Chapter 6

173 4 0
                                    

Mga ilang minuto rin akong nasa office ni ate Yumi.
Maya maya lang ay may kumatok sa pinto at nung mabuksan yun ay si Ate Yumi pala.

"Okay kana ba?!"-tanong nya.

"Hindi pa ate Yumi."

"Bakit mo sinabing rason mo lang na buntis ka?!"

"Ate Yumi hindi ko pa kayang sabihin sa kanya.dahil hanggang ngayon galit parin ako sa kanya."

"Pero alam mo naman na kailangan parin ni Baby Gabriella ng ama ,diba?"

"Oo ate alam ko naman yun.Kailangan kong ihanda ang sarili ko , kailangan kopa ng oras,kahit konting oras lang."

"Okay desisyon mo yan.Nga pala hindi kopa naisabi sayo,One week silang mag sho-shoot dito."

"What?!Totoo ba Yan?!"

"Oo nga totoo ang sinasabi ko!"

" Ibig sabihin nun one week akong mag sa -suffer na makita ang  lalaking iyun?!"

"Yeah,one week.Magtiis ka muna Bella.Tandaan mo kailangan mong maging professional."

"Haysss.....Isang araw pa nga lang na nagkita kami ,away na agad ang nangyari paano pa kaya sa susunod pang araw!"-frustrated na sabi ko.
Dahil sa stress ko ay halos sabunutan kona ang sarili kong buhok.Nakaka- inis!

"Lumabas kana Bella sa office ko.Kailangan mo pang magtrabaho."-sabi ni ate Yumi at tinutulak ako palabas.
Nang makalabas ako sa office ay napansin kong nagsimula na pala silang mag shoot ng mga scenes sa movie.
Mukhang ang ganap nilang tatlo ay mga waiter dito.

"Okay Cut!"-sabi nung director.
Kanya kanya ng upo yung mga artista .Mukhang pagod na pagod sila ahh.

"Uyy dalhan mo raw sila ng tubig,pinapasabi ni ate Yumi."-sabi ni Jane.
Kakatitig ko kasi sa kanila ayan tuloy hindi ko namalayan na tumabi sakin si Jane.

"Pwede bang ikaw na lang Jane?!"

"Busy rin ako Bessy kaya ikaw na lang."-sabi ni Jane sabay alis sa tabi ko.
Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig nila.
Lumapit ako doon sa isang lalaki.

"Sir Ito po yung tubig niyo."

"Ahh thank you. Ahh nga pala miss anong name mo ulit?!"

"Ahhh Isabella po.Ikaw?!"

"Ako si Gerald."

"Nice to meet you Gerald.Punta na ako sa kabila ahh bye."Sabi ko sabay alis at pumunta dun sa isa pang lalaki

"Sir tubig niyo po."

"Ayy...thank you!"

"You're welcome."

"Ikaw si Miss Isabella ,right?"

"Ahh oo,ako nga."

"Ako pala si James.Kaibigan ni Kyle."

"Ahh nice to meet you James."
Nang maibigay kona ang ang mga tubig nila ay pumunta na ako kay Kyle.

"Ayan na tubig mo!"-bagot na sabi ko at walang ingat na nilagay ang tubig sa kanya.

"Nagugutom ako , pa order ng burger."-ngising sabi niya.
"Okay po SIR!"-sabi ko.Diniinan ko talaga ang salitang Sir!Mahiya naman siya nohh.
Bagot akong pumunta sa kusina at kinuha yung order niya.
Lumabas ako sa kusina at dumeretsyo kay Kyle para ibigay ang order niya.

"Ayan napo ang order niyo sir."

"Thanks.Medyo pinapawisan ako kasi sa likod ,pwedeng paki punasan mo?!"-ngising tanong niya.
Aba sa pagkaka-alam mo manager ako dito hindi P.A!

"Sir Kyle!Hindi mopo ako P.a,manager po ako hindi p.a!"-inis na sabi ko.

"Well kung ayaw mo ,gagawa ako ng paraan para gawin mo.Miss Yumi?!"
Lumapit si ate Yumi kay Kyle.

"Ano iyun Mr.Kyle?!"
"Ahmm nagday off kasi yung p.a ko kaya walang tumutulong sakin ngayon.Humingi ako ng tulong kay Miss Isabella kaso hindi naman ako tinulungan ,pwede bang paki pilit mo siya na tulungan ako!?"-pabebe tanong niya.
Hanep ang lalaking ito!

"Ahmm pwede naman."-sagot ni ate Yumi.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni ate Yumi.Hindi ako makapaniwala na pumayag siya!

"Bella paki tulungan siya ahh,tandaan mo costumer mo siya."-sabi ni ate Yumi sabay tapik sa balikat ko.
Tumalikod na si ate Yumi samin ang dumeretsyo sa office niya.

"Ohh narinig mo sabi Niya diba ,tulungan mo daw ako."-ngising sabi niya.

"Masaya ka?!"-inis na tanong ko.

"Oo naman sobrang saya!"-ngising tanong niya.

Kinuha kona ang towel at sinimulang punasan ang likod ng lalaking ito.
Medyo may galit yung pagpunas ko sa likod niya kaya naririnig ko siyang uma-aray HAHAHA!

"Tapos na po Sir!"-ngising sabi ko.

"Paki punasan nga yung pawis sa mukha ko."-utos niya.

"Opo sir!"

Kumuha ako ng tissue at medyo lumapit ako sa kanya para mapunasan ang mukha niya.
Habang pinupunasan ko siya ay todo titig naman siya sakin.Medyo awkward kaming tignan ahh!Pilit kong iniiwasan na matignan siya sa mata.Pero dahil pupunasan ko ang pisngi niya ay hindi sinasadyang natignan ko siya sa mata.pareho kaming nakatingin sa isat isa.Ng marealize ko na masyado na akong nakatitig sa kanya ay agad akong lumayo sa kanya.

"Ahhh...tapos konang punasan ka sir , kailangan ko nang umalis."-huling Sabi ko sabay alis sa pwesto niya.
Haysss ano bang nangyayari sakin!?

Hiding the famous actor's daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon