Chapter 25

203 3 0
                                    

                         Kyle's Pov:

Kailangan na may gawin ako para ma move ang date ng kasal.Pero paano?
Mamaya ay may dinner kami kasama ng pamilya De Leon.
T-teka speaking of De Leon?!
May naisip na ako!!

Habang nag iisip ako ng plano ay tumawag ang Investigator ko.

"Hello,nahanap mo naba sila?!"

["Yes sir.Nakatira sila ngayon sa kaibigan niya."]

"Good!Samahan moko doon may kukunin tayo!"Sabi ko bago i-end ang call.

Sisuguraduhin kong mai-aatras ang date ng kasal bukas!

Isabella's Pov:

Nasa restaurant ako ngayon para I assist sila Hannah.
Nasa bahay ang anak ko.Hanggang ngayon hindi parin siya maka move on tungkol sa papa niya.Ginawa kona ang lahat para maging okay si baby Gab pero wala parin ehh.
Habang nasa kusina ako ay nagulat ako ng sumulpot sa harap ko si Ate Yumi at hinila niya ako palabas sa kusina.

"Bella umuwi ka muna ngayon!"-natatarantang sabi ni Ate Yumi.

"Huh?Bakit?"

"S-si Baby Gab......"

"Anong meron sa anak ko?!"

"May kumuha sa kanya sa bahay."
Ng sabihin ni ate Yumi iyun ay nagmadali akong lumabas ng restaurant at pumara ng taxi.
Hindi kona nagawang magpalit ng damit,mas mahalaga ang anak ko!
Ng makarating ako sa bahay ay sinalubong ako ng kasambahay.

"Anong nangyari dito?!"

"Ehh ma'am ,may nagpakilala po kasing lalaki dito na anak niya raw po si baby Gab.Ng tinanong kopo yung anak nyo kung totoo ay umoo po yung bata kaya hinayaan ko na lang po na dalhin niya yung bata.Bago po pala umalis pinapabigay nya po itong papel sayo!"-sabi nung kasambahay sabay abot sakin ng papel.
Binuklat ko ang papel.Pagbuklat ko ay may nakasulat na address ng lugar.Mukhang kailangan kong puntahan ang lugar na ito.

"Sige salamat,aalis na ako!"-sabi ko sa kasambahay bago umalis.
Isang oras ang nakalipas ay nakarating na ako sa address na nakasulat sa papel.Isa siyang restaurant.
Ng makapasok ako ay tinanong ako ng babae.

"Ikaw po ba si Ms.Isabella De Leon?!"

"Ako nga."

"Sumunod po kayo sakin."

Sinundan ko ang babae hanggang sa makarating kami sa isang room ,pang private ata tohh!?
Kakatok na sana ako ng may  mga nabosesan ako.Kilala ko kung sino sino yun!
S-sila mama at papa!
Nandito s-sila!
Nanatili muna ako sa labas para pakinggan ang mga pinaguusapan nila.

"Anak mo ba ang batang ito Kyle?! Maganda ang bata ahh!"-sabi ni Mama este Mrs.De Leon.

"Nasaan ang nanay ng batang iyan?"-tanong ni Mr.De Leon.

"Ahmm nasa trabaho po."-sagot ni Kyle.

"Sigurado ka bang matinong babae ang nanay niyan?Baka naman pera lang ang habol sayo ng babae kaya nagpabuntis sayo!?"-sabi ni Mrs.De Leon.
Anong karapatan nilang basta basta na lang manghusga ng Tao!?
At sa harap pa ng anak ko!
Mga walang pusong Tao!

"Baka naman pabaya ang nanay niyan.O hindi kaya ay bayarang babae HAHHAHA!"-patuloy na sabi ni Mrs.De Leon.

Hindi na ako nakapagtimpi sa mga sinasabi nila!
Malakas kong tinulak ang pinto at agad kong nilapitan ang anak ko at binuhat ko Ito.
Nakita ko kung paano manlaki ang mata ng mga magulang ko.Napatayo pa nga si Mrs.De Leon.

"Okay lang sakin na sabihan nyo ako ng mga masasamang salita.Sabihan nyo na ako Ng pokpok ,malandi ,at bayaring babae ,WALA AKONG PAKE! Pero ang sabihin nyo iyun sa harap ng anak ko!Hindi ko yun matatanggap!
Matuto kayong kilalanin ang taong iyun bago husgahan!"
Sabi ko bago sila talikuran at lumabas sa room na iyun.
Hinabol pala ako ni Mrs Dr Leon,hinarangan niya ang dadaanan ko,hahawakan niya sana ang kamay ko ng tabigin ko iyun.

"Wag nyo pong haharangan ang dadaanan ko!"
Nagmadali akong lumabas at nagpara Ng taxi.
Ang KAKAKAPAL NG MGA MUKHA NILA!

KYLE'S POV:
"Bakit Hindi mo sinabi saamin na si Isabella ang nanay ng bata?!"-tanong sakin ni Mr.De Leon.

"Ehh baka po magalit kayo."-palusot ko.

"Walang kwenta ang dinner na ito!Nag da dalawang isip na tuloy ako sa kasal na Ito! I move nyo ang date ng kasal!"Sabi ni Mr De Leon.

"Pero pa-"

"Wala ng pero pero Chloe!I move nyo ang date ng kasal!"-sabi ni Mr De Leon bago lumabas ng room.
Gumana ang plano ko!

Hiding the famous actor's daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon