Chapter 15

216 6 0
                                    

Maaga kaming umuwi ni baby Gabriella.Mabuti na lang ay may naluto ng pagkain si Nay Sol kaya maaga kaming nakakain.
Dahil sa pagod ng anak ko kakalaro ay agad itong nakatulog.
Kailangan kong makausap si Kyle kaso wala naman akong cp number niya!Ahh si Sam na lang tatawagan ko.
[Ring!] [Ring!]

["Ohh ate Isabella bakit napatawag ka?!"]

"Nandyan ba si Kyle?!"

["Oo ate ,bakit?!"]

"Pwede ko ba siyang makausap?"

["Ahh sige ate wait Lang!"]

["Hello Isabella si Kyle ito!"]

"Magkita tayo bukas sa park kung saan huli tayong nag-usap."

["Sige Isabella ,pupunta ako!"]

"Sige bye."matapos kong sabihin iyun ay pinatay kona ang tawag.

Kinaumagahan ay maaga akong nagising.Nakapag paalam na ako kay ate Yumi na hindi ako ngayon papasok ehh.
Ngayon kami magkikita ni Kyle.
Nag abang na ako ng taxi papuntang park.Ng makarating ako sa park ay nakita ko si Kyle na naka hood at mask.Medyo marami kasi ang tao ngayon kaya siguro ganyan ang soot niya.

"Ohh Isabella nandyan kana pala,so anong pag uusapan natin?!"

"Pumapayag nako."

"A-anong pumapayag?!"

"Pumapayag na akong makita mo si Gab ,timang!"

"Maka timang ka sakin Isabella ahhh!"

"May pupuntahan tayo Kyle."

"Huh?Saan?"

"Basta!Tara na sa kotse mo."
Naglakad na kami papunta sa kotse niya at sumakay.
Mga ilang minuto lang ay nakarating na kami sa sementeryo.

"Bakit nasa sementeryo tayo Isabella?!"

"Basta."

Lumabas na kami ni Kyle sa kotse.Pero bago kami pumasok sa sementeryo ay bumili muna kami ng bulaklak.

"S-Saan ba talaga tayo pupunta?!"

"Bago mo makilala si baby Gabriella ay may kailangan ka pang makilala."
Ng makarating kami ay nakita ko kung paano manlaki ang mata ni Kyle.Para siyang naluluha.

"Kyle pinapakilala ko sayo si Jean Gabrielle De Leon,kakambal ni baby Gabriella."

"M-may kambal si baby Gabriella?!"-utal na tanong niya.

"Oo may kakambal siya.Nalaglag siya nung ipinagbubuntis ko sila ng 3 months.Sa kasamaang palad ay nalaglagan ako."malungkot na sabi ko.
Ng lingonin ko si Kyle ay nakayuko ito ,ng mapalingon Ito sakin ay umiiyak siya! Nagulat na lamang ako ng yakapin niya ako ng mahigpit.

"P-patawarin moko Isabella!Sana hindi ko sinunod ang tukso!Sana hindi Ito nangyari sayo at sa anak natin!Sana hindi ganito ang nangyari!Napaka t*nga ko!"-umiiyak na sabi nito.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako makaiyak!Siguro pagod na akong umiyak.
Hinayaan ko lang siyang umiyak habang nakayakap sakin.Alam kong nasasaktan siya ngayon at ito lang ang magagawa ko ,ang hayaan siyang umiyak.

"Tama na ang iyak Kyle."
Unti unti siyang kumalas sa pagkakayakap sakin.

"Okay ka naba?!"-tanong ko sa kanya.

"Sa totoo lang hindi!"

"Tama na ang iyak mo ,magkikita pa kayo ni Gabriella bukas!"

Mga ilang minuto kaming nasa sementeryo bago umuwi.
Hinatid ako ni Kyle sa bahay ko.Bilang pagpapasalamat ko dahil nakatipid ako ng pamasahe ay binigyan ko siya ng lutong ulam na gawa ko.
Ng makapasok ako sa bahay ay nakita ko ang anak kong pinapanood si Kyle sa t.v

"Anak!" Lumingon sa akin ang anak ko at niyakap ako.

"Mama saan po kayo pumunta?!"
"Ahh dyan lang anak."
Umupo kaming dalawa sa sofa naming kahoy.

"Anak gusto mo bang makita ang papa mo?!"-tanong ko kay Gab.

"Hmmm gusto kopo!"

"Gusto mo na ba siyang makilala?!"

"Opo mama!"

"Naa-alala mo ba yung guy na pumunta dito?"

"Yung artista po na bad guy?!"

"A-anak hindi siya bad guy."

"Huh bakit naman po?!"

"Kasi....Ahmm.....Papa mo siya!"

"Huh!? Papa kopo siya?!"

"Oo anak,ahmm... d-dapat ay surprise yun kaso natakot ka kaya hindi ko muna siya pinapunta dito."-pagsisinungaling ko.

"Ehh bakit po kayo nag away?!"

"N-nag away kami dahil tinakot ka niya."

"Hala!Ibig sabihin Mama,dumating na si papa?!Hindi na siya busy!?
Yehey!"-masayang Sabi ng anak ko habang nagtatatalon.
Kina-ilangan kong magsinungaling dahil bata pa ang anak ko ,hindi niya maiintindihan ang mga bagay bagay.

Hiding the famous actor's daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon