Chapter 33

197 6 0
                                    

KYLE'S POV:
Nag aalala na ako sa babaeng iyun.
Kanina pa siya wala!
It's already 6 pm and she's still not here!
Saan kaya nagpupunta ang babaeng iyun.
Gusto ko sana siyang hanapin kaso hindi ko maiwan ang anak namin.
Natutulog kasi si Gab kaso baka mamaya ay may ibang manloob dito ,mahirap na.
Papasok na sana ako sa kusina ng may mag doorbell.
Ng mabuksan ko ang pinto ay akay ng dalawang waiter na lalaki si Isabella.
"Sir kayo po ba si sir Kyle Anderson?"
"Oo,ipasok nyo muna siya."
"Anong nangyari sa kanya?"tanong ko.
"Ehh sir ,ilang oras na po siyang nag iinom sa bar kaya pinauwi na po namin siya."
"Ganon ba sige salamat ,ito ohh extra tip bilang pasasalamat ko."
Sabi ko sabay bigay ng pera na 2k.
"Salamat po sir, aalis napo kami."
Ng makaalis na kami ay agad kong nilapitan si Isabella.
"Hoy babae anyari sayo at naglasing ka?"
"Huh? Ako?L-Lashing? HINDI AKO LASHING!"
"Anong hindi lasing,ehh nangangamoy nga sa hininga mo!"
"Naglasing ako para makalimutan kita!Bakit may problema ka? Gusto ko lang naman makalimutan ang nararamdaman ko. Ito kasing lintik na puso ko masyado kang favorite! Kahit anong ginawa mong masama sakin ,ikaw at ikaw parin ang tinitibok! Naiinis na nga ako sa puso ko ehh.
Akala ko kasi nakapag move on na ako after 5 years pero ng makita kita itong puso ko(sabay turo sa kaliwang dibdib) bigla na lang tumibok ng malakas na parang hinahabol ng mga kabayo! Sabi ko sa sarili ko hindi na kita mamahalin dahil mas bagay ka para sa ate ko,pero ang sinasabi ng puso ko ay ikaw lagi!
Pagod na pagod na ako sa ganitong sitwasyon! Gusto ko ng ipahinga ang utak at puso ko pansamantala! Paulit ulit kong pinasasabihan ang sarili ko na minsan mo na akong niloko kaya hindi na ako magiging marupok sayo! Kaso wala ehh ,mas lalo akong nahulog. Palagi na lang akong nahuhulog sayo pero hindi mo man lang ako sinasalo."sabi ni Isabella bago tuluyang makatulog sa tabi ko.
Mahal parin pala niya ako.
Pero pinagpipilitan niya ako kay Chloe.
Ang sabihin niyang mahal niya rin ako ay ang matagal ko ng hinihintay na sagot. At dahil nasabi na niya ito, ititigil kona ang kasal namin ni Chloe.
Mag eexplain ako sa mga magulang nila para maayos ang lahat.

Chapter 33:
Isabella's Pov:
"Mama gising napo kayo kakain napo tayo nila papa!"
Ng maramdaman kong may may tumatapik sa mukha ko ay agad kong dinilat ang mga mata.
Tinulungan ako ng anak kong umupo dahil sa massakit ang ulo.,may hangover ako!
Kahit tinatamad akong mag c.r ay mas pinili ko pa ring tumayo.
Dahil sa sakit ng ulo ko ay medyo napapapikit pa ako kaya ang resulta nauntog ako sa pinto ng c.r
Siya ring pag kauntog ko ay ang pagbalik sakin ng mga ginawa ko kahapon lalo yung pag amin ko kay Kyle!
"Sh*t,sh*t,sh*t, nalintikan na.Nakakahiyang lumabas!
Tama mag papanggap na lang ako na hindi ko naaalala.Tama mas okay yun iwas sa mga tanong." Bulong ko .
Nagulat at nataranta ako ng may kumatok.
"Mama tapos kana po ba?"
Ang anak ko lang pala ,akala ko kung sino!
"Hindi pa anak ,mauna na kayong kumain .Maliligo pa ako!"
Nagmadali akong pumasok sa c.r at naligo.
After kung maligo ay nag ayos na rin ako ng mga gamit na dadalhin namin mamaya paalis.Buo na ang loob ko,wala ng makakapigil sakin.
Pasimple ko itong nilagay ang maleta sa ilalim ng kama para hindi halata kay Kyle.
Ng makalabas ako ay agad kong nakita ang mag ama na masayang nag aalmusal.
Nakaka guilty naman ang scene na ito ,kainis!
Ng makalapit ako sa kanila ay umupo na rin ako para kumain.
" Okay ka na ba?"tanong sakin ni Kyle.
"Ahh....o-o naman!"
"Wala ka bang naaalala kahapon?tanong niya ulit.
"W-wala akong maalala.B-bakit may g-ginawa ba akong hindi maganda?"
Pagsisinungaling ko,sana maniwala siya!
"Ahh.... ganon ba sige okay lang iyun.Kumain kana."
"S-sige"
Hanggat sa maaari ay hindi ko tinitignan si Kyle.Para hindi niya na ako tanong tanungin about kagabi.
Ng matapos kaming kumain ay naligo narin ang anak ko.
Kaya kami na lang ni Kyle ang nasa sala ngayon.
"Nga pala Bella lalabas ako ngayon may kakausapin lang ako .Dito muna kayo ni Baby Gab."
"Saglit ka lang ba doon?"tanong ko.
"Medyo matatagalang ng 1hour pero pwede ring mapa aga ako."
" ahh okay."
Ng matapos maligo ang anak ko ay sumunod na naligo si Kyle.
Kung may gagawin siya mamaya ay may pagkakataon kaming makatakas.
Mga ilang minuto lang din ay natapos ring maligo si Kyle , dumeretsyo na ito sa kwarto.
Paglabas niya ay naka formal attire siya.
"Aalis na ako Bella hah."
"S-sige ingat."
Ng makalabas siya ng bahay ay bigla akong naluha dahil sa wala na siyang dadatnan mamaya.Naawa ako sa mag ama ko pero ito ang mas magandang gawin.
"Mama why are you crying again?"tanong ng anak ko.
"Ahh wala lang ito ,napuwing lang ako.Halika sa kwarto bibihisan na kita."
Pumasok kami sa kwarto at nag hanap ako ng pang alis nya na damit.
"Mama saan po tayo pupunta?"
"Mamamasyal tayo anak."
"Hindi po kasama si papa?"
"H-hindi."
Pinagsuot ko narin ng sapatos ang anak ko at nilabas ko na ang mga maleta at nagmadali akong lumabas ng bahay.
Sorry kyle!

KYLE'S POV:
Ang akala ko ay aabutin ng one hour ang pag aayos dito sa restaurant na ito. Ni rentahan ko kasi ang restaurant na ito dahil balak ko na mag date kami dito ni Isabella mamaya.
"Mr.Yong ,pwede bang pakisundo ng mag ina ko."utos ko doon sa waiter.
"Sige po"
Mga ilang minuto ang lumipas ay bumalik si mr .Yong ng hindi kasama ang mag ina ko.
"Sir yung Asawa at anak nyo po nakita kong lumabas ng bahay nyo na may dalang maleta!"
"Ano!SAAN!Samahan mo ako!"
Agad kaming tumakbo para habulin ang mag ina ko.

Isabella's pov:
"Mama ayun si Papa!"turo ni baby Gab sa likod namin.
Papalapit na samin si Kyle kaya lalo kong binilisan ang pagtakbo hanggang sa makita ko si Paolo.
"Paolo!"
"Ohh Isabella ,bilis pumunta kana dito!"
Ng makalapit ako sa kanya ay agad na kinuha ni Paolo ang mga gamit na dala namin para ilagay sa likod.
Sasakay na sana kami ng mapansin kong tumatakbo si baby Gab papalapit sa ama niya.
Hahabulin ko sana ang anak ko ng pigilan ako ni Paolo.
"Bilisan na natin!"
"Si baby Gab kailangan ko siyang puntahan!"
"Bella mas mahalaga ka!"
"Paolo kaya ako lalayo para sa anak ko!"
"Malapit na si Kyle ,dalian mona!"
Sabi sakin ni Paolo.
"Baby Gabriella!"sigaw ko.
Nakita ko na huminto sa pagtakbo ang anak ko at lumingon ito sakin.
Nakita kona umiiyak ang anak ko.
"Anak sumama kana kay Mama!"
Tanging pag iling lang ang sagot ng anak ko.
"Si papa.Malulungkot si Papa!"
Sabi ng anak ko.
"Bella papalapit na si Kyle,bilis!"
Sabi ni paolo habang hinihila ako papasok ng kotse.
"BABY GABRIELLA MAKINIG KA SAKIN!BABALIKAN KA NI MAMA AHHH! WAG KANG MAG ALALA BABALIKAN KITA!" Sigaw ko bago pumasok sa kotse.
Pasensya na anak maiiwan ka ni Mama.Pangako babawiin kita, kapag maayos na si Mama.

KYLE'S POV:

Nakita ko kung anong sinisigaw ni Isabella kanina.
Ayaw sumama ni baby gab sa kanya.
Mapipigilan kopa sana siya kaso nahila na siya ni Sir Paolo papasok ng kotse at umalis na.
Ng makalapit ako sa anak ko ay agad ko itong niyakap.
"Papa si mama ,babalik daw siya!"umiiyak na sabi ng anak ko.
"Oo anak babalik si mama mo,wag kanang umiyak"
Binuhat kona ang anak ko pauwi sa resthouse.
Nakatulog ang anak ko kakaiyak.
Hindi ako makapaniwala na naisipan niyang takasan na naman ako.Anong nagtulak kay Isabella para magdesisyon ng ganon??

Diba mahal niya ako?!
Kung mahal niya ako dapat hindi niya ako iniwan!!
Nakakainis!
Bukas na bukas ay babalik na kaming maynila.

Isabella's pov:

Nasa laguna ako ngayon.Dito sa probinsya nila nay Sol.
Dito muna ako para magpalamig.
Andito rin si nay sol ngayon.
Sinasamahan niya ako sa pansamantala ko munang kwarto.
Pansamantala muna akong magpapahinga.
Promise anak babalik si Mama ,wait ka lang muna diyan.

Hiding the famous actor's daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon