Chapter 12

233 6 0
                                    

Kinabukasan ay hindi ko muna pinapasok ang anak ko.
Ako naman ay kailangan paring pumasok kahit ayaw ko.
Pagdating ko sa restaurant ay may pinagkakaguluhan ang mga costumer.Dahil sa na curious ako ay medyo lumapit ako.
Ng makalapit ako ay nakita ko si Kyle na pa cool na nakaupo.
Langya naman!
Napalingon sa akin si Kyle at biglang ngumiti!Ano naman ang trip ng lalaking ito?!

Lalapit sana siya sakin ng nagmadali akong umalis at nagbihis ng uniform namin.Kung maka ngiti ang lalaking iyun parang hindi kami nag away kahapon!Parang hindi ako niya ako ginalit kahapon.Ang lakas talaga ng loob!
Expected kona na ako na naman ang mag entertain sa lalaking iyun!
Ng nakapag ayos na ako ay lumabas na ako sa room at lumapit kay Kyle.

"Anong order mo?!"-bagot na tanong ko.

"Ikaw."-pa cool na sagot niya.

"Ginag*go mo na naman ba ako?!"-masungit na tanong ko.

"Hindi kita Ginag*go ,nakikipag bati ako."

"Pwes ako ayokong makipag bati sayo."

"Kahit ayaw mo pipilitin parin kita."

"Iniinis mo ba ako?"

"Hindi ahh!"

"Umorder kana pwede ba?!"

"Galit agad!Isang salad at Orange juice."

"Okay."sagot ko sabay alis.
Nang makalapit ako kila Hannah at Jane ay agad nila akong tinanong.

"Bakit mukhang badtrip ka na naman Bessy?!"-tanong ni Jane.

"Nang iinis kasi ang lalaking iyun!"
"Bakit naka ngisi iyun sayo?!"-tanong ni Hannah.

"Aba ewan ko dun sa lalaking iyun!"
Pinahatid kona kay Hannah yung order ni Kyle.
Buti na lang medyo naging busy ako at ayun dahil sa nainip siya ,umalis tuloy siya HAHAHA!
Ng magsasara na kami  ay  may napansin akong nakaparadang kotse.
Hayss akala koba naka uwi na ang lalaking iyun! Bwisit naman!
Ng makalabas ako ay siya ring labas niya sa kotse.

"Ano na namang kailangan mo sakin!"

"Please kausapin mo ako."

"Ayoko ngang makipag usap sayo diba!"

"Sige ka pag hindi ka
pumayag ,hihilahin kita papasok sa kotse!"

Aba't tinakot pa ako ng lokong ito!
Dahil sa inis ko ay hinubad ko ang kabilang pares ng sapatos ko.

"Alam mo ba kung ano ang tawag dito?!"-tanong ko kay Kyle.

"Malamang sapatos!"-sagot ni Kyle.

"Alam mo ba kung saan ito ginagamit?"

"Syempre pang proteksyon sa paa!"

"Mali pang hampas ito sa mga makakapal ang mukha katulad mo!"
Medyo natakot ko ata si Kyle,kaya siya umatras.

"Wag naman ganyan Isabella ,kawawa naman yung mga fans ko!"
Kahit kailan talaga mahangin ang lalaking ito.

"Okay fine papayag na akong makausap ka,tsk!"

"Yes salamat naman at pumayag ka!"masayang Sabi nito bago ako pagbuksan at pinaupo sa passenger seat.
Pumayag na akong makausap ang lalaking ito dahil alam kong hindi ako titigilan ang lalaking ito.

Nakarating na kami sa park kung saan huli kaming nag usap.Umupo kami sa may bench.

"Anong pag uusapan natin?!"-tanong ko.

"Gusto kong mag sorry sa ginawa ko kahapon.Alam kong masyado akong padalos dalos sa mga ginagawa ko.Ginawa ko
lang naman iyun dahil nilamon ako ng galit ko-"

"Buti alam mo!"singit ko

"Aishh patapusin mo muna ako magsalita Isabella!!"
Nanahimik na lang ako.

"Alam kong hindi mo agad ako mapapatawad at naiintindihan ko naman iyon pero sana payagan mo akong makita at makasama ang anak ko, i mean anak natin.Oo pinagtabuyan ko kayo pero pinagsisihan ko iyun!Sana mapayagan mo ako!Gusto kong mayakap man lang ang anak natin.Gusto kong iparamdam sa anak natin na kahit wala ako sa piling niya ng limang taon ay gagawa ako ng paraan para mapuno ng masasayang alala kasama ako."
Dahil sa sinabi niya ay nakaramdam ako ng kirot sa puso ko.Sa tono ng pananalita niya ay parang sobrang lungkot niya.Nagulat na lamang ako ng lumuhod siya sa harap ko.

"Hoy anong ginagawa mo!"

"Nagmamakaawa ako sayo Isabella ,payagan mo akong makita at makasama ang anak natin!"

"Pag iisipan ko Kyle !
1 linggo ,isang linggo para pag isipan ko ang gusto mo.Kaya tumayo ka na dyan!"-sabi ko habang pinipilit ko siyang patayuin.

"Please pag isipan mo ng mabuti Isabella!"

"Oo,sige aalis na ako baka hinahanap na ako ni Gabriella.Bye!"-sabi ko at tumalikod na ako sa kanya at naglakad papalayo.
Kailangan ko na namang mamroblema!Ang hirap mag desisyon!

Hiding the famous actor's daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon