Chapter 1
First Glance
Maaga akong nagising para sa first day of school. OMG, i'm so excited to see Mr. Luke Kenneth Hernandez.
Hello I'm Kathryn Althea Sanchez :) I'm 14 years old. 2nd year highschool na at pumapasok ako sa isang Catholic School dito sa Laguna. May ari kami ng isang sikat na company sa isang bansa. Ako ang naiwan dito sa Pilipinas kasama ang ninang ko na nag alaga sakin simula noong bata pa ako. Minsan ko lang makasama ang mga magulang ko sa sobra nilang busy.
Simula noong nag High school ako, nakilala ko si Luke Kenneth Hernandez, ang aking ultimate crush. Hindi ko nga alam kung bakit ako na inlove sa mokong na yun eh. Pero siguro, dahil sobrang galing niya sumayaw at kumanta. At siya'y sikat na sikat dito sa school namin. Snob siya sa mga katulad naming hindi famous at siguro walang dating sa paningin kanya. Pero nagkamali ako.
Gustong gusto ko ang mga mata niya na katulad ng mga mata ni John Lloyd Cruz! Nakaka akit eh. At ang katawan niyang parang Daniel Matsunaga. Sino ba namang hindi mahuhulog sa kanya? Pero, wala. May time na ayaw kong sumuko at gusto ko ng sumuko.
(Flashback)
Ninang! Excited na ako maging highschool! Sigaw ko sa ninang ko na nag luluto ng almusal.
Oy ha. Dapat mas maging masikap ka sa pag aaral mo ha. Wag muna ang lovelife, love life na yan!" Sagot sakin ni ninang.
Ninang, wala pa naman sa isip ko yun. Tsaka, sakit lang sa ulo yang mga lalaki na yan! Sagot ko na para bang galit na galit talaga sa mga lalaki.
Tingnan natin Althea ha! Pag babanta sakin ni nang.
Kailangan ko mag aral pa ng maayos! Para matuwa sakin sila mommy at daddy. Sana umuwi sila ngayong pasko. Miss na miss na miss ko na sila.
Andito na ako sa tapat ng school namin, papasok na sana ako nang biglang may umuna sakin. At nauntog ako sa babaeng nasa unahan ko.
Aray!!! Sigaw ko, ang sakit kasi. Bwisit na lalaki yun. Sino kaya yun!?
Oops... Sorry miss! Sagot ng lalaking nakisingit sa amin papasok sa gate.
Nagulat ako nang humarap siya at nag sorry sa akin, este sa amin. Yung mukha niyang napaka gwapo at hindi labag sa puso niya ang pag sosorry. Mukhang nagmamadali yata siya.
Nang nag sorry siya, tumakbo na siya pataas at parang may hinahabol.
Ms. Sanchez. Pasok na po kayo. Utos sa akin ni Guard.
Napansin kong, nasa labas pa rin ako at nakatunganga. Nakuha talaga nung lalaking yun ang loob ko. At biglang pumula ang pisngi ko.
Ay sorry guard! Eto na po. Sagot ko kay guard na parang natigilan sa mga nangyayare.
Ms. Sanchez, inlove ka kay Mr. Hernandez ano? Uyyy nag bu-blush. Asar sa akin ni Guard.
Oy hindi ah ba't ako ma iinlove dun, ang panget panget naman. Pag sisinungaling ko kay guard.
Dumeretso na ako sa room namin at medyo awkward kase ang dami na nila sa classroom at parang ako na lang ang kulang.
Hi Ms. Sanchez, may bakante pang upuan doon sa dulo. Please sit beside Mr. Hernandez. Utos sa akin ni Miss Garcia.
OMG! OMG! OMG! Totoo ba itong nakikita ko? KATABI KO SIYA! KATABI KO SIYA! Ay ang O.A. ko naman masyado.
Umupo ako ng tahimik kasi nahihiya ako.
BINABASA MO ANG
Stupid Crush (COMPLETED)
Teen FictionHow can i find you bewitching and me being ignored like a white crayon. how can my happiness defined as your happiness despite of being one of your girls? why cant i just remove you out of my system? Stupid Crush. Why is called "STUPID CRUSH"? Beca...