Chapter 42

178 6 0
                                    

Third person Pov:
Agad na nilapitan ni Isabella si kyle.
Ng makalapit siya ay agad niyang sinampal si kyle.

PAK! (Tunog ng sampal)

"Aray bakit moko sinampal?!" Tanong ni kyle .

"Para matauhan ka!" Naiinis na sabi ni Bella.

"Matauhan?,para saan?" Naguguluhang tanong ni kyle.

"Para matauhan ka na kapag umalis ka ,para mo naring tinakbuhan ang responsibilidad mo bilang ama! Aalis ka na lang bigla! Pagkatapos mong magpa interview at ipakita sa social media ang mukha namin ng anak ko,t-tapos b-bigla ka na lang aalis!" Hindi namalayan ni Isabella na unti unti  na pa lang tumutulo ang mga luha sa kanyang mata.

"Hindi mo man lang ako sinasabihan sa personal ,m-may pa letter ka pang nalalaman!
P-paano na ako ,i-i mean paano na ang anak natin!? Oo galit ako! Galit na galit ako.......sa sarili ko Kyle!  Galit na galit ako sa sarili ko dahil kahit anong ginawa mong masama sakin.......napapatawad ka parin nito *sabay turo sa dibdib* .Kahit anong sabi ko sa sarili ko na kalimutan na kita.......Hindi ko parin magawa!
Please! H-huwag ka ng umalis Kyle!
H-hindi ko kayang malayo ka ulit !
H-hindi ko kaya Kyle!" Umiiyak na sabi ni Isabella.

Nagulat ang lahat ng bigla na lamang hinila ni Kyle si Bella at niyakap ito ng mahigpit.

"A-akala ko hindi kana darating Bella!" Bulong ni Kyle.

Ilang segundo rin tumagal ang yakapan nila bago siya pinakawalan ni Kyle.

"Hindi kana galit sakin?"tanong ni Kyle Kay Bella.
"Hindi na!" Nakangiting sagot ni Isabella.

"Bati na tayo?!" Parang batang tanong ni Kyle.

"Oo Bati na tayo."

Napasinghap ang lahat ng nanonood ng halikan ni Kyle si Bella sa noo.

"Salamat!" Bulong ni Kyle.

Ngiti lamang ang naging sagot ni Bella.

"Ahhh nga pala may sasabihin pa ako sayo Bella."

"Ahmm anong sasabihin mo?"

"Ahh....a-ano.... h-hindi talaga ako aalis."
Sabi ni Kyle habang nakamot sa batok niya.

"Huh? Hindi ka talaga aalis?"

"Ahh oo.Plano ko lang ito para magbati na tayo!"

"ANO!" sigaw ni Isabella.
Con~

"ANO!" Sigaw ni Isabella.

"Hehe sorry na Bella! Ginawa ko lang naman iyun kasi gusto Kong magbati na tayo!" Sabi ni Kyle.

"KYLE MALILINTIKAN KA TALAGA SAKIN!" Sigaw ni Kyle.

Napatakbo na lamang si Kyle palabas ng airport dahil alam niyang magiging halimaw na naman si Bella.

"Wahhh Bella ,sorry na!" Sabi ni Kyle habang nanakbo.

Hiding the famous actor's daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon