Chapter 13

222 6 0
                                    

Kyle's Pov:
Sana ay mapayagan ako ni Isabella.Gustong gusto ko na talagang makasama ang anak ko!
Habang nag e-emote ako ehh biglang nag ring ang phone ko.
Tumatawag si Samantha.

"Ohh Sam bakit napatawag ka?!"

["Kuya s-si Chloe nandito sa bahay,hinahanap ka!Pumunta ka na dito bilis!"]Sabi ni Samantha bago pinatay ang tawag.
Aishhh ano na naman kaya ang nangyari!?
Sumakay ako kaagad sa kotse at pinaandar ko ito paalis sa park.
Ng makarating ako sa mansion ay rinig na rinig ko ang boses ni Chloe.
Pagpasok ko sa loob ay nakita ko siyang nagwawala sa loob.

"Chloe!"-tawag ko sa kanya.
Agad lumapit sakin si Chloe.

"T-Totoo bang may anak kayo ni Isabella?!"-utal na tanong niya.

"Oo."

"B-bakit hindi mo sinabi sakin na nabuntis mo siya?!"

"NGAYON KO LANG DIN NALAMAN CHLOE!"Sigaw ko.

"Anong gagawin mo ngayon babalikan mo siya kasi may anak kayo?!Huh!Ano makikipag break kana sakin?!"

"Hindi ako makikipag break sayo Chloe ,okay?!
Malapit na tayong ikasal pero hanggang ngayon napaka selosa mo!"

"Mangako ka na hindi mo siya babalikan ,mangako ka Kyle!"

"Oo pangako ,hindi ko siya babalikan."-tanging sinabi ko.
Hayss buti naman at huminahon na ang babaeng ito.Nakaka inis naman ehhh!

Chloe's Pov:
Napaka landi niya talaga!
Kaya pala ang tapang niya dahil may alas siya!
Bwisit siya!

Isabella's Pov:
Nasa trabaho ako ngayon.Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang magiging desisyon ko.
Kakabukas lang ng restaurant namin ng may pumasok na costumer ay mali masamang tao pala.
Pumasok si Chloe sa restaurant at agad akong nilapitan.Nangangamoy away na naman!

"Kaya pala ang lakas ng loob mong sagot sagutin ako dahil may alas ka!Sa tingin mo mananalo ka,Hindi!"-sabi niya habang nanlilisik ang mata.

"Wala akong balak na agawin sayo ang lalaking iyun.Iyong iyo na siya ,isaksak mo pa sa baga mo!Tsaka anong alas ang pinagsasabi mo?!Anong akala mo sa anak ko baraha?!"

"Sinungaling ka hindi ako naniniwalang hindi mo siya gustong agawin!"

"Ayy naku bahala ka sa buhay mo!!"Sabi ko.
Iniwan ko siya at pumasok sa kusina.
Napaka hilig sa away ng babaeng iyun!

Maya maya Lang ay pumasok sa kusina si Hannah at tumabi sakin.

"Naka alis na yung magaling mong kapatid."

"Mabuti naman kung ganon.Kapag dipa umuwi yun aawayin ko talaga iyun!"

"Baliw na baliw talaga iyang kapatid mo kay Kyle!Gagawin lahat ehh!"

"Hayaan mo na ang babaeng iyun ,matagal may tama iyun!"

"HAHAHA!Halata nga Bella!".

Maaga akong nag out sa trabaho ,may gusto kasi akong bisitahin.
Dumaan ako sa flower shop bago pumunta sa sementeryo.

"Kumusta kana Baby Gabrielle?!Masaya kaba ngayon?Alam moba anak ,nagkita kami ng Papa niyo ni Baby Gabriella.Gusto niyang makilala ang kapatid mo.Sayang wala ka na rito ,edi sana sabay kayong nag aaral ni Gabriella.Miss na miss na kita anak!"-umiiyak na sabi ko.

Tama ang narinig niyo may Isa pa akong anak.Kakambal siya ni Gabriella.Siya si  Jean Gabrielle De Leon.Nung panahon na pinagbubuntis ko sila ay halos nagta-trabaho ako ng umaga hanggang Gabi,minsan ay wala akong kain or wala akong tulog.At ng dahil doon ay nalaglagan ako!Napakasakit sakin na mawalan ng Isa pang anak.

Umabot na sa Nag ka Depression ako.Akala ko katapusan na ng buhay ko pero ,nalaman kong may buhay pang isa.Sinikap kong protektahan ang sarili ko.Dahil ayoko ng mangyari na mawalan ako ng anak.Sila Ate Yumi lang ang nakakaalam ng tungkol kay Gabrielle.Ito ang isa pang dahilan ko kung bakit hirap na hirap akong patawarin si Kyle.

"Anak tulungan mo naman si mama!Naguguluhan na ako anak!Hindi ko alam ang magiging desisyon ko!"umiiyak na sabi ko.

"Sige na uuwi na ako anak,I miss you!"-sabi ko bago tumayo at umalis sa sementeryo.
Nakakapagod ang araw na ito.Nakakapanghina.

Hiding the famous actor's daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon