Chapter 20

207 5 0
                                    

Umuwi kami ng maaga kahapon ng anak ko.
Halata sa mukha ng anak ko ang lungkot niya na umalis ang tatay niya.

Ngayon ay Sabado kaya wala akong trabaho ,and napagdesisyonan ko na igala ang anak ko.
sa ngayon ay kakatapos lang namin mag ayos dalawa.Ng makalabas na kami ng bahay ay nakita namin si Kyle na nakasandal sa kotse niya.

"Anong ginagawa mo dito?!"

"Hmm binibisita ko kayo."

"Ahh okay."

"Bakit bihis na bihis kayong dalawa saan kayo pupunta?!"-tanong uli ni Kyle.

"Sa SM."

"Anong gagawin niyo doon?!"

"Mamasyal!"

"Ahh sige sasama ako!"

Tinignan ko ng masama si Kyle.Sasama siya samin sa SM ehh baka makilala siya doon!
Tuwang tuwa ang anak ko dahil sasama ang tatay niya at nauna itong pumasok sa kotse.
Ng masiguro kong nakapasok na ng kotse ang anak ko ehh ay agad kong hinampas sa braso si Kyle.

"Ouch!Bakit namamalo ka?!"

"Aba dapat lang iyan sayo!Sasama ka saamin ehh baka makilala ka duon!"

"Hayss wag ka ng mag alala Isabella Hindi ako magpapahalata!"-mayabang na sabi niya.

"Haist!Bahala ka !"Sabi ko at pumasok sa kotse.
Sumakay na rin si Kyle at sinimulan na niyang magdrive.
Ng makarating kami sa SM ay agad na lumabas ang mag ama.Aba parang nakalimutan ata nilang kasama nila ako!
Lumabas na rin ako at sinundan ang dalawa.
Ramdam ko na pinagtitininginan sila baby Gabriella at Kyle.Paano ba naman ehh naka mask at sumbrero si Kyle,mukha tuloy siyang magnanakaw HAHAHA!
Una naming pinuntahan ang arcade.Halos yung mag ama lang ang naglaro at ako ay nanonood lang sa kanila.Ng mapagod sila ay naghanap kami ng restaurant.Ng maka hanap kami ng restaurant ay agad kaming nag order,mga ilang minuto lang ay dumating na ang order namin kaya nagsimula na kaming kumain.Ng matapos kami kumain ay napagpasyahan kong mag grocery na rin.
Agad naming hinanap ang Supermarket.Papasok na sana kami ng harangin ng mga guard si Kyle.
Pinapatanggal nila yung sumbrero at mask niya.
Naku patay na!
Unti unting tinanggal ni Kyle ang mask niya,kitang kita ko kung paano manlaki ang mga mata nila ng Makita si Kyle na hawak na bata sa tabi niya.
Dahil sa nagpanic na ako ay hinila ko si Kyle paalis sa Supermarket.

"Wahhh Kyle ang pogi mo!!"-Sigaw nung isang babae na humahabol samin.Halos isang batalyon silang nahabol saming tatlo.Mabuti na lang ay buhat niya si baby Gabriella kaya mabilis kaming nakapagtago sa C.R

"Haist!Ito na nga ba ang kinakatakutan ko Kyle ehhh!"-sabi ko.

"Hindi ko rin naman din alam na haharangin nila ako nohh!"

"Haharangin ka talaga nila dahil mukha kang MAGNA!"

"Huh!Anong Magna?!"

"Mukha kang MAGNAnakaw!"

"Hoy ang sama mo sakin Isabella ahh!"

"Ewan sayo!"sagot ko.
Alam kong mukhang matatagalan kaming makaalis dito sa c.r kaya Kailangan kong makaisip ng paraan para makalabas kami.Teka may naisip nako!

"Ahmm Kyle pwede bang dito lang kayo!?Bibili ako ng damit kailangan
nating magpalit!"

"Sige Basta bilisan mo Isabella!"

"Oo."
Agad akong lumabas sa C.r at pumunta sa bilihan ng damit.
Dahil wala na akong panahon na pumili ay napagpasyahan kong kumuha ng family t-shirt.Ng maka bili na ako ay agad akong bumali sa C.r at pinaltan ko na ng damit si Baby Gabriella.Nagpalit narin ako at si Kyle ng damit.Ng makasiguro akong wala masyadong tao ay nagmadali kaming lumabas hanggang makapunta kami aa parking lot.
Agad kaming dumeretsyo sa kotse ni Kyle at pumasok.
Sinimulan na agad paandarin ni kyle ang kotse paalis.
Sigurado akong may nakakuha ng picture ng mag ama!Maaring maibalita Ito,anong gagawin ko?!

Safe kaming nakauwi ni baby Gabriella.after niya kaming inihatid ay umalis na rin si Kyle.
Kinakabahan ako sa mangyayari bukas!

Kinaumagahan ay hindi muna ako pumasok sa trabaho dahil sa pag aalala ko sa anak ko.
Agad kong binuksan ang fb ko at laman ng newsfeed ko ang picture ni baby Gabriella at Kyle.Kitang Kita ang mukha ng anak ko!
Maraming nagsasabi sa comment na mukhang anak raw ito ni Kyle.
Kanina ay tinawagan ako ni Kyle na magpapa interview raw siya about dun.Ano kayang gagawin ni Kyle?!
Mga ilang minuto lang ay nakita ko na sa tv na sinisimulan na nilang I- interview si Kyle.

"So Kyle maraming may curious about doon sa picture na viral ngayon.Maraming nagtatanong Kung anak mo raw ba ang batang buhat mo noon?Anong maisasagot mo?"tanong nung host.

"Ahmm...Alam kong maraming madi- dissapoint  na fan sakin pero ngayon ay aamin na ako.Totoo pong may anak ako." Sagot ni Kyle.
"Si Chloe ba ang ina ng bata?!"
"Ahmm Hindi po si Chloe ang ina ng anak ko,ahm... yung first love kopo ang nanay ng anak ko."-sagot niya.

"Alam ba Ito ni Ms.Chloe?!"

"Ahmm opo ,inamin ko sa kanya ang tungkol sa anak ko."

"Ilang taon na ang bata?!"

" 5 years old na ang anak ko." Sagot ni Kyle.

"Hmm sa pagkakakita ko sa mga pictures mukhang maganda ang nanay ng bata,kasi tignan mo naman ohh napaka ganda ng bata!"-papuri nung MC

"Ayy nako syempre naman maganda.......t-talaga ang anak ko hehe!"-sagot ni Kyle.

"Anong gusto mong sabihin sa mga fans mo Kyle.?!"-tanong nung MC.

"Ahmm gusto ko lang sabihin na Sorry!Kasi Itinago ko ang katotohanan na may anak na ako.And magpapasalamat ako sa ibang Fans na patuloy na naniniwala sakin.At gusto ko rin magpasalamat sa first love ko dahil binigay niya sakin ang pinaka magandang regalo sa mundo!Yun lang po."

"Salamat sa pag guest Mr.Kyle Anderson.Salamat sa panonood Bye!"-sabi nung MC.
Ng matapos ang palabas na iyun ay ini-off kona ang t.v,mukhang magugulo na ang simpleng buhay ng anak ko!

Hiding the famous actor's daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon