si Idol ko ang tatay ni Baby Gabriella?!"-sabat na tanong ni Jane.Narinig niya ang usapan namin ni Ate Yumi.

"Oo."tipid na sagot ko.

"Kaya pala ganon ka na lang mag react ng Makita mo sila ay dahil ang isa duon ay tatay ni Baby Gabriella."-sabat rin ni Hannah.

"Anong gagawin mo niyan Bessy?!"-tanong ni Jane.

"Sa totoo lang hindi ko alam, Hindi ko alam ang gagawin ko."-sagot ko.
"Mukhang pinaglalapit sila ng tadhana Bella."-sabi sakin ni Hannah.

"Siguro Ito na ang panahon para makilala ni baby Gabriella kung sino ang tatay niya."dagdag na Sabi ni ate Yumi.

"P-Pero Hindi pa ako handang ipakilala ang lalaking iyun!Galit ako sa lalaking iyun ate Yumi!"-sabi ko habang umiiyak.
"Pag isipan mo ang magiging desisyon mo Bella."advice ni ate Yumi sakin.

Hiding the famous actor's daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon