Chapter 19- Trust

211 12 1
                                    

Chapter 19

Trust

JOSEPH'S POV

Malapit na mag summer. Kailangan naming mag focus ngayon sa final exams.

Naalala ko si Luke. Siguro kailangan kong obserbahan si Coleen. Hindi pwedeng gaguhin ang kaibigan ko lalo na si Kath. Bawal siyang ma stress.

Nag ready ako para sa final exam namin ngayon. Nagplano kami ni Kurt ma dumeretso kina Kath pagkatapos ng pasok namin para kausapin si Kath.

Madali kong natapos ang exams at lumabas na agad ako ng campus. Kita ko si Kurt na nag iintay sa akin.

Bro, kaya natin to. Sabi sa akin ni Kurt.

Bro, kailangan nating obserbahan si Coleen. Sabi ko sa kanya.

Oo bro. Sabi niya sa akin.

Nakita ko si Kath na naka dungaw sa bintana nila. Malungkot ang aura niya. Kailangang kailangan na niya talaga ng tulong namin.

Nakit niya kami at bigla niya kaming pinag buksan ng pinto.

Uy Kuya Joseph, Kurt. Kamusta kayo? Tanong niya sa amin.

Miss na miss ka na ni Luke. Sabi ko sa kanya.

Kamusta na siya? Nasan siya ngayon? Gusto ko siyang puntahan. Tulungan nyo ako. Sabi niya sa amin.

Kath, sobrang busy lang talaga si Luke sa pamilya niya at sa final exam niya. Pinapasabi niya na sorry daw sa hindi niya pagpapakita sayo at sabi niya sa amin na mahal na mahal ka pa rin daw niya. Sabi ni Kurt kay Kath.

Nakita kong naluha siya sa sobrang saya. Ito lang muna ang sasabihin namin kay Kath. Ayaw ko munang maging malala ang lahat. Maaga pa para malaman ni Kath at wala pang kasiguraduhan ang mga nangyayare.

Kath, wag kang magalala. Dadating si Luke. Hindi lang ngayon pero mabilis lang naman ang oras diba? Kath, listen. Mahal na mahal ka ni Luke. Lagi mong tandaan yan. Wala kang dapat ikalungkot at hindi ka dapat umiiyak. Mahal ka niya. Sabi ko kay Kath.

Thank you. Pakisabi na lang din sa kanya na miss na miss ko na siya. Sobra. Sabi niya sa amin habang pinupunas ang mga luha niya.

Sige Kath. Ingat ka palagi. Paalam namin ni Kurt.

Nakita ko na napalitan ng saya ang malulungkot niyang mukha. Ang mga mata niyang matamlay na napalitan ng may spark.

Bro, kailangan nating puntahan si Luke. Sabi ni Kurt sa akin.

Sige bro. Ipaalam na din natin to kay Luke. Siguradong matutuwa siya. Sabi ko sa kanya.

Tinawagan ko si Luke at nasa bahay siya ni Coleen. Hagya na daw siyang payagan ni Coleen. Grabe talaga ang babaeng yon!

Nandito kami kina Kurt habang nag uusap ng mga nangyari kanina.

Bro, may good news kami sayo! Sabi ni Kurt kay Luke.

Ano yun!?? Gulat na sabi ni Luke.

Nakausap na namin si Kath. Inexplain ko sa kanya na sobrang busy ka. Basta gumawa kami ng paraan para maisip niya na mahal mo pa rin siya. Sabi ko sa kanya.

Maraming salamat bro! The best talaga kayo! Nakangiting sabi sa amin ni Luke.

Bro, sabi niya sa amin na mahal na mahal ka daw niya. Sabi ni Kurt kay Luke.

Stupid Crush (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon