Chapter 22

185 3 0
                                    

Nasa kwarto ako ngayon ni Kyle.
Inaayos ko ang mga gamit namin habang ang anak ko naman ay naliligo ulit sa c.r
Habang nag aayos ako ay pumasok sa kwarto si Kyle

"Isabella matutulog ako dito."-sabi niya sabay higa sa kama.

"Aba ang sweet mo naman nun!Dun ka sa kabilang kwarto matulog!"Sabi ko sa kanya.

"Luhh sakin naman itong kwarto na ito ahh kaya dito ako matutulog."

"Aishh lumabas ka na nga !"-sabi ko sa kanya habang hinihila ko sya paalis sa kama.
Dahil sa mas malakas siya sakin ay ako ang nahila niya.kaya ang resulta naka ibabaw ako sa kanya.

"Ohh paano ba iyan ako panalo!"-nakangising sabi niya.
Sobra akong nailang sa pusisyon namin kaya agad akong tumayo Ng maayos.

"P-pag hindi ka lumabas ng kwarto,SA kabilang kwarto kami matutulog!Kaya alis!"

"Tsk,sige na nga , ang choosy mo!"

"Aba ako pa ngayon ang choosy!?Naku lumayas kana nga sa kwarto!Alis!"
Padabog na isinara ni Kyle ang pinto,napikon siguro HAHAHA!
Bumukas nag pinto ng c.r at lumabas doon ANG anak ko.

"Mama parang narinig ko po si Papa kanina ,andito po ba siya kanina?!"

"Ahh.. oo anak ,andito nag papa mo kanina nangamusta lang tapos lumabas na hehe!"

"Ahh okey po!"
Sinimulan ko ng bihisan ang anak ko para makababa na kami.Ng matapos kong ayusan ang anak ko ay bumababa na  kami.
Kumain na kami kasama ang pamilya ni Kyle.Sana tama ang desisyon kong pansamantala munang manirahan dito.

Two weeks na kaming nakatira dito kila Kyle.
Himala nga at hindi pumunta dito si Chloe ehh.
Sa buong weeks na iyun ay laging magkasama ang mag ama.Hindi rin tumatabi samin si Kyle kapag matutulog.Maigi narin iyun!

Ngayon ay pupunta ako sa restaurant para mamisita sa kanila.
Pagdating ko sa restaurant ay tinulungan ko rin sila gawa ng maraming costumer.Ng sumapit na ang hapon ay umuwi na ako.
Pagkarating ko sa harap ng bahay nila Kyle ay may napansin akong kotse na nakapark sa labas ,pamilyar ang kotse na iyun?Kotse Yun ni Chloe!
Ng makapasok ako SA gate ay may lumapit sakin na Maid.

"Ma'am Isabella si ma'am Chloe po ,sinisigawan niya ang anak niyo."sumbong sakin nung maid.
Dahil sa nalaman ko ay nagmadali akong pumasok sa mansyon.Pagpasok ko sa mansyon ay rinig na rinig ko ang iyak ng anak ko habang sinisigawan siya ni Chloe.

Ng makita kong sasampalin niya ang anak ko ay agad akong lumapit kay Chloe at pinigilan ko ang kamay niya na ipang sasampal niya SA anak ko .

"Anong karapatan mo para saktan at sigawan ang anak ko hah?!!"galit na sabi  ko Kay Chloe.
Hinila ni Chloe ANG kamay niya sa pagkakahawak ko.

"La-lampa lampa kasi iyang anak mo!Inutusan ko siya na dalhan ako ng mainit na kape ,binigyan niya nga ako pero dahil lampa iyang batang Yan ay naitapon niya sakin ang kape!"

"At bakit naman Kasi sa lahat ng uutusan mo ay anak ko pa ang napagdiskitahan mo?!"-inis na tanong ko.
Kinuha ng maid ang anak ko at ini-akyat sa taas.

"Simple lang naman ang rason ko!Pareho Kasi kayong talunan ng anak mo HAHAHA!"
Dahil sa galit ko sa sinabi niya ay mag asawang sampal ang ginawa ko sa kanya.

"WALA KANG KARAPATAN NA SAKTAN ANG ANAK KO!OO NAGING TALUNAN AKO PERO KAPAG NADADAMAY NA ANG ANAK KO,HINDI AKO MAGPAPATALO SAYO!"-Sigaw ko SA kanya .

"Anong nangyayari dito?!Chloe okay ka lang ba?Anong ginawa mo SA kanya Isabella?!"-sabi ni Kyle.
Dahil sa galit ko ay hindi ko napansin na dumating na pala si Kyle.

"HUHUHU!Kyle sinaktan niya ako!"-iyak ni Chloe kay Kyle.
Umarte pa nga ang Gaga!

"Wala ka na talagang pag asa Ate Chloe,baliw kana!Aalis na kami sa p*tang*nang bahay na Ito!"-sabi ko sabay akyat sa taas.
Kung sasaktan lang nila ang  anak ko dito mas maiging maka-alis kami dito.

Hiding the famous actor's daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon