Chapter 14

207 4 0
                                    

6 na araw ang lumipas,medyo okay naman ang nangyayari.Sa loob ng anim na araw ay hindi nagparamdam si Kyle,siguro ayaw niyang mabwisit ako sa kanya.
Nandito ako ngayon sa isang park malapit lang sa bahay namin.
Pinaglaro ko ang anak ko sa mga kapitbahay namin para malibang ang bata.

"Huy tulala kana dyan!"-sabi ni Jenny
Kapitbahay namin si Jenny , single din siya katulad ko.

"Mukhang problema ka ngayon ahh!"

"Ahh oo ehh halata ba?!"

"Halatang halata ghurl!"

"May tanong ako sayo Jenny."

"Hmm sige anong tanong mo?!"

"Ni minsan ba hinanap ng mga anak mo ang tatay nila?"

"Sa totoo lang Bella ,araw araw nilang hinahanap sakin ang tatay nila.Nababalita sakin ng mga teacher ng anak ko na madalas silang tinutukso dahil wala silang tatay.Masakit para sakin na umiiyak ang mga anak ko dahil sa wala ang ama nila.Alam mo Bella minsan ang isang bata nagpapanggap na okay lang silang walang ama or ina pero sa loob loob nila ay hinahanap,nacu-curious,at may malaking tanong sila sa isip nila.Hindi man nila sinasabi pero mararamdaman mo.Hindi mabubuo ang pagkatao nila kung wala ang ama at ina niya."

"Hayss ang hirap maging single mother Jenny!"

"True yan! Teka ano ba yang problema mo?!"

"Ang tatay ni Gabriella,nagmamakaawa saakin na kung pwede ay payagan ko siyang makilala ang bata."

"Kung ako sayo Bella ,pumayag ka.Oo nagkamali siya pero handa naman siyang bumawi sa anak mo.Atlis iyang tatay ni Gabriella ,handang magbago .Ehh ako yung walang hiyang tatay ng mga anak ko ehh pinagtatabuyan kami!"

"Sa tingin mo magiging okay kaya kung pumayag ako?!"

"Sa tingin ko naman ay magiging maayos.Sige alis na ako Bella pakakainin ko pa yung mga anak ko!"

"Sige bye!"

May punto ang lahat ng sinabi ni Jenny.Mukhang handa naman si Kyle.Buo  na ang desisyon ko papayagan ko na siya.

Hiding the famous actor's daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon