Chapter 17

201 3 0
                                    

Sinimulan ko ng linisin ang katawan ni baby Gabriella at syempre naghugas na rin ako  sa cr.

Hindi DAW nila nalinis ang guest room kaya matutulog kami sa kwarto ni Kyle.Buti na lang at may dala akong extra na damit ni baby Gabriella,ang problema nga lang ay wala akong extrang damit!
Ng matapos na naming mag half bath ni Gab ay lumabas na kami sa c.r
Una kong binihisan si baby Gabriella,ako naman ay sinuot ko ulo yung damit ko.

Nagulat na lang ako ng may humagis ng T-shirt sakin.Nilingon ko yung bumato,tsk si Kyle lang pala.

"Alam kong wala kang extrang damit ,sootin mo na yan wag kang mag alala oversized yan ,wala akong nakikita!"-ngising sabi niya.

Siniringan ko na lang siya at pumasok ako uli sa c.r.Ng matapos kung mag bihis ay lumabas na ako.
Napansin kong wala si baby Gabriella sa kwarto at si Kyle lang ang nasa loob.

"Nasaan si baby Gab?"-tanong ko sa kanya.

"Nasa baba , may kukunin daw siya."

"Ahh okay.....Ay teka may atraso ka sakin ehh!"-inis na sabi ko.

"Ano na namang ginawa ko!?"

"Inutusan mo ang anak ko nohh!?"

"Luhh,hindi ahh!"

"Anong hindi inutusan mo siyang magtabi tabi na lang tayong matulog!"

"Asus assuming ka ahh!"

"Ahh assuming pala ha!"

Dahil sa inis ko ay kinuha ko ang unan at hinampas siya.

"Ohh pikon kana niyan HAHAHA!"-mas Lalo akong nainis dahil tuwang tuwa pa siya.
Naghabulan kaming dalawa sa kwarto ,halos paikot ikot lang kami sa kama niya.

"Hayss oo na inutos ko yun sa kanya.Kasi ang iniisip ko baka mailang sakin ang anak ko kapag hindi ka kasama!"
Ng dahil sa sinabi niya medyo napaisip ako,may point Naman ang sinabi niya pero mali parin yung ginawa Niya.

"Kahit na Mali pa rin yun!"
Mahahampas kona sana siya ng magbukas ang pinto at nakita namin si baby Gabriella na may hawak na suklay.Palipat lipat ang tingin niya sa aming dalawa.

"Mama anong pong  ginagawa nyo?!"-tanong ng anak ko.
Nilingon ko si Kyle ,at aba naka ngisi ang loko!

"N-nag lalaro kami ng pillow fight anak!"-palusot ko.

"Talaga po?!"

"Oo anak ,halika na nga dito matulog na tayo."pag iiba ko ng usapan.

Humiga si Kyle sa kaliwa ,humiga si baby Gabriella sa gitna namin at ako naman sa kanan.
Medyo nakaramdam nga ako ng awkward ehh!!
Kwento ng kwento lang si  baby Gabriella hanggang sa makatulog Ito.

"Psst sa sofa ka matulog!";mahinang Sabi ko kay Kyle.

"Tsk ayoko nga!" Mahina ring Sabi niya.
Hindi na siya muling nagsalita at tinulugan niya na lang ako.

Kinaumagahan ay naramdaman akong nakayakap sakin,baka si baby Gabriella lang ito,pero sa pagkaka alala ko hindi naman malaki ang katawan ng anak ko.
Minulat ko ang mata ko para makita ang kayakap.
Nanlaki ang mata ko ng si Kyle pala ang kayakap ko dahil sa nag panic agad ako naitulak ko siya kaya nalaglag siya sa kama.

"Aray!Bakit ka nanunulak!"-inis na sabi niya.

"Ehh ikaw bakit ka nangyayakap hah?!"

"Aishh Ewan ko sayo!"-sabi nito bago humiga ulit sa kama para matulog.
Umalis na ako sa kama at pumasok sa c.r para maligo naatapos akong maligo ay nag ayos na ako at lumabas.Nakita ko si baby Gabriella na kumakain kasama sila Mrs at Mr Anderson kasama rin si Samantha.
Bumaba na ako at tumabi kay baby Gabriella para kumain na rin ako.
Maya maya lang ay bumaba narin si Kyle na masama ang tingin sakin.
Ng makababa siya ay tumabi Ito sakin sabay bulong.

"Dahil sayo hindi na ako nakatulog!"-bulong niya sakin.

"Kasalanan mo iyun!" Bulong ko

"Aba't ako pa talaga ahh!"-bulong niya.

"Nag aaway ba kayo?!"-tanong ni Sam.

"Ayy nako Hindi hehe!"-palusot ko.
Ng matapos na kami kumain ay nagbihis na uli ako ng soot ko kahapon para umuwi na kami.Papasok pa ako sa trabaho at saka may klase pa ang anak ko.
Ng mai-ayos ko na ang ibang gamit na dala namin ay inayusan ko na rin si Baby Gabriella.

"Ihahatid kona kayo."-sabi ni Kyle.

"Sige ikaw bahala."

Hiding the famous actor's daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon