Chapter 26

206 7 0
                                    

Chloe's pov:
Naka uwi na kami nila Daddy sa mansyon.Hanggang ngayon ay naiinis parin ako sa nangyari ,nabulilyaso ang plano ko!
"Daddy,bakit mo ginawa Yun??Bakit mo minove ang date ng kasal ko?!"
Inis na tanong ko kay Daddy.
"Chloe!Naririnig mo ba ang sarili mo?Ang anak ni Kyle ay kadugo natin!ang batang iyun ay anak ni Isabella!"pasigaw na sabi ni Daddy.
"So kino -consider nyo pa rin na anak si Isabella kahit marami na siyang ginawang masama?!"
"Oo!Kahit pag balik-baliktarin ang mundo anak ko parin siya!Siya ang tunay na unica iha ng ating pamilya!"
So kino consider parin nila ang babaeng iyun!Akala ko natanggal kona sa isipan nila ang babaeng iyun!
Hindi pa pala.

Isabella's pov:
Paano nagawa ng lalaking iyun para pahirapan niya kami ng anak ko ng ganito?!
Puro na lang problema at sakit!
Dahil sa nangyari kahapon ,nagkulong sa kwarto ang anak ko.
Masakit para sakin na makita ang anak ko na nagkakaganon dahil sa amin ng ama niya.
Bumalik ako sa restaurant para tulungan sila.Gusto kong magpaka busy para hindi ko masyadong isipin ang nangyari kanina.
Habang nagseserve ako SA costumer ay may pumasok na mga malalaking katawan na lalaki,para silang bodyguard.Huling pumasok ang isa sa mga kilalang business man sa pilipinas.At ang taong pinagtabuyan ako noon.......
Si Papa.
Nilapitan ako ng mga bodyguard ni Papa at hinawakan nila ang kamay ko.
"T-teka anong nangyayari?!Mr.De Leon?!"
Kinakabahang tanong ko.
"Isabella anak, kailangan mong sumama sakin."kalmadong sabi ni Papa.
"T-teka ayoko po!Bitawan nyo nga ako!"
Sabi ko habang pinipilit kong kumawala sa pagkakahawak nila sakin.
"Pasensya na Ma'am Isabella,napag utusan lang."Sabi ng isang guard.
Lumabas na si Papa at sumunod din ang mga guard.Tinignan ko sila Hannah.
Halata sa mukha nila ang pagkagulat.
Si Ate Yumi lang naman ang nakakaalam ng tungkol sa pamilya ko.
Sinenyasan ko si Ate Yumi na siya muna ang bahala kay baby Gab.
Nakalabas na kami at isinakay ako sa van.Mas pinili ko na lang manahimik kaysa magbunganga dito.Hindi rin naman sila papayag na maka-alis ako.
Isang oras ang nakalipas at nakarating na kami sa mansyon ng De Leon.
Halos 5 years narin ang lumipas ng huli akong tumira sa mansyon na Ito.
Binitawan na nila ako at sinamahan akong makapasok sa loob.
Hanggang ngayon ay hindi parin pala nagbabago ang mansyon.
Pinaupo nila ako sa sofa.
Sa ngayon ay kaharap ko sila Papa at mama.
"K-kumusta ka naman Isabella?"-tanong sakin ni Mama.
"Okay lang buhay pa."
Bagot na tanong ko.
"Bakit hindi ka man lang nagparamdam samin?"-tanong ni Papa.
"Bakit ako magpapakita?Diba pinalayas nyo ako dahil ayaw nyong magkaroon ng anak na kagaya ko?!"-pabalang na Sabi ko.
Parang wala silang kasalanan sakin ahhh...

FLASHBACK:
"Totoo bang buntis Ka Isabella?!"inis na tanong ni Papa sakin.

"O-opo Papa!'-utal na sagot ko.

"See Daddy!Malandi talaga ang babaeng iyan!Kung kani-kanino nagpapagamit!"sabat ni Chloe.

"NAPAKALANDI MO ISABELLA!Ipapahiya mo ang pamilya natin!"-galit na sabi ni Mama.

"Pa ,hindi ko sinasadya! Sorry!"

"Puro Ka sorry!Palagi ka na lang may dalang problema sa pamilya natin!"sigaw ni Papa.

"Pagkatapos mong landiin yung ibang mga lalaki ,tapos nagdala ka ng trouble sa school!Tapos nagpabuntis ka sa iba!"sabat na Sabi ni Chloe.

"Huh?T-teka hindi ako nanlalalaki?At hindi rin ako trouble maker?Bakit ba lagi mong pinasasalo sakin ang mga kalokohan mo Ate Chloe!"-sigaw ko.
Nagulat na lang ako Ng sampalin ako ni Mama.

"Wala kang karapatan na isisi sa ate mo ang mga kalokohan mo!"

"Totoo naman ang mga sinasabi ko Mama!Bakit ba lagi na lang kayong naniniwala sa kanya! Anak nyo ako Mama!"

"Wala akong anak na Malandi!"sigaw ni Mama .

"Lumayas ka sa pamamahay ko Isabella!"-sigaw ni Papa.
Pinagtulakan ako palabas ni Chloe palabas ng gate.
Umuulan pa naman sa labas at wala akong mapupuntahan.
Dahil sa basang basa ako ay nahimatay ako sa daan at duon ko nakikilala si Ate Yumi.Siya ang tumulong sakin.

END OF FLASHBACK

"Ayusin mo ang pagsasalita mo Isabella!"-banta sakin ni Papa.

"Anong one expect nyo?!Ano habang buhay na lang akong magpapakabait sa inyo?Diba nga Malandi ako at hindi ako nararapat na maging anak nyo?"
Pabalang na Sabi ko.

Pabalang na Sabi ko.

"Anak ka parin namin kaya rumespeto ka!"Sabi ni Mama.

"Ehh ako na nirespeto nyo ba ako bilang anak nyo!?Diba Hindi!Ni hindi nga kayo naniniwala sa mga sinasabi ko diba?!Puro na lang si Ate Chloe ang pinaniniwalaan nyo kaysa sa tunay na anak nyo.HAHAHA nakakatawa kayo!"sarcastic na Sabi ko.

"Ikaw ba ang nanay ng anak ni Kyle?!"tanong ni Mama.

"Oo!At kung sa tingin nyo ay magiging sagabal ako sa anak nyo!Huwag kayong mag alala ,kanya na si Kyle!Isaksak niya sa baga niya! Kung iyun lang naman pala ang gusto nyong malaman ,aalis na ako!"-sabi ko bago ko sila tinalikuran at lumabas ng bahay.
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.
Kahit limang taon na ang nakalipas ay masakit parin sakin.
Mas pinili ko na lang maglakad muna.
Parang nasa mood ako ngayon ehh.
Habang naglalakad ako ay may tumawag sakin mula sa likod ko.Paglingon ko ay si Sir Paulo pala.

"Ohh Isabella bakit naglalakad ka mag isa tapos Gabi pa!Baka may mangyari sayong masama,mas maigi pang sumabay ka na lang saakin."-sabi ni Sir Paulo.

"Hindi na ,okay lang ako dito sir Paolo!"-sabi ko.

"Suss nahiya kapa,Alam mo namang malakas Ka sakin Isabella.Dali na sakay na!"-sabi nito habang pinipilit akong papasukin sa kotse niya.

"Tsk,sige na nga sasakay na ako!"
Naging close naman kami ni Sir Paulo dahil sa madalas akong nasa school.
Sinimulan na ni Sir Paulo na paandarin ang kotse niya.

"Mukhang malungkot ka ahh!"Sabi ni Sir Paulo.

"Huh?Ako?Hindi ahh!"

"Sus hindi daw kahit halata naman.

Ako lang Ito Isabella!Wag kang mahiyang magsabi sakin!"mayabang na Sabi niya.
Dahil sa mga sinabi niya ay parang biglang nanlambot ang puso ko.
Napaiyak na lang ako,nahihirapan akong itago sa kanya na malungkot talaga ako.
Inistop ni sir Paulo ang kotse sa isang tabi at tumabi siya sakin para yakapin ako.

"Iiyak mo lang iyan Isabella.Andito lang ako para sayo,alam kong alam mo iyun."-sabi niya habang kayakap ako.
Ilang minuto rin akong umiyak bago tumahan at kumalas sa yakap niya.

"Aishh tignan mo ohh may uhog na ako!"pang aasar niya sakin.
Hinampas ko siya dahil sa mga sinasabi niya.

"Hoy ang sama mo sakin Paulo!Wala naman ehhh!"

"Ito naman inaasar lang kita!"Sabi ni Paolo.

"Gusto mo Food trip tayo?Para hindi kana masyadong malungkot?"-tanong ni Paolo.

"Weehhh? Libre mo?"-tanong ko.

"Lagi naman ako ang nanlilibre Isabella!"

"Ayun naman pala ehh!Tara!"

Sinimulan ng paandarin ni Paulo ang kotse papunta sa lugar na pupuntahan namin.
Mga ilang minuto lang ay nakarating na kami sa isang lugar kong saan maraming street foods!
Halos lahat ng mga favourite namin ay talagang nilantakan naming dalawa.Syempre libre niya kaya lalong sumarap yung pagkain HAHAHA!

"Nabusog ako dun ahh!Salamat Paolo!"-sabi ko sabay tapik sa balikat niya.

"Asus no problem!Basta ikaw HAHAHA!"

"Ewan ko sayo! Ihatid mo na nga ako!Uuwi na ako baka hinahanap na ako Ng anak ko at baka hinahanap Ka narin ng anak mo!"-sabi ko.

"Sige na nga hatid na kita!"
Ilang minuto lang ang byahe namin ng makarating na ako sa bahay nila Ate Yumi.

"Salamat ahh!"

"Welcome sige aalis na ako!"

"Sige bye!"

Hiding the famous actor's daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon