Chapter 36

198 6 0
                                    

3 weeks na simula  ng manirahan kami dito sa Laguna.
Sa loob ng 3 linggo na iyun ay palaging bukang bibig ng anak ko ang ama niya.
Naawa man ako ay talagang ayokong magkita sila ng ama niya.
Maganda naman manirahan dito sa probinsya nila nay Sol kahit walang t.v.
Mas maigi narin iyun para hindi  ko nakikita ang mukha ng lalaking iyun!

Lalabas na sana ako sa bahay nila nay sol para puntahan ang anak ko na nakikipaglaro sa mga apo ni nay Sol ay biglang nagring ang phone ko.
Ng tignan ko ito ay si ate Yumi lang pala.

"Hello ate Yumi ,bakit napatawag Ka?"

["Bella bumalik kana dito sa restaurant.Kailangan na kailangan talaga kita.Kulang ako ng kasamahan dito.sobrang busy talaga dito Bella!"]

"Ehh kaso  ate Yumi alam mo namang tinataguan ko si Kyle diba?!"

["Edi dyan muna si baby Gab,tapos ikaw lang ang pumunta dito.Tutulungan kitang magtago sa kanya!"]

"Sige na nga! Alam mo namang malakas ka sakin!Bukas na bukas ay pupunta ako diyan.Siguraduhin mo lang ate na itatago moko sa lokong iyun ate Yumi!"

["O-oo naman Bella ,a-ako ang bahala sayo!"]

"Sige ate Yumi ,bye na muna."

Hayy naku mukhang kailangan ko na namang bumalik sa manila!
Sana hindi kami magkatagpo ng lokong iyun!

Ate Yumi's POV:
["Sige ate Yumi,bye na muna!"]
*Sabay end ng call*

Naku po kung alam mo lang Bella!
Kung ano nang mangyari bukas ay patawarin mo ako!
Gusto ko lang naman ng pagbabago!wow ano election!
Char.....
Gusto ko lang naman makapagusap silang dalawa ng magkalinawan na!

"Ano darating ba siya bukas?"
Tanong ni Kyle Anderson.
Oo  tama ka ng  nabasa si Kyle Anderson nga ang kausap ko.

"Oo pupunta raw siya dito bukas."

"Mabuti naman kung ganon.Salamat."

"Anong Salamat! Aba ayos-ayusin mo bukas! Huwag na huwag mong sasaktan si Bella ,nakuu matatamaan ka talaga sakin!"

"Wag kang mag-alala Mrs Yumi Kim ako ang bahala. *Sabay tumayo* sige aalis naku"

Ng maka alis si Kyle ay agad na lumapit sakin sila Hannah.

" Sure akong lagot ka bukas kay Bella!"
"Bahala na bukas!"

Nang matapos Kong makausap si ate Yumi ay agad kong  pinuntahan ang anak ko.
"Anak!"sigaw ko.

" Mama andyan kana po pala"sabi ng anak ko Sabay lapit sakin.

"Anak may gusto sana akong sabihin sayo."

"Ano po iyun Mama?"

"Anak babalik ako sa Manila para tulungan sila Tita Yumi mo.Kailangan ako nila Tita mo doon eh."

"Iiwan nyo po ako dito Mama?" Malungkot na tanong ng anak ko.

"Oo anak pero wag kang magalala uuwi ako agad.Syempre ayoko naman na iwan ko kayo dito ni nay Sol.Tsaka kailangan din natin ng pera anak."

"Ganon po ba........sige po papayag na ako basta Mama umuwi ka din agad ahh!"

"Oo naman anak!"

Matapos naming mag usap ng anak ko ay kinausap ko rin si nay Sol na pansamantala muna si baby Gab dito sa laguna,mabuti na lang at pumayag siya.

Ng matapos ko silang makausap ay nag impake narin ako para bukas.

FF:
KINAUMAGAHAN ay maaga akong nagising para gumawa ng almusal namin.
Pagkatapos nun ay naligo at nagbihis narin ako.
Ng matapos Kong magbihis ay umalis na rin ako at nagpara ng taxi.

Mga ilang oras ang nakalipas ay nakarating na ako sa harap ng restaurant.

Pero bakit parang may Mali?

Hiding the famous actor's daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon