Chapter 16

213 5 0
                                    

Maaga kaming nagising ng anak ko, dadalhin ko siya sa mansyon ng pamilya Anderson.
Sobrang excited ng anak ko,tipong maaga pa siyang naligo kaysa sakin!

Kyle's Pov:
Maaga akong nagising ngayon.Pupunta rito sila Isabella kaya Kailangan na bongga ang gagawin ko.
Pinagluto ko ng maraming klase ng pagkain ang mga kasambahay,hindi ko kasi alam ang favorite food ng anak ko!
Sila Mommy, Daddy at Sam ay nag aayos narin.
Nakaka excite!

Isabella's Pov:
Pagkatapos naming kumain ni baby Gabriella ay lumabas na kami para pumara ng taxi.
Nakasakay na kami sa taxi ,mga ilang minuto lang ay nakarating na kami sa tapat ng bahay nila Kyle.

"Anak ready ka naba?!"-tanong ko sa anak ko.

"Opo Mama!"

"Sige, Let's go!"

Lumabas na kami sa taxi at pumasok sa mansyon.
Pagkapasok namin sa mansyon ay agad kong napansin ang pamilya Anderson na naka formal attire.Bakit ganyan ang suot nila?

"Ate Isabella halika upo muna Tayo!"Sabi ni Samantha.
Lumapit kami kay Sam at umupo sa sofa.

"Nasaan po si Kyle?!"-tanong ko kay Mrs.Anderson.

"Nasa taas siya,pero pababa narin iyun!"Sabi ni Mrs.Anderson.

Mga ilang minuto lang ay nakita namin si Kyle na pababa na.
Agad kong tinignan ang anak ko.
Sobrang titig na titig sya sa tatay niya.Nakikita ko sa mga mata niya na masaya siya.Ni minsan hindi ko nakita sa mata niya ang ganyang saya.Mukhang tama ang naging desisyon ko.
Ng makalapit si Kyle banda samin ay agad na tumakbo si  baby Gabriella kay Kyle at agad niyang niyakap ang kaniyang ama.Nagulat ako ng may tumulong luha sa mata ni Kyle.Tumingin sakin si Kyle at binigkas ang mga salitang "Thank you!" ng walang boses.

"Papa ang Gwapo mo po!"-pambobola ng anak ko.
Aishh sabi ko na ehh nagmana talaga si Gabriella kay Kyle.
Ilong ko lang ang ata ang namana ng anak ko sakin ,yung the rest kay Kyle!

"Talaga pogi ang papa!?"-masayang tanong ni Kyle.

"Opo!"-bibong sagot ng anak ko.
Ilang oras din nag usap ang mag ama.Halos hindi na umalis si baby Gabriella sa tatay niya.

"Ang cute nila tignan nohh ate!"-sabi ni Sam.

"Oo nga."

"Salamat at binigyan mo ng pagkakataon si Kyle na bumawi sa inyong dalawa."

"Hindi na niya kailangang bumawi sakin,sapat ng mapasaya niya ang anak ko."

"Nga pala ate sorry kasi nasabi ko kay kuya ang tungkol kay Gab.Binantaan niya kasi ako na hahadlangan niya ang pagmamahalan namin ng boyfriend ko kapag hindi ko sinabi.Ehh kilala mo naman iyang si kuya kapag sinabi niya gagawin niya talaga!"

"Psh hindi kana nasanay sa mga pangbabanta ng kuya mo! Pero okay lang iyun pinapatawad na kita!"

"Talaga ate ,nakuu salamat!"

"Sus walang anuman Sam!"
Halos inabot na kami ng Alas syete sa mansyon nila Kyle.

"Ahmm Mr.Anderson,aalis na po kami ,gabi na ehh!"

"Naku dito na kayo magpalipas ng gabi Isabella."-sabi ni Mrs Anderson.

"Ohh anak gusto mo bang matulog dito?!"-tanong ko kay baby Gabriella.

"Oo naman po mama!"

"Ohh paano ba iyan Isabella ,dito na raw kayo matulog!"-ngising sabi ni Kyle.

"Mama dito na tayo matulog tapos tabi tayo nila Papa!"masayang sabi ng anak ko.
Halos manlaki ang mata ko.

"Ahh anak pwede bang wag na lang tayong magtabi tabi!"tanong ko.

"Bakit po Mama,hindi nyo po bang  gustong katabi kami ni papa?!Hindi nyo po ba na miss si Papa?!"-malungkot
Ang alam kasi ng anak ko na bati kami ng tatay niya.Parang nagsisisi na akong magsinungaling tungkol samin ng papa Niya ahh!

"Ahh gusto ko na palang katabi kayo hehe.Namiss ko ang papa mo kaya wag ka ng malungkot.
Nilingon ko si Kyle at nakita kong nakangisi siya sakin.Humanda ka saking loko ka!

Hiding the famous actor's daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon