Chapter 31

199 3 0
                                    

Pangalawang araw na namin sa beach.
Maagang nag swimming yung mag ama habang ako ay nagluluto ako ngayon ng ulam namin.
Alam kong mamaya ay magugutom na yung mga iyun.
Habang nagluluto ako ay nakaramdam ako ng Kaba.Feeling ko may tao sa likod ko.
Dahil sa curious ko ay agad akong humarap sa taong iyun.
Hahampasin ko sana ang taong iyun ng kawali,pero ng mamukaan kona si Kyle lang pala ay hindi kona itinuloy.
"Anong kailangan mo?!"
"Hmmmm......nagugutom na kami ng anak mo!"
"Wait lang ,Hindi pa masyadong luto yung pagkain!"
"Aishhh ang bagal mo naman kasi ehhh!"
Aba!Napaka reklamador ng lalaking ito ahhh!
Palit kaya Kami,Siya ang magluto ako ang lalabas!
"Aba ang Arte mo Kyle!"
"Maarte! Ang sabihin mo mabagal ka lang talaga Bella!"
"Ako ba ay iniinis mo Kyle?!"
"Oo iniinis kita! Bakit may angal ka?!"
"Oo may angal ako!"
Sa sobrang inis ko ay kinuha ko ulit ang kawali at pinagpapalo ko si Kyle.
"Aray! Isabella masakit!!"
"Dapat lang sayo yan! Kahapon kapa! Nakakabwisit kana!"inis na Sabi ko.
Hahampasin ko sana ulit siya ng hulihin niya ang kamay ko at hinila ako papalapit sa kanya,kaya ang resulta nabitawan ko yung kawali!
"Hoy! Bitawan mo nga ako!"
"Ayoko nga! Matapos mong manakit ehh!"
"Kasalanan mo naman kasi Kyle!"
"Aba kahit na kailangan ko ring bumawi ,at ang pambawi ko ay hahalikan na lang kita!"Sabi ni Kyle habang naka ngisi pa!
"H-hoy h-huwag kang magbiro ng ganyan,hindi nakakatuwa!!"
"Hindi naman ako nagbibiro Isabella! Tsaka nacu-curious din ako kung hanggang ngayon ay lasang strawberry parin ang lips mo?!"
"Hoy umayos Ka nga!"Sabi ko habang pilit kong hinihila ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
"Huwag ka ng mahiya! Parang hindi naman natin ginawa yun dati!"
"Aba dati lang iyun,hindi na ngayon!"
Mahahalikan na sana niya ako ng biglang sumulpot ang anak namin.
"Papa magswimming napo ulit tayo!"
Sabi ng anak ko.
Nakita kong napasimangot si Kyle dahil hindi nangyari ang balak niya.
Ang galing talaga mag timing ng anak ko! Na save niya ako sa loko niyang tatay!
Habang hinihila siya palabas ni baby Gabriella ay lumingon sakin si Kyle.
Sinenyasan nya ako na lagot ako sa kanya mamaya.
Siniringan ko na lang siya at nagluto na ulit ako.

Naging okay naman ako sa mag hapon.Hindi matuloy tuloy ni Kyle ang balak niya dahil sa anak namin.
Pero ngayong gabi ay medyo kinabahan ako.Baka kasi matuloy niya ang balak niya.
At ayokong mangyari iyun dahil unang una may FIANCE siya! At pangalawa para narin akong third party nun!
Napagpasyahan kona mauna kaming matulog ng anak ko para hindi niya talaga matuloy HAHAHA!

KYLE'S POV:
Ramdam ko na medyo umiiwas sakin si Isabella.
Mukhang natatakot siya HAHAHA.
Balak ko sanang halikan siya kaso naunang natulog ang mag ina ko.
Hindi naman halatang ayaw niya nohh!!
Pero dahil walang makakapigil sakin pasimple ko siyang hinalikan ...........
...sa noo.
Alam ko naman na ayaw niya talaga.
Inaasar ko lang siya dahil natutuwa ako kapag naiinis siya.
Parang bumabalik kami sa dati nung bagong mag jowa pa lang kami.
At sinadya kong gawin ang vacation na ito para masolo ko siya.... I mean silang mag ina.
Hahalikan ko pa sana ulit siya sa noo ng tumunog  ang phone ko.
Ng tignan ko iyun ay si manager ko pala.
"Anong kailangan mo manager?!"
["Ginagambala ako ng fiance mo Kyle! Hinahanap ka niya sakin! Anong gagawin ko?!"]
"Diba manager ka?"
["Oo!"]
"Edi ikaw ang gumawa ng paraan! bye!"
Sabi ko sabay end ng call.
Pampasira sila ng mood!

Pang Three days na naming nasa kalayaan beach ( charr lang yan HAHAHA!).
Yungag ama ayun nag swimming na naman ,hindi naman halatang namiss nila ang isat isa noh?!!
Habang ako ay gumagala muna ako,wala ako sa mood mag swimming ehhh.
Habang naglalakad ako ay may lumapit sakin na babae. Base sa uniform niya mukhang nagtatrabaho siya dito.
"Ahmmm....miss ikaw po ba si Ms. Isabella De Leon?"
"Oo ako ,may kailangan kaba?!"
"Ahmm.....may gusto pong kumausap sa inyo.Nasa restaurant po siya ngayon."
"Anong name?"
"Si Ms. Chloe De Leon po."
Paano nalaman ni  ate Chloe na magkasama kami nila Kyle?
Sa bagay stalker naman ang babaeng iyun!
"Sige,ituro mo sakin ang daan."
"Sige po ma'am."
Hinatid ako ng babae sa loob ng isang restaurant kung saan may naka upong babae , si Chloe lang at ako ang nasa loob ng restaurant.
Kahit kabado ako ay mas pinili kong lapitan siya at  umupo ako sa upuan na kaharap niya.
"Mabuti naman at dumating ka!"nakangiting Sabi niya.
"Anong kailangan mo sakin."
"Gusto lang kitang makausap."
"Kung inaakala mo inaagaw ko ang fiance mo nagkakamali ka ate Chloe."
"Alam ko naman iyun Bella ."
"Ehh... Ano ngang kailangan mo?!"
"Alam kong nagkamali ako nun dati Bella .Ngayon ko lang na realized na masyado ko ng inagaw ang lahat sayo.At nagi-guilty ako dun.
Ibabalik ko sayo ang lahat Bella!
B-basta wag lang si Kyle!"
Umiiyak na Sabi ni ate Chloe sakin.
Nagulat ako ng lumuhod siya sakin.
Nakaramdam ako ng awa dahil kahit papaano ay ate  ko parin siya.
"P-please Bella ibigay mona sakin si Kyle! N-nag mamakaawa ako!"

"Ate Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo!
Bakit ganyan ka na lang mag Mahal sa lalaking iyun ! Para mo na siyang sinasamba! Ano siya rebulto!! ATE BAKIT KABA NAGKAKAGANYAN! HINDI IKAW YAN! A-ATE C-CHLOE BAKIT GANYAN MO NA LANG SIYA KAMAHAL! ATE NAHIHIBANG KANA!"
Pasigaw na sabi ko.
Hindi ko na lang namalayan na umiiyak na ako.
Hindi ko kayang Makita ang ate ko na ganito. Palaban ang ate na Kilala ko! Bakit Siya nagkakaganyan dahil lang sa lalaking iyun!?
"Bella Mahal na Mahal ko siya dati pa! at alam mo yan! Bella please layuan mo na siya para sakin!
Promise! Ibabalik ko sayo lahat ng Tao at bagay na inagaw ko! Ibalik mo lang siya sakin!"
Hahawakan niya sana ang kamay ko ng tabigin ko Ito.
Gusto ko ng maka alis sa restaurant na ito ,Hindi ko kayang Makita ng ganyan si ate Chloe.
"NAHIHIBANG KANA!"
May diing Sabi ko bago ko siya talikuran.
Patakbo akong lumabas ng  restaurant na iyun.
Dahil sa nangyari ngayon ay biglang kong naalala ang mga panahon na inamin ni ate Chloe sakin na gusto niya si Kyle.

FLASHBACK:
" BELLA!"
Pasigaw na sabi ni Ate Chloe sabay talon sa kama ko.
"Anyari na naman sayo ate Chloe?!"
"May ipapakita ako sayo!"
Expected ko na ito ,bago na naman niyang crush.
"Ohh ano na naman iyun!"
"Ito ohhh Yan si Kyle Anderson.Siya yung bagong hearthrob sa school natin!"
Sabi ni ate sabay pakita ng picture sakin.
"Infairness may itsura siya.Pero mukhang badboy diko type!"
"Wow makasabi ng hindi mo type,bakit type kaba niya hah?!!"
"Hindi."
"Hindi Pala ehhh."
"Jowain mo na iyan ate Chloe mukhang bagay naman kayo ehh!"bagot na Sabi ko.
"Syempre jojowain ko talaga Yan! AT WALANG MAKAKAPIGIL SAKIN!"Pasigaw na Sabi ni ate Chloe.
"Ohhh....share mo lang ate Chloe?!"
"Oo share ko lang Bella.Alam mo ang boring mo kausap.Aalis na nga ako!"
"Aba dapat lang ate Chloe.Kwarto ko ito kaya,tsupi!!"
Kinaumagahan ay maagang pumasok sa school si ate Chloe.
Nga pala 3rd year highschool na kami,skl.

Hiding the famous actor's daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon