Chapter 41

179 4 0
                                    

Kyle's Pov
~Sinipag si author ngayon HAHAHA!,skl.

Nasa airport ako ngayon.
Actually kanina pa ako dito para sa plano ko.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si James.

["Bro bakit napatawag ka?"]

"Nakita mo naba siya diyan sa labas?"
Tanong ko.

["Hindi pa bro,tawagan na lang kita kapag makita ko siya."]
Sabay end ng call

Dadating ba siya?
Sana gumana ang plano ko.

James POV

"Hindi pa bro ,tawagan na lang kita kapag makita ko siya."
Sabi ko sabay end ng call.

L*ngya naman kasi si Kyle,ginawa akong taga look out!

Bali ang plano ni kyle ay magpapanggap siyang aalis na ng bansa.
Pang best actor si Best friend!
Galing gumawa ng plano!

Isabella's POV

Ng matanggap ko ang letter ay nagmadali akong nagpalit ng t shirt.

"Bella saan ka pupunta?"
Tanong ni Jane.

"May hahabulin akong tao." Seryosong sabi ko.

"Sino naman?" Tanong din ni Hannah.

"Hahabulin ko ang impaktong iyun.
Matapos magpa interview, at ipakita ang mukha namin ng anak ko sa social media.
Tsaka siya aalis.
Ni Hindi man lang niya ako kinomprunta!" Inis na sabi ko.

"Edi goodluck beshy!" Sabi ni Jane.

After kong magbihis ay agad na akong pumara ng taxi.

Jane's POV:
OMG! Mukhang magtatagumpay si Fafa Kyle!
Actually kasabwat din ako ,shhhh lang kayo hah!
Wahhhhh I can't wait!

Third person POV
Ng makarating si Isabella sa Tapat ng airport ay labis siyang nakaramdam ng kaba.

Habang paulit ulit na binabanggit sa utak niya ang mga salitang.

"Kailangan ko siyang maabutan!"

Ng makita naman ni James na papasok na si Isabella sa airport ay dali dali niyang kinuha ang phone at tinawagan si Kyle.

"Bro Andyan na siya ,pa-"
Hindi na natapos ni James ang sasabihin niya ng agad na inend ni Kyle ang call.

"Aba t*rantado tong lalaking tohh!"
Naisabi ni James.

......

Ng makapasok na si Isabella sa airport ay may humarang sa kanya na guard.

"Ma'am ano pong kailangan niyo?"
Tanong nung guard.

"Pupuntahan ko po sana si kyle Anderson." Sagot ni Bella.

"Ahh sige po ,pasok na po kayo."

Nagtaka si Isabella.
Bakit ang bilis lang niyang makapasok sa loob ng airport ehh sa pagkakaalam niya ay Hindi ka kaagad makakapasok.
Dahil sa higpit ng seguridad sa airport.
Pero dahil sa nagmamadali na siya ay sinawalang bahala na lamang niya at
Nanakbo sa loob.

Ng makapasok siya ay nakita niyang may mga nagkukumpulan na mga tao .
At sinisigaw ang pangalan ni Kyle.

"Kyle pa picture!" Sigaw nung Fan1

"Wahhhh I love you Kyle!" Sigaw din nung isa pang Fan.

Hindi na siya  nag atubili pa na isigaw ang pangalan ni Kyle.

"KYLE!"

ng marinig ni Kyle ang Boses ni Bella ay agad niyang hinawi ang mga taong nakapaligid sa kanya at mariing tinitigan si Bella

"Dumating siya!"
Sabi ng isipan niya.

Hiding the famous actor's daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon