Chapter 46

185 5 0
                                    

Maaga akong nagising para umalis ng bahay dahil sa pupunta ako kila Mama.

Pagod na ako sa bawat away at hindi pagpapansinan namin.
Magulang ko parin sila kahit pagbaliktarin man ang mundo.

After ko magbihis ay agad kong pinaandar ang kotse papunta sa bahay nila Mama.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako.
Agad akong pinagbuksan ng guard.
Ng makapasok ako ng bahay ay nilibot ko muna ito ng tingin.
Wala parin palang nagbago sa bahay.

"Anak!"sigaw ng kung sino kaya agad akong lumingon.

Nakita ko si Mama na lumuluha.
Nagulat na lamang ako ng bigla ako nitong yakapin.
Na miss ko ang ganitong yakap,matagal ko ring hindi naranasan ang yakapin ng aking ina.

"Anak patawarin mo si Mama, sorry!"umiiyak na sabi ni Mama.

Tinapik ko ang likod ni Mama.
"Mama pinapatawad napo kita.Alam mo naman na hindi ko kayo kayang tiisin!"umiiyak na sabi ko.

Muling akong yumakap kay Mama..
Habang yakap ko si Mama at nakita ko si Papa na papalapit saamin.

Lumapit si Papa sakin ng may ngiti sa labi.
"Akala ko hindi na kita makikita, Anak!"sabi ni Papa sabay gulo ng buhok ko.

Agad kong niyakap si Papa, namiss ko sila.
Namiss ko ang Pamilya ko.

Buong maghapon ay nag uusap kami niLa Papa.
Nalaman ko na pinalayas pala nila Mama si Ate Chloe.
Bigla na lamang akong nakaramdam ng lungkot.
Gusto ko rin namaNg makausap si ate Chloe.

Ng mag alas kwstro ay nagpaalam na ako .
Kailangan ko narin kasing umuwi sa mag ama ko.

Pasakay na sana ako ng kotse ng makita ko si..........Ate Chloe

Nakita ko si Ate na papalapit sa mansyon.
Halatang walang tulog si ate At mugto ang kanyang mata.

Ng mapansin niya ako ay napatigil ito ng paglalakad at bigla na lamang napa upo ng humagulgol ng iyak.habang sinasabi ang mga katagang

"Bella patawarin mo si Ate. Patawarin moko!"umiiyak na sabi ni ate.
Agad akong lumapit kay ate at tinulungan ko siyang tumayo at ng maka tayo siYa ay agad ko siyang niyakap.

"Bella sorry sa mga nagawa ko.Sorry sa lahat lahat!"

"okay na napatawad na kita ate!"naka ngiting sabi ko.

"Salamat!"
Sagot ni Ate sabay yakap ulit sakin.

Kumalas na kami sa yakapan namin.

"nandito ako para Humingi ng tawad sayo at para magpaalam!"

"magpaalam saan?"tanong ko.

"Magtatrabaho ako sa Canada as a Nurse..Gusto kong lumayo para hindi ko na ulit kayo masaktan pa!"

"hindi naba kita mapipigilan ate Chloe?"tanongKo.

Tanging pag iling lang ang sagot ni Ate.

"ohh siya aalia na ako Bella.Ngayon rin kasi ang flight ko.!Sorry sa lahat!"malungkot na sabi ni Ate Chloe at sumakay na siya ng taxi.

Ng makaalis na si Ate ay umuwi narin ako sa mag ama ko.

Ng makita ako ni Kyle ay agad ako nitong niyakap.

"Asus ang baby Bella ko umiyak!"paglalambing na sabi ni Kyle.

"Sira!"tanging nasabi ko na lamang.

Kumalas ako sa yakap ni Kyle.
"Nakakain naba kayo ni Baby Gab?"tanong ko kay Kyle.

"yeah!"

"ohh siya ipagluto moko Kyle,nagugutom na ako!"
Sabi ko sabay hila ko sa kanya papuntang kuSina.

"Anong gusto mong kainin My Bell. Adobo, sinigang o ako?"tanong ni Kyle sabay kindat sakin.

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"adobo ang gusto ko hindi ikaw!"sabi ko sabay siring.

"Ouch!Pain!" nagdadramang sabi ni Kyle habang hawak dibdib niya.

"Ang O.A mo!"

Hiding the famous actor's daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon