Chapter 28

228 5 0
                                    

Card giving ngayong araw.
Tumawag sakin si Sir Paolo kagabi about dun.Gusto ko sana isama ang anak ko kaso nga lang ehh ,baka may maka kilala pa.
It's already 9 am kaya kailangan ko narin pumunta ng school ni baby Gabriella.
Tapos narin naman ako mag ayos.

"Baby Gabriella!"

"Yes Mama!?"

"Aalis na ako ahhh!Wag kang pasaway!"

"Opo Mama!"
Agad na akong lumabas at pumara ng jeep.
Mga ilang minuto lang ay nakarating na ako sa school.
Maraming parents na nasa school.
Dumiretsyo na ako sa room ng anak ko ,pagdating ko doon ay wala ng mga magulang!Teka late na naman ba ako?!
Langya 8:30 pala ang card giving! Nakalimutan ko!
May dumaang teacher kaya agad ko itong tinanong.

"Ahh.. excuse me po ma'am ,tanong ko lang nasaan po si sir Paolo?"

"Ahhh si sir Paolo! Nasa kabilang room siya ngayon ,puntahan mo sa may third floor ,pangatlong room."sabi nung teacher.

"Salamat po."
Nagmadali na akong umakyat papuntang third floor ng makarating na ako sa third room ay agad akong kumatok.
[Tok!] [Tok!]

"Sino yan?"
"Ahh ako po si Ms isabella-"
Hindi kona natapos ang sasabihin ko ng biglang magbukas ang pinto at agad akong hinila ni Sir Paolo papalapit sa kanya kaya ang resulta mukha akong nakayakap sa kanya.

"Hayss... Lagi ka na lang late Isabella ,napaka makakalimutin mo talaga!"
Sabi niya.
Agad akong lumayo kay sir Paolo dahil medyo nakaramdam ako Ng awkward hehe.

"Ahh....N-nakalimutan ko kasi kung anong oras nag card giving hehe!"

"Naku lagi naman ehh! Lika pumasok ka at sasabihin ko sayo yung mga pinag meetingan naming ng ibang parents kanina."

"Okay sige!"

Kyle's Pov:
Hindi parin ako maka move on sa nangyari kagabi!Ang babaeng iyun,mukhang dine date niya  ang lalaking iyun!
Aba hindi pwede yun Kasi.............. T-teka bakit nga ba hindi pwede?Single naman siya .......pero bakit ayaw ko? Haishhh nakakabaliw!
Agad akong nag ayos ,dahil gusto kong makausap ang babaeng iyun!
Ng maka ligo at bihis na ako ay agad na akong bumaba at lumabas ng bahay.
Paglabas ko ay sumakay na ako sa kotse ko papunta kila Isabella.
Mga ilang minuto lang ng byahe ay nakarating na ako sa tinutuluyan nila Isabella.
Walang pasabi akong pumasok sa loob.
Pagpasok ko ay si baby Gabriella at ang kasambahay lang ang nandito! Asan na naman ang babaeng iyun!?

"Baby Gabriella!"

"Papa!"

"Baby Gabriella asan ang  Mama mo?"

"Nasa school po!"

"Huh? bakit?"

"May card giving po ngayon ehh!"
Kung nasa school siya ay ibig sabihin nun magkikita sila nung sir Paolo na iyun!
HINDI PWEDE!!

"Anak dito ka lang muna , pupuntahan ko ang mama!"

"Okay po!"

Nagmadali akong lumabas ng bahay at agad  akong pinaandar ang sasakyan papuntang school.
Namumuro kana sakin Sir Paolo!

Isabella's Pov:

Habang nag uusap kami ni Sir Paolo about sa performance ng anak ko sa school ay biglang may mga naririnig kaming mga nagtitilian sa labas.
Anong kayang Meron?
May isang babaeng teacher ang nagmamadaling pumasok sa room.

"Teacher Aki ,anong meron sa labas?"-tanong ni sir Paolo dun sa babae.

"Andyan si Kyle Anderson sa Baba! OMG! KAILANGAN KO SIYANG MAABUTAN!BABUSH!"-sabi nung teacher at agad na lumabas.
Alam kaya niyang nandito ako sa school?
Kung alam man niya wala akong pake!Maghanap siya!
Pero...........baka mapahamak naman siya sa labas!
Kahit kailan Ang t*nga ng lalaking iyun!
Tumayo na sana ako para sana lumabas ng pigilan ako ni Sir Paolo.

"Saan ka pupunta?"

"Ilalayo  ko sa gulo ang lokong iyun!"

"Samahan na kita Isabella ,tutulungan ko kayo."

"Sige Tara na ,baka mabuang ang lalaking iyun!"

Kyle's Pov:

Agad  akong lumabas ng kotse ko.
Paglabas ko ay agad na nagtinginan sakin ang mga Tao.
Ohh no! Bakit ba naman kasi nakalimutan kong magmask!

Tumakbo ako ng mabilis para hindi nila ako palibutan pero ang daming nahabol sakin! Halos isang battalion!
Takbo ako ng takbo hanggang sa mapadpad ako sa garden.And andun din sila Sir Paolo at Isabella.

Isabella's pov:

Inikot na namin ang ibang building hanggang sa mapadpad kami sa may garden.Aalis na sana kami ni sir Paolo ng Makita ko si Kyle na mukhang napagod kakatakbo!
Agad ko itong nilapitan ,hindi para bigyan siya ng tubig,binigyan ko siya ng malutong na kutos!

"Aray!!Bakit nangungutos ka hah!?!"-tanong ni Kyle habang iniinda yung sakit ng kutos ko.

"Bakit ka kasi nandito!Tapos wala ka pang suot na mask man lang?!"

"Ehh sa nakalimutan ko!Anong magagawa ko?!"

"Hayss ang obob mo talaga kahit kailan Kyle!!"

Kukutusan ko sana ulit siya ng marinig kong paparating na yung mga fans niya.
Agad kong hinawakan ang kamay ni Kyle.

"Paolo Alam mona ang gagawin!"

"Sige ako bahala!"

Hinila ko si Kyle sa may  malapit na c.r at dun kami pansamantalang nagtago.

"Hayss ang lapit mo sakin babae!"inis na Sabi ni Kyle.

"Wow ahhh! Choosy kapa!"sagot ko.

Alam kong medyo awkward dahil masyado kaming malapit sa isat isa pero mas kailangan naming makatakas ngayon!
Mga ilang minuto lang ay may kumatok sa c.r

"Uyy si Sir Paolo ito ,lumabas na kayo diyan!"
Agad akong lumayo kay Kyle at binuksan ko ang c.r

"Naku thank you talaga Paolo!"Sabi ko sabay hawak ko ng kamay ni Paolo.

"Suss basta ikaw walang problema!"
Sasagot na sana ako ng dumaan sa gitna namin si Kyle.

"Masyado kayong pa sweet diyan!Umalis na tayo Isabella,kanina kapa hinahanap ni Baby Gab!"

"Tsk!Oo na!"Sagot ko kay Kyle.

"Sige alis na kami sir Paolo!"

"Sige ingat ka Isabella."
Nagmadali kami ni Kyle na makalabas ng gate at agad kaming sumakay sa kotse niya.

Ng makarating kami ni Kyle sa tinitirahan namin ni baby Gabriella,ay mas nauna pa itong lumabas sakin at pumasok na ng bahay.

"Ayy wow napaka gentleman naman! Tsk!"nasabi ko na Lamang.

Siniringan na lang ako nito.
Lumabas na ako ng kotse at pumasok sa loob ng bahay.
Pagpasok ko sa loob ay nakita ko ang mga maleta namin ni baby Gabriella na naka labas.

"Bakit nakalabas yung mga maleta?!"tanong ko sa kasambahay.

"Ehh pinapautos po nung lalaki ehh."
Anong trip lalaking iyun!?
Nakita ko si Kyle na pababa kasama si baby Gabriella na bihis na bihis pa!

"Bakit mo pinalabas ang mga maleta namin?"

"Kailangan nating mag vacation!"

"ANO? VACATION?BAKIT?"Sunod sunod na tanong ko kay Kyle.

"Gusto kong bumawi sa inyo... i mean sa anak ko pala."

"Ehh bakit kasama pa ako?!"

"Malamang nanay ka ng anak ko at alam kong hindi sakin sasama si baby Gabriella ng wala ka!".
Sabagay may point naman siya dun.
Wala na akong nagawa dahil pinasok na nila sa kotse ang mga gamit namin ni baby Gabriella.

"Tatawagan ko muna sila ate Yumi ,magpa-"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sumabat ang loko.

"Nasabi kona sa kanila kaya sumakay kana!"utos niya.
Nakasakay na yung mag ama sa kotse.
Tsk! No choice!

Hiding the famous actor's daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon